( Chapter 18 - Good night, Babe ) Red's POV "Now na ba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya. Parang may tama na siya kaya mukhang inaakit na niya ako ngayon. "Mamaya na, kalahatiin muna natin ang alak, sayang naman ang bili ko riyan. Ikaw na nga ang nagsabing mahal iyan kaya ubusin na natin," sagot niya at muling naupo sa harap ko. Kumuha siya ng pinya. Sinunod-sunod niya ang kain doon. Maganda iyon. Ibig sabihin ay tatamis at lalasa sa katas niya mamaya ang pinya. Napapahagikgik ako. Parang alam na alam niya ang tungkol sa ganoong pakulo ng mga boys. Nakikita lang dati sa timeline ko ang mga ganoon. Nang una, hindi ko rin gets. Pero nang magtanong ako sa mga kaibigan kong bakla ay doon ko lang nalaman kung para saan iyong mga pineapple juice na iniinom ng boys bago makipag-s*x sa m