( Chapter 26 - Masamang balita ) Red's POV Sa ilang buwan na nagdaan ay maraming naging bagong gamit si Pinky. Phone, bags, damit, sapatos at kung anu-ano pa na sa tingin ko ay mamahalin. Siya na rin nga ang bumibili ng mga grocery sa bahay, minsan. Takang-taka na rin ako dahil tila mas malaki ang sinasahod niya kasya sa sinasahod ko. Sinundan ko naman ito nang palihim. Isang linggo ko siyang sinudan, pero wala naman akong nakita na trabaho niya. Pasok sa school, pakikipagkita sa mga kaibigan niya at uwi lang sa bahay. Wala akong nakitang work na ginagawa niya kaya nakakapagtaka na talaga. Hindi ko muna iyon pinaalam kay mama at papa. Ayokong ma-stress sila. Malapit ko na kasing isipin na may ginagawang mali si Pinky. Gusto ko siyang kausapin, pero hindi ko naman magawa dahil ayokong m