( Chapter 23 - Napurnadang plano ) Red's POV Tinigil ko na muna ang pagluluto dahil marami-rami na rin ang aking nailuto, baka hindi namin ito maubos, masasayang lang. Habang patuloy na naliligo si Blue ay naghanap ako sa prigider niya ng puwede naming mainom. Pagbukas ko sa pinto ng prigider ay unang umakit sa mga mata ko ang pineapple juice na nakita ko sa may pintuan nito. Tamang-tama iyon pang-balance ng dugo namin dahil nakaka-highblood ang kakainin namin ngayong gabi. Nilabas ko iyon kasama ang mga ice cubes na nakita ko sa freezer. Hinanda ko na rin ang lahat para kapag bumalik na rito si Blue ay kakain na lang kami. "Rhodora?" dinig kong tawag niya sa akin mula sa banyo kaya sumagot naman agad ako nang pasigaw din. "Ano?!" "Ilipat mo ang lahat sa salas, doon na tayo kumain ha