Chapter 1

1472 Words
( Chapter 1-  Ang unang pagkikita ) Red's POV Alingawngaw ng alarm clock ko ang gumising sa akin ng umagang iyon. Papikit-pikit pa ako nang tumayo habang pilit na kinakapa ang switch-off nito. Inangat ko ang kalahati ng katawan ko para maabot ang maingay na relo. Nakailang kapa na ako roon, pero hindi ko pa rin mahanap ang switch-off. Dahil doon ay tuluyan ko nang naidilat ang aking mga mata. Wala na! Sira na ang tulog ko ngayon. Ayoko pa sanang idilat ang mata ko para kapag nahiga ulit ako ay magtuloy-tuloy pa rin ang tulog ko, kaya lang ay dahil naidilat ko na ang mga mata ko ay tuluyan na akong bumangon. Dinikdik ko ang kamay ko sa ulo ng alarm clock para tuluyan na itong mamatay. Doon ko na lang ibinaling ang pagka-inis ko. Buwisit! Naiinis talaga ako kapag bumabangon ng maaga. Kaasar kasi si mama eh! Hindi ko na nga ina-alarm ang orasan ko para hindi ako nagigising ng maaga, kaya lang kapag tulog na ako ay palihim siyang pumapasok sa kuwarto ko at siya na ang nagse-set ng alarm clock. Sinasadya pa nitong i-alarm sa maagang oras. Tumayo na ako. Lumapit ako sa bintana at saka ito binuksan. Sinalubong ako ng sinag ng araw at ang maaliwalas na hangin sa mukha ko. Dahil doon ay napawi ang inis ko. The best talaga para sa akin ang maaliwalas na hangin at ang bagong sikat na araw tuwing umaga. “Good morning, Plowder Street!” sigaw ko roon habang nakangiti at nakataas ppa ang dalawa kong kamay. Napalingon ako sa likuran ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Nakita kong niluwa ng pinto si mama. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita niya akong gising na. “Aba! Isang malaking himala ata ang umagang ito, anak. Hindi mo na ako pahihirapan pa na pabangunin ka sa kama mo dahil gising ka na agad,” sabi niya habang tinitiklop na ang kumot ko.  Sinimangutan ko siya bago ako nagsalita. “Ibang klase naman po kasi ‘yang bagong relo na binili niyo. Ang lakas ng tunog! Sinong tao ang hindi magigising sa ingay niyan!” iritado kong sagot habang naka-cross arm. “Iyon kasi talaga ang gusto kong mangyari—ang magising ka ng maaga para hindi ka nali-late sa school mo. Kung bakit kasi hindi ka gumaya sa kapatid mo. Malayong-malayo ka kay Pinky. Hindi na kailangang gisingin. May kusa, at hindi mo gaya na tulog mantika,” reklamo pa nito sa akin kaya napairap ako. “Nakakatamad na po kasing pumasok sa ngayon. Malapit na ang graduation namin. Gawa naman na ang grades namin. Sabi nga po ng ibang tao, Pebrero pa lang ay gawa na ang grades ng mga estudyante. March na ngayon kaya sigurado akong gawa na ‘yon. Kaya naman maaari na siguro akong mag-absent nang madalas,” pangangatwiran ko habang tumatawa. Totoo naman kasi. Saka, ilang araw na kasi akong puyat sa mga pinapagawang project ng mga teacher namin. Porket ga-graduate na kami sa highschool ay todo pahirap naman sila. Palibhasa’t sakit kami palagi sa ulo kaya mukhang gumaganti sila ngayon sa amin. “Hindi totoo ‘yon. May grades pa rin na papasok sa inyo kaya bumaba ka na riyan at maligo na. Mamaya niyan e, ipatawag na naman ako sa school mo. Sawang-sawa na ako sa mukha ng guro mo. Puro iisa lang naman ang sinasabi niya sa akin. Misis, pilitin niyo pong gisingin nang maaga ang anak mo. Palagi na lang late, e. Paulit-ulit na lang na puro ganyan ang sinasabi niya. Nahihiya na rin ako!” reklamo pa ulit ni mama kaya napapahagikgik na lang ako. Hindi na lang ako sumagot dahil nakakaawa na rin si mama. Pagod na nga ito sa gawaing bahay at sa pagtitinda sa karenderya, nai-istorbo ko pa siya. Sabay na kaming bumaba sa salas. Nakita ko roon si Papa na nagbabasa ng diyaryo. “Good morning po, papa,” bati ko sa kanya. Hindi puwede kasi na hindi ko siya babatiin kapag bababa ako tuwing umaga. Sanay na ako sa gawaing iyon. At sa tuwing kakausapin ko si papa at nasa malapit siya ay iba ang boses at kilos ko. Hindi ako nagpapahalata sa kanya ng bakla ako. Hindi naman siya masungit o namamalo. Ang sa akin lang ay nahihiya pa rin kasi akong magsabi sa kanya. Kahit kasi alam na niyang bakla ang anak niya ay minsan pinu-push pa rin niya akong maging lalaki. “Gising na pala ang pogi kong anak,” bati rin niya sa akin kaya palihim ako napangiwi. Pogi raw ako e, maganda kaya ako! kaloka talaga si papa! Tumuloy na ako sa kusina. Kakain muna ako ng almusal bago maligo. Nadatnan ko roon si Pinky na nakagayak na. Baliktad nga talaga kami. Ako kakain muna bago gumayak. Siya naman gumagayak muna bago kumain. “Good morning, Kuya Red,” bati niya sa akin habang nakangiti. “Ate Red, hindi kuya red,” pagtatama ko sa kanya habang nagsasalita nang pabulong. Baka kasi marinig ako ni papa. Tumawa na lang tuloy si Pinky sa akin. Kay mama at Pinky pa lang ako open sa pagiging gay ko. Sa kanila muna ako ganito. Ang kay papa kasi ay pinaghahandaan ko pa. Hindi ko pa kasi kayang lumadlad sa kanya. Mabilisang kainan ang ginawa ko dahil balak kong sumabay sa kotse nila Ben. Kapitbahay ko siya at kaklase rin. Gaya ko ay bakla rin ito. Richkid si Ben kaya siya ang madalas na nanlilibre sa akin sa school kapag kapos ako sa baon. Palagi ko rin siyang nauuto dahil crush niya raw ako kahit alam niyang bakla ako. Ang weird nga niya e. Poging-pogi siya sa akin kahit ang lambot-lambot ko naman kapag magkasama kami. Hinahayaan ko na lang siya sa trip niya dahil nanlilibre naman si bakla. Pagkatapos kong kumain ay naligo at gumayak na rin ako. Saktong pagsukbit ng bag sa likod ko ay tumatawag na si Ben sa phone ko. “Palabas na ang kotse namin. Sasabay ka ba ngayon, Baby boy?” tanong niya na agad ko namang kinairap. Yup, baby boy ang tawag niya sa akin. Nakakadiri talaga siya. “Red, hindi baby boy,” pagtatama ko sa kanya. “Shut up! Baby boy ang gusto kong itawag sa iyo, tapos!” pagmamatigas niya kaya hinayaan ko na lang. “Baliw ka talaga, beks. Sige na, palabas na rin naman ako sa bahay namin. Bye!” putol ko sa pag-uusap namin. Bago ako tuluyang lumabas ay kinuha ko na muna sa itaas ng prigider namin ang baon ko. Doon na kasi inilalagay ni mama ang baon ko kapag maaga siyang umaalis para pumunta sa palengke. Pagkatapos ay saka na ako tuluyang lumabas. Sakto naman na paglabas ko ay papasok na rin sina Ben at ang driver niya sa sasakyan nila. Nagtatakbo na ako papunta sa tapat ng bahay nila. Pagpasok ko sa loob ng kotse nila ay agad akong nginitian ni Ben. Sayang din ang baklang ito. Kung hindi siya naging bakla ay guwapo rin sana siya.  “Good morning, Ben,” bati ko sa kanya. “Good morning din, Baby boy,” bulong niya sa akin at saka idinikit ang labi niya sa tenga ko. “Kadiri ka talaga!” Tinulak ko tuloy siya. Tatawa-tawa naman ang bakla. Sanay naman na ako sa kanya kaya balewala na sa akin ang mga trip niya. Sa kalagitnaan ng biyahe namin ay biglang nahagip ng isang magarang kotse ang sasakyan nila Ben. Lahat kami ay nagulat. “Mali ang sasakyan na ‘yan. Bigla-bigla siyang lumiliko e, alam naman niyang padaan tayo!” inis na sabi ng driver nila Ben na si Manong Gary. Ibinaba ko ang bintana ng kotse nila Ben para makita namin ang ganap sa labas. Saktong nagbaba rin ng binata ang likuran ng sasakyan nang nakabangga sa amin. “Si Blue pala ang nakabangga sa atin, eh,” sabi ni Ben. “Sinong Blue?” tanong ko naman sa kanya.  “Iyong mayaman at guwapo na taga-Exequel Street. Isa nga rin iyan sa mga crush ko. Pero huwag kang magselos dahil ikaw naman ang number one crush ko,” sabi pa niya kaya napairap na naman ako. Nagkatinginan kami ng Blue na sinasabi niya. Nginitian niya ako, pero hindi ko siya pinansin. Hindi kami close kaya ayokong makipag ngitian sa kanya. Dahil doon ay itinaas ko na lang ulit ang bintana ng sasakyan nila Ben para hindi ko na siya makita. Ang ending ay na-late tuloy kami dahil nag-usap pa ang dalawang driver kung paano ang mangyayari sa mga gasgas ng sasakyan nila Ben. Napapailing na lang ako. Tiyak na patay na naman ako nito sa teacher namin. Sana lang ay huwag ipatawag si mama sa school bukas. Kainis kasi ang sasakyan ng Blue na iyon. Kasalanan nila ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD