Chapter 62

1807 Words

( Chapter 62 - Kidlat ka, girl? ) Red's POV Alam kong nilalasing na lang niya ako. Hindi niya alam na kahit ilang bote pang alak ang inumin ko ay hinding-hindi ako malalasing, lalo na kung beer pa ang iniinom. "Game na ba ulit?" tanong ko. "Sige, tara na!" Siya ang nagbukas ng mga bagong bote. Inabot niya ang sa akin at saka naman niya tinapat sa harap niya ang kaniya. "Ikaw na ang magbilang," utos ko sa kaniya. Kung sa inaakala niya ay malalasing niya ako ay nagkakamali siya. Babawi ako, humanda siya dahil magugulantang siya sa susunod kong i-uutos. Hindi ata puwede na puro siya lang ang nag-e-enjoy. Tama na muna ang patikim sa katawan ko. Dapat na muna siyang parusahan. "1...2...3...go!" Siyempre, ako ulit ang nanalo dahil halata naman na binabagalan niya ang inom sa bote ng alak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD