( Chapter 60 - Tatakamin ko muna siya ) Red's POV Sa isang maganda party nightclub kami nasuot. Si John na bakla ang nag-suggest nito kaya roon kami napunta. Hindi naman kami nagkamali nang pagsunod sa sinabi niya dahil maganda ang napuntahan namin. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng malakas na tunog ng party-party sound. Nakakaindak lalo ang sumasabay na sumasayaw na iba't ibang kulay ng spotlight sa itaas. "Anong masasabi ninyo? Ayos ba?" tanong ni John. "Grabe, maganda rito. Mabuti at dito ka nag-aya," puri ko sa kaniya. Patingin-tingin ako kay Red. Halatang kanina pa ito inis dahil alam niyang hindi siya ang makakatikim sa akin mamaya. Sa totoo lang ay hindi iyon ang plano ko. Ang plano ko talaga ay lasingin siya para walang mangyari sa amin. Pero, dahil may biglang um