Chapter 1

1117 Words
Muli na naman bumalik sa isipan ko kung paano ako nag umpisa bilang isang news anchor at kung paano ko naabot ang position ko. Ang ginawang pang iinsulto sa akin ng superior ko at kung paano nito apakan ang pagkatao ko. Doon ko hinugot ang lahat para marating ko ang kinalalagyan ko. "Sino ang nagsabi sayo na pwede mong dagdagan ang ibabalita mo?" Habang dinuro ako sa aking noo ng aking superior na Miss Sanchez. Siya ang anchor mg mga panahon na yun at ako naman ang nasa ilalim niya. Siya noong ang naka assign para i trained ako bilang baguhang reporter. "Ano ka sa akala mo? Akala mo ba matatawag ka nang reporter dahil sa ginawa mo?" Patuloy na pang iinsulto niya sa akin. Yumuko ako at nagbaba ng tingin. Sobra akong nahihiya sa mga kasamahan namin at kasamahan kong trainee na nasa pangangalaga niya. "Isipin mo lagi, ang gagawin mo bago ka mag bitaw ng mga salita sa camera. Itatak mo yan diyan sa kukote mo." Aniya habang patuloy na pag duro sa sintido ko. "Karamihan dito na magaling na reporter ay nanggagaling sa akin, dahil sa akin. Alam nila yan, dahil hindi sila gagaling ng ganyan kung hindi ako nag nag trained sa kanila. And someday pasasalamatan mo ako sa lahat ng itinuro ko sayo. Hindi lang trainee ang tingin ko sa inyo kundi parang mga anak ko na kailangan gabayan para matuto." Dugtong pa niya. " Ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko dito ay pamilya nila ako at ganun din ako. Pero ikaw? Hindi ka marunong kumilala kung sino ang superior mo. " Tumulo na ang luha ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nasabi na hindi ko siya kinilala bilang na superior ko? Ang gusto ko lang naman magkaroon ako ng ibang paraan sa pag rereport ko. Yung tatak sa tao bilang ako. Napapapikit ako bawat diin ng daliri niya sa aking sintido. "Kapag pinakisamahan ka namin dito, tataas ang lipad mo. Mas magiging mapagmataas ka sa amin at kung ano ano ang sasabihin mo tungkol sa amin habang nakatalikod kami at kapag ginusto mo. Kaya kung gusto mong i pursue ang career mo sumunod ka sa gusto ko." Aniya sa akin. Pasimpleng kong pinunasan ang aking luha ng tumalikod siya at iniwan ako sa loob ng studio habang pinag bubulungan ako ng kapwa ko trainee. Magmula ng araw na yun mas naging mainitin ang ulo sa akin ni Miss Sanchez, at kahit na wala naman akong ginagawang mali, hinahanapan niya ako ng butas para lang may maisabi siya sa akin. Kaya mula noon ipinangako ko sa sarili ko na magiging matagumpay ako, at ipapakita ko sa lahat ng umapak sa akin at pinagtawanan ako nung nag umpisa ako kung ano ang narating ko. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagiging reporter ko ng mapromote ako bilang solo reporter at nagkaroon ng sarili kong show. Marami na din akong awards na natanggap dahil sa galing ko sa pag report. Hanggang ngayon na ako na rin mismo ang nag te-trained sa mga intern at trainees na gustong sumabak o pasukin ang pag re-reporter. Marami na rin ang takot sa akin dito sa studio dahil sa aking tapang na ipinakita sa kanila. Mula ng apak apakan at insultunin ako ng superior ko, hindi na ako nagpapakita na kahit emosyon sa kahit sino. Pero lumalambot ang puso ko sa mga batang walang magulang tulad ko. Lumaki akong kasama ang aking lola, pero nung namatay ito ng 16 ako, itinaguyod ko ang aking pag aaral at nabuhay na mag isa. Pinasok ko ang lahat ng trabaho noong nag aaral pa lang ako sa University of the Philippines, naging labandera ako at taga gawa ng report ng iba kong kaklase na may kaya sanl buhay para lang may maipon akong pera para lang sa aking matrikula. Kahit kasi sabihin na scholar ako sa UP, marami pa rin akong dapat na bayaran lalo na at hindi biro ang kursong Bachelor of Arts in Mass Communication. yes masscom amg aking kursong kinuha. "Magandang gabi Miss Edna, may iniwan pong regalo dito para sa inyo" saad sa akin ng receptionist sa condong tinitirhan ko. " Kanino daw po galing? " Kunot ang noo na tanong ko dito. "Wala pong nakalagay Miss edna, pero may card po sa labas ng regalo, baka gusto niyo pong basahin." Aniya sa akin. Inabot ko ang regalo at binasa ang laman ng card. "I hope all your tiredness and stress will be removed with the flowers and chocolates I gave. -love your secret admirer" saad sa card. Naiiling na binalik ko sa receptionist ang regalo at ang bulaklak "Paki tapon na lang thank you." Saad ko at tinalikuran ito. Wala akong oras para sa mga tagahanga ko. Marami man silang binibigay sa akin pero kadalasan ko din itong tinatapon. Wala akong interest sa kung ano man ang naibibigay nila sa akin. Pagpasok ko sa unit ko agad kong binaba ang aking bag. Gutom na gutom na ako kay kumuha ako ng isang cup noodles para kainin. Naupo ako sa sofa at nanuod ng tv. Napaismid agad ako nang una ko kaagad nakita ang model actor na kinaiinisan ko. Ang kapitbahay kong si Finn Daniel. Sobrang yabang kasi nito, ang akala siguro nito lahat ng babae mapapaluhod niya para sambahin siya. "Finn, this is your first interview alone and you don't have anyone with you, we just want to ask if we can ask you about your personal life." Tanong ng isang sikat na showbiz reporter dito na si Lenevy Miranda, ang pagkakaalam ko matalik na magkaibigan ang dalawa kaya siguro pumayag si Finn na magoa solo interview dito. Namamayagpag din si Lenevy Miranda sa larangan na tinatahak niya. Kung ako namamayagpag bilang news reporter, si Lenevy naman ay bilang showbiz reporter. "Sure, basta ba wag lang tungkol sa love life ko ay okay na okay tayo." Sagot nito kay Lenevy sabay kindat sa dalaga. " Tssk ang yabang talaga di naman kagwapuhan." Inis na bulong ko habang nakatingin sa monitor ng tv. "So Finn, alam naman ng lahat dito na matalik tayong magkaibigan, tinatanong nila kung nag karoon daw ba tayo ng special feelings sa isa't isa, at kung paano daw tayo nag kilala." Ani ni Lenevy kay Finn. "Ako ba ang dapat na sumagot sa tanong o ikaw na total ikaw naman ang babae sa ating dalawa." Nakangising saad ni Finn. "Syempre dapat ikaw ang sumagot dahil ikaw ang ini interview." Umikot ang mata ko ng mag biruan ang dalawa sa studio. " Ano ang akala nila? Na sila lang sa loob ng studio at hindi sila napapanood nationwide para maglandian na dalawa." Mas lalo akong nairita sa kalandian ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD