“ I'm glad that you are awake. Gigisingin na rin sana kita para sabihin sayo na nandito na tayo.” ani sa akin ni Finn ng magising ako. Bigla tuloy akong nailang sa kanya dahil sa panaginip ko. Pero bakit parang totoong hinalikan niya ako? Parang hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin mga labi niya sa akin parang totoo talaga naramdaman ko talaga ang labi niya. Kunot ang noo na napa hawak ako sa aking labi. “ Panaginip lang ba talaga yun?" Wala sa sarili na tanong ko. " Panaginip ang alin!? “ Tanong sa akin ni Finn. " Wala ka naman sigurong ginawa sa akin habang tulog ako diba? “ Tanong ko sa kanya. Para kasi talagang totoo na hinalikan niya ako kanina. “ Ano naman ang gagawin ko sayo? “ Kunot ang noo na sagot niya sa akin, pero parang may something sa mga mata niya na hindi ko mai