CHAPTER 1
“Engineer Delfin Delgado! 'Di ba bagay na bagay, mahal,” sabi sa akin ng nobyo kong si Delfin.
Nakahiga siya sa ibabaw ng mga hita ko habang nakaupo kami sa damuhan. Nasa tuktok kami ng burol na siyang madalas naming gawing tambayang dalawa.
“Bagay na bagay nga mahal,” nakangiting sagot ko habang hinahaplos ang alon-alon niyang buhok na nililipad ng hangin. It's been a while simula ng huling beses kaming nagawi rito sa lugar.
“Kapag naging Engineer ako mahal, ako na mismo ang magtatayo ng bahay natin. Doon tayo titira kapag kinasal na tayo Estrellal.”
Ngumiti ako nang buong pagmamahal sa kaniya bilang tugon. Hindi pa man ay wala nang pagsidlan ang kaligayahan ko. Wala akong ibang gusto kung hindi ang makamit niya ang pangarap, at ang tanging hiling ko lang ay ang maging kabiyak niya balang-araw.
Kababata ko si Delfin at naging kasintahan limang taon na ang nakararaan. Kasal na nga lang ang kulang sa aming dalawa lpara na matawag kaming mag-asawa. Nagsasama na kami nito sa iisang bubong at pangako niya na oras na makapagtapos siya at maging isang ganap na Engineer ay magpapakasal na kaming dalawa.
Buo ang loob ni Delfin, at desidido itong abutin ang pangarap. Iyon nga lang, gaya ng nakararami sa aming lugar ay kapos kami nito sa pinansyal na pangangailangan.
Kapwa kami ulila ni Delfin. Nagsusumikap itong ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo, samantalang ako naman ay huminto na nang tuluyan nang makapagtapos ako ng highschool.
Nagtatrabaho ako ngayon bilang dishwasher sa karenderya kapag umaga at nagtitinda ng balot sa gabi para maituloy ni Delfin ang pag-aaral niya. Habang si Delfin naman ay nag-aaral sa umaga at umi-extra sa pamamasada ng tricycle sa gabi. Alam ko na kahit mapudpod ang kamay ko sa kakahugas ng plato sa karenderya at kakapuyat sa pagtitinda ng balot sa gabi ay hindi sasapat ang kita naming magkasintahan para sa isang semester nito.
Minsan nga'y umuwi pa itong galit na galit at halos maluha na sa sama ng loob.
“Bakit, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang daluhan ko siya. Kakarating lang niya noon mula sa magdamag na pamamasada.
“Putang*nang mga holdaper iyon! Nilimas lahat ng kinita ko sa pasada buong magdamag pati ang wini-draw ko na ipon natin sa bangko, nalimas,” galit at umiiyak na tugon nito sa akin. Nanlumo ako ngunit hindi ko iyon ininda dahil mas inalala ko ang kaniyang kalagayan.
“Sinaktan ka ba nila, ha, mahal?” nag-aalalang tanong ko. Balewala sa akin ang pera, ang mahalaga ay ang kaligtasan niya.
“Hindi gaano, galos lang ito, pero iyong pera Estrellap, pambayad ko iyon sa semester. Paano na? Paano pa ako makaka-graduate nito!? Lintik na buhay naman 'to!” mangiyak-ngiyak sa galit na saad ni Delfin.
Dama ko ang bigat ng loob ng aking kasintahan at wala akong magawa para pagaanin ang loob niya.
“Tama na mahal, hayaan mo na iyon. Ang mahalaga ay ligtas ka! Mababawi at maiipon pa natin iyon sa mga susunod na araw, pero ang buhay mo hindi na maibabalik kapag nawala. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka Delfin, mahal na mahal kita!” buong pusong sabi ko.
“Gaano mo ako kamahal, Estrella?” seryosong tanong ng niya sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng tanong ba iyon o kung bakit niya naisipang itanong iyon. Dala siguro ng sobrang sama ng loob niya at para pagaanin iyon kahit paano ay sumagot ako ng tapat.
“Mahal na mahal, Delfin! Alam mo namang ikaw lang ang lalaking minamahal at mamahalin ko. Lahat ng kaya kong gawin Delfin, gagawin ko para sayo, ganyan kita kamahal.”
Nakita ko kung paano nangislap ang mga mata ni Delfin. Siguro ay mas mapagtanto nito kung gaano ko siya pinahahalagahan.
“Huling araw na ng pagbabayad para sa ikalawang semester sa Lunes, Estrellia. Kahit magdamag kang magtinda ng balot, kahit magdamag akong mamasada hindi iyon kakasya.”
“Baka naman may iba pang paraan Delfin, hayaan mo kakausapin ko si Aling Nita. Baka makaka-bale ako kahit isang buwang sweldo.”
“Kahit isang buwang sweldo mo hindi pa rin kasya iyon Estrella. Magkano lang ba ang two hundred pesos na sahod sa iyo kada araw?” Napayuko na lang ako dahil doon. Tama si Delfin, bukod sa hindi ko sigurado kung makaka-bale ako sa amo ay hindi rin talaga sasapat iyon kung sakali.
“Hanggang saan ang kaya mong itulong sa akin, mahal?” malungkot sa tanong nito sa akin.
Agad ko naman siyang niyakap, nais kong maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal at lahat ay gagawin ko para makatulong sa pagtupad sa pangarap niya.
“Hanggang kaya ko, Delfin!”
Ngumiti nang matamis sa akin si Delfin kasabay ng masuyo niyang haplos sa aking pisngi. Ngumiti rin ako ng buong pagtangi habang nakatitig sa mga mata niya. Ilang sandali pa ay lumapat ang mga labi ni Delfin sa aking bibig na agad ko namang tinugon. Ibinuka ko ang aking mga labi at mas pinalalim ang halik na iyon. Naging pangahas na rin ang kamay niya at dama ko na sumuot at humimas na iyon sa magkabila kong dibdib. Nagulat pa ako nang bahagya niya akong hatakin paupo sa kandungan niya habang hinahawi pataas ang suot kong lumang daster. Ramdam na ramdam ko ang pananabik niya mula sa aking pagkakaupo sa kaumbukan ng p*********i niya na nakalapat sa mabibilog kong pang-upo.
Napalunok ako at pinipigilan ang aking sarili na mapaungol ng malakas nang dumako ang kamay niya sa pagitan ng aking mga hita. Kinagat ni Delfin ang laylayan ng manggas ng suot ko pababa hanggang sa mahulog iyon sa aking balikat. Malaya rin niyang nahahalikan ang aking likod patungo sa balikat.
“Ibuka mo, mahal,” utos ni Delfin na agad naman ko sinunod. Ibinuka ko ang aking mga hita at malayang naipasok ni Delfin ang kaniyang kamay roon at nag-uumpisa nang humagod sa namamasa kong hiyas.
“D-delfin!” mahinang daing ko nang igilid niya ang suot kong panloob at salatin ang aking hiwa. Napasinghap ako nang tuluyang bumaon sa p********e ko ang daliri ng aking nobyo. “Ahh... Delfin!” kagat labing daing ko.
Hindi ko makuhang umatungal nang malakas kahit nanginginig na ang katawan ko sa sarap ng ginagawa ni Delfin dahil ayaw ko na makakaeskandalo kami ng kapitbahay. Lalo pa at sa dikit-dikit na barung-barong lang kami nito nakatira.
“Tang*ina Estrella!” mura ni Delfin habang pinagsasawa ang mga daliri niya sa paglabas-masok sa basang basa kong hiyas. “Kaya maraming nababaliw sayo, malas lang nila dahil sa akin ka!” bulong ni Delfin habang sumasabay ang balakang ko sa pagbayo ng daliri niya sa loob ko. Halos tumuwad na ako sa harap ng aking nobyo at sabayan mismo ang paghugot at baon ng daliri niya sa loob ng aking p********e.
Maraming beses nang may nangyari sa amin ni Delfin, at ito ang una at huling lalaking makakaangkin sa akin iyan ang pangako ko sa aking sarili.
“Ahh... Delfin! Uhm... Sige pa mahal, malapit na...” mahinang halinghing ko. Ramdam ko ang pagpintig ng bawat himaymay ng aking katawan dahil sa papalapit na orgasmo.
“Pagsasawaan muna kita bago ka mapunta sa iba, Estrella!” Sukat doon ay hinatak ako ni Delfin at pinatuwad sa ibabaw ng papag naming kama. Walang sabi-sabi rin niyang ibinaon ang naghuhuminding niyang p*********i sa loob ko at mabilis na bumayo.
“Ahh... Delfin!” ungol ko. Halos masubsob na sa katre ang aking mukha dahil sa lakas ng ayuda ni Delfin sa aking hiyas. Ni hindi na nga niya nahubad nang maayos ang pantalon niya dahil sa pagmamadali. Ewan ko ba kung bakit iba ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. O, baka dahil hindi lamang ako sanay na nagsasalita siya ng mga ganoong kataga. Marahil ay masyado lang siyang na-stress sa mga problema namin. Binalewala ko ang lahat ng mga salita niyang nakakabastos nang mga sandaling iyon dahil kilala ko naman ang aking nobyo at alam kong mahal na mahal niya ako.
“Ang sarap mo talaga, Estrella! Ahh...” paulit-ulit na sambit ni Delfin.