Claire's POV Kasalukuyan ako'ng nasa loob ng aking kotse, at nagda-drive pauwi sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang malakas na kaba sa dibdib ko, na tila ba nag-aalala ako sa biglaang pagsulpot ni Zander kanina. Bakit bigla bigla na lamang siya nagpakita? I mean okay, sige sabihin na natin na nagkataon lang. Hindi naman talaga maiiwasan na magkita kaming muli lalo pa na cafe owner ako, may mga pagkakataon talaga na makakasalamuha ko ang mga taong naging kakilala ko noon pero ang hindi ko kasi naiintindihan ay bakit gusto niya na mag-usap kaming dalawa, and I don't like it. Malinaw naman ang naging huling usapan namin noon na wala na kaming pakiealamanan, kaya hindi ko talaga gets at bakit gusto niya pa makipag-usap. I already blocked him on all my social media acco