Two years ago. Claire's POV Nasa loob ako ng bathroom ko, nakatayo sa may tapat ng sink habang nakatingin sa may mirror, at ready na ko mag-aplay ng aking anti-wrinkle eye cream. Yup, nagsisimula na ko mag-apply nito because I've reached the age of 30, and sad to say na malapit na kong lumagpas sa kalendaryo pero hindi pa din ako nakakapag-asawa unlike sa mga ka-age ko na halos lahat ay nakapag-asawa na, at ang iba pa nga ay may pa-grade one student na pinag-aaral na. Kung minsan nga ay parang ayaw ko nga magbukas ng social media account, dahil ang pakiramdam ko napag-iiwanan na ko ng mga ka batch mate ko. Kung sa itsura naman ay masasabi ko naman na hindi ako panget. May mga nakarelasyon din naman ako before kaso nga lang hindi rin nagtatagal. Alam mo 'yung para bang ang malas ko pag