EP11. Indescribable

1134 Words

Zander's POV "Grabe ka Zander ang lakas ng dugo mo." Ang imik naman ni Darcy na nasa tabi ko na pala ngayon, at pareho namin pinagmamasdan ang picture ni Claire at ang baby na karga niya sa picture. Kung makaimik naman 'to si Darcy akala mo talaga ay siguradong sigurado na siya na ako ang tatay ng baby na karga ni Claire. Baby Jacob - ang nabasa kong nakalagay sa isa sa mga caption niya. So, Jacob pala ang ipinangalan niya sa baby. "So, ano ng plano mo ngayon?" Ang tanong ni Darcy. "Sa ngayon ay hindi ko pa alam, dahil mukhang ayaw ako'ng harapin ni Claire." Ang sagot ko kay Darcy habang nag-i-scroll at tinitignan kung ano ano ba ang mga pinopost ni Claire. "What do you mean ayaw harapin? Nagkita na kayo?" Ang tila nagtatakang tanong ni Darcy habang nakatingin pa din sa ginagawa ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD