Kinabukasan ay ibinigay na sakin ni Tatang Greg iyong schedule ko sa susunod na mga araw habang nagtetraining kami. Siguro dahil batak sa exercise iyong katawan ko kaya di ko na gaanong ininda iyong kirot sa pagitan ng mga hita ko. Di lang ako komportable dahil simula pa kanina nung nag-meet-up kaming mga athletes ni coach ay di na ako hiniwalayan ng titig ni Xavier. Kahit di ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang mga titig niya na para bang binabantayan bawat kilos ko. Di naman siya tahasang nang-iistorbo sa mga ginagawa namin pero sadyang apektado lang talaga ako sa presensiya niya. "Rose, talaga bang di mo boyfriend iyang si Mr. Santibañez?", pasimpleng tanong sakin ni Ate Leah habang nag-stretching ako para sa unang set of exercises ko ngayong araw. " P-po?" natigilan kong tan