chapter 4

2166 Words
Pagkatapos kong maghanda ng mga dadalhin ko sa pagpasok ay bumaba na ako para kumain. Nadatnan ko si Xavier na pinagsisilbihan habang kumakain kaya napaismid ako. " Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?" pasinghal nitong tanong sa tagasilbi nito. "Dito po ako pinatira ng Lolo ninyo kaya dito din ako kakain," nakangiti kong sabi Kumuha agad ako ng sandwich sa plato niya nang makita kong mukhang masarap iyon. " Ayaw kita dito. Tumawag kayo ng guard!! Palayasin itong babaeng ito!" utos nito sa mga katulong. "Ang dami mo talagang arte! Ayaw ko din naman sayo noh!" Iningusan ko diua habang ninamnam ang sarap ng unang kagat ng sandwhich hawak ko. " Sir, pinapatawag niyo po raw kami." Dalawang unipormadong guard ang pumasok sa loob ng dining area. "Palayasin ang babaeng iyan!" Parang hari nitong utos sa mga bagong dating. " P- pero sir- Lolo ni'yo po ang nagpatira sa kanya dito," napakamot sa ulong sabi ng isang guard. "Susundin mo ba ako o ikaw ang palalayasin ko?" singhal nito sa guard. Habang nagkagulo sila ay nakadalawang sandwich na ako. Nakiinom na rin ako sa gatas na inihanda para sa kanya. Sarap talaga ng ganitong buhay. Daming free foods! " Ma'am..." nagdadalawang-isip na tawag pansin sa'kin ng isa sa mga gwardiya. "Kaladkarin niyo siya!! Bilisan niyo!" Naririndi na ako sa kakasigaw at kakautos ng lalaking ito ah. Mabilis kong pinasakan ng sandwich ang nakanganga niyang bunganga kaya muntik na siyang nabilaukan. Namumula ang mukhang napilitan siyang nguyain at lunukin ang isinubo ko sa kanya. "Kumain ka lang diyan. Huwag kang sumigaw-sigaw dahil naririndi na ako sa boses mo. Para kang bakla!" "Anong sabi mo?" mas namumula niyang tanong. "Kain na, male-late na tayo!" muli ay pinasakan ko iyong bibig niya. Masama ang tingin sa'kin habang patuloy niyang nginunguya at nilulunok ang mga isinusubo ko sa kanya hanggang sa naubos namin ang inihanda ng mga katulong. " Naubos ko na iyong gatas mo kaya magtubig ka na lang. Di ka na bata para maggatas sa umaga.," sabi ko sabay bigay sa kanya ng isang basong tubig. Masama ang tinging inubos niya iyong binigay kong tubig. "Bilis na! Kilos na baka tapos na iyong first period bago tayo makarating ng school," nagmamadali kong sabi at nagpatiuna na sa paglabas ng dining area. Nadaanan ko pa ang mga katulong na pare-parehong nakatulala na para bang nakakita ng isang malaking himala. " Manang Zelda, alis na po kami!" paalam ko sa mayordomang pinakilala sa akin ni Don Germio pagdating ko sa bahay na ito. "Mag-ingat kayo," nakangiti nitong sabi. " Oy! Xavier, bilis-bilisan mo diyan! Para kang babaeng , babagalbagal!" pasigaw kong tawag kay Xavier nang di ko mapansing sumunod siya sa akin. May sariling sasakyan si Xavier kaya sa kanya ako makikisabay hanggang labas lang ng subdivision dahil magkaiba naman ang school namin kay magdyi-jeep lang ako. "Alis ka diyan! Ayaw kong kasabay ka! Baba!" sigaw nito nang madatnan akong nakasakay na sa kotse niya katabi ng driver seat. " Mag-drive ka na lang! Hanggang labasan lang ako," pabalewala kong sabi. Padabog siyang pumasok at pabagsak na sinara ang pinto ng kotse niya. Para kaming nasa isang racing competition sa bilis ng pagpapatakbo niya. Akala niya masisindak ako e kung ihulog ko kaya siya sa mamahaling kotse niya? Sanay kaya ako sa mga sasakyang mabibilis. Minsan ako nag-part-time as delivery girl sa isang food chain kaya gamay ko ang mabilisang pagpasikot-sikot sa lahat ng klase ng daaan, mapasimentado man o mapabako-bakong daan kaya wag niya akong ismolin noh! Halos tatama iyong noo ko sa dashboard dahil sa padarag niyang pag-break pagdating namin sa labas ng subdivision nila. "Baba!" singhal nito. " Masyado kang atat." Umismid ako sa kanya bago bumaba. Di ko pa nga naisarang mabuti iyong pinto ay mabilis na siyang humarurot paalis. Kung di nga naman bastos ang mokong na iyon! Nakakagigil ah! Pumara na lang ako ng jeep papunta sa school ko. Ilang minuto lang ay narating ko na ang pinapasukan kong paaralan. Ito iyong pinakamalaking pampublikong university sa buong bansa. Pahirapan din ang pagpasok dito dahil pangmatalino iyong entrance exam. Nagkalat sa buong campus ang iba't-ibang uri ng fraternity at sorority na kahit mahigpit na pinagbabawal ng school administration ay lantaran pa rin ang panggugulo ng ilang mga miyembro ng grupo ng mga ito. Ang ginawa ng School Admin ay pinulong iyong mga pinuno ng bawat grupo upang sila ang bigyan ng responsibidad na idesiplina ang mga members nila. Isa ding school club ang tinayo ng School Admin na kinabibilangan ng mga piling studyante upang siyang makipagtulungan sa mga pinuno ng mga fraternity at sorority sa pagsasaayos ng mga gulong kinasasangkutan ng mga ito at pananatili ng kaayusan ng buong university. Sa kasamaang palad ay ako ang naatasang mamuno ng grupo na iyon na under ng School Admin. Halos kaming lahat na sampung member ng grupo ay galing sa iba't ibang martial arts team ng paaralan. Sinadya talaga iyon dahil minsan ay di maiwasang gumamit ng karahasan dahil maraming mga agresibong member ang mga fraternity na di nadadala sa mabuting usapan. Halos ikatlong taon ko na ito. Iyong ibang mga grumadwet na mga member ng UG o University Guardian na pangalan ng grupo namin ay pinapalitan agad ng bago para buo lage ang sampung miyembro. Nitong mga nakaraang araw ay kokonti na lang ang nauulat na gulo na pinangungunahan ng mga pasaway na fraternity kaya medyo payapa ang buhay estudyante naming mga kasapi sa UG. Pero mukhang hindi sa araw na ito dahil di pa ako tuluyang nakatuntong sa vicinity ng paaralan ay may kasapi na ng UG ang patakbong sumasalubong sa'kin. Tiyak, gulo na naman ito. "Rose!! Sa likod ng ICT department!" humahangos na sabi sa'kin ni Ian, ang pumapangalawa sa'kin sa UG at nagpatiuna na sakin papunta doon. Naiiling na lang na binilisan ko ang lakad pasunod sa kanya. Magkasunod kaming dumating sa lugar at napansin ko agad ang ilang taga ibang university na naroon. Paanong nakapasok ang tagalabas sa loob ng campus namin? Napansin agad ng mga ibang nakikiusyuso ang pagdating ko kaya parang red sea na nahati sila at binigyang daan ako papunta sa mismong sentro ng gulo. Kilala ako ng mga taga dito sa paaralan namin at may reputasyon akong laging kakabit ng pangalan ko kaya kinatatakutan ako ng iba at ginagalang ng karamihan. Apat na mga lalaki ang nagpambuno at dalawa sa mga ito ay taga ibang school. Masyado naman yatang malakas ang loob nilang pumasok dito sa paaralan namin para bigyan ako ng sakit sa ulo. Habang iniisip ko na ang gagawin kong incident report mamaya ay itinali ko na ang mahaba kong buhok upang walang sagabal. Nagsiatrasan iyong mga nakikiusyuso dahil parang nahuhulaan na nila kung ano ang maaring mangyari pero iyong mga nag-uupakan ay patuloy pa rin at walang kamalay-malay na pare-pareho silang mauupakan mamaya. "Ian, anong status?" kalmante kong tanong. " Galing sa magkalabang fraternity ang mga iyan. Nakailang saway na kami pero kami pa ang pinagbantaan ng mga kasama ng mga taga ibang school." "Anong grupo iyan?" napahalukipkip kong tanong habang pasimpleng pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan ng taga ibang school na nanonood lang sa nangyaring bugbugan. " Grimz, out of town ang lider nila ngayon." Agad akong lumapit sa isang taga ibang school na akmang susugod sana sa isang taga school namin na nakahandusay na sa lupa. Maloloko ang mga taga Grimz pero ni minsan ay di pa sila nasangkot sa basagan ng mukha kaya nakakapagtataka talaga itong gulong kinasangkutan nila. Gamit ang kaalaman ko sa martial arts ay madali kong nasalo ang atake ng kaharap ko at ginamit ito para siya ang matumba. Bago pa makahuma ang kasama nito ay isang flying kick ang pinatama ko sa panga niya para mawalan ito ng malay. Sa ganitong gulo kung saan nasa teritoryo namin ang mga taga ibang school na sangkot ay automatic na sila ang dis-armahan namin kaya sila ang pinapatumba. Agad sumugod iyong mga kasama nilang nanonood lang kanina. Mga apat siguro iyong sabay na sumugod sa'kin pero within five minutes flat ay nasa lupa na silang lahat at umuungol sa sakit. "Grimz, sa UG headquarter kayo dumiretso. Ian, gawan mo ito ng report at ipadala mo sa Admin office." "Paano ang mga ito?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga taga ibang school na pilit bumabangon kahit namimilipit sa sakit. " May pag-uusapan lang kami," nakangisi kong sabi at hinarap ang isa sa mga binugbog ko. "Sino ang pwede kong kausapin sa inyo na di na kailangang gamitan ng dahas?" kalmado kong tanong. Namutla bigla ang kaharap ko sabay nanginginig na itinuro ang isa sa mga nasa umpukan ng nakikiusyuso. Napatuwid ako bigla ng tayo ng makita ko doon si Xavier na nakahalukipkip at masamang nakatitig sa akin. Napabuntung hininga na lang ako, ngayon may ideya na ako kung paano nakapasok sa school namin itong mga taga ibang school. Tinulungan lang naman sila ng apo ng pinakamayamang donor namin. " Okay, everyone go back to your own businesses! Tapos na ang palabas! Thank you!" malakas kong sabi at tulad ng inaasahan ay agad na sinunod ng mga naroon ang sinabi ko. "Bakit hindi ka pumasok?" salubong ang kilay kong tanong kay Xavier nang naoaalis na lahat ng mga nang-uusyuso. " Anong pakialam mo?" maangas nitong sagot. "Ako ang naatasang magbabantay sa'yo kaya malaki ang pakialam ko," namaywang kong sabi. " Di ko kailangan ng pakialamerang tagabantay!" "E di umayos ka! Bakit ka ba nandito at nagdala ka pa ng mga nanggugulo? Binigyan mo pa ako ng trabaho!" "Bakit ka ba nakikisawsaw? Kilala mo ba kung sino iyang binugbog mo? Kababae mong tao nambubugbog ka!" pasinghal nitong sabi. "Kalalaki mong tao, ang daldal mo," nayayamot kong sagot. " Aba't-" "Gusto mo ring mabugbog?" nagbabanta ko siyang tiningnan kaya natigil siya sa sasabihin niya sana. " Bumalik na kayo sa school ni'yo at huwag na huwag na kayong bumalik dito para manggulo lang." Dali-daling nagsitayuan ang mga kasamahan nito at paika-ikang lumapit kay Xavier. Iyong isa nilang kasama na di pa nagkamalay ay inilalayan ng dalawang kasama na di gaanong napurohan. "Ganun na lang iyon? Di mo man lang aalamin kung sino ang may kasalanan kaya nagkagulo dito?" salubong ang kilay na tanong ni Xavier. " X, alis na tayo dito," parang natatakot na sabi ng isa sa mga kasama nito. Sinamaan ito ng tingin ni Xavier kaya nanahimik na lang ito pero alerto ang mga mata nito. Mukhang nakahanda itong tumakbo palayo kapag kikilos ako nang pabigla. Natakot ko yata, di naman ganun kalakas ang sipa ko kanina ah. "Nandito kayo sa loob ng school namin at para sa'kin ay trespassing iyon so automatic kayo ang mali. Pero huwag kayong mag-alala may kaakibat ding parusa na matatanggap ang nakabugbugan niyo kanina." "Tsss...dapat ay bugbugin mo rin sila! Di iyong kami lang ang binugbog mo," reklamo nung isa. " Di naman nila ako sinugod ah. Kayo kaya ang sumugod sa'kin. Self-defense ang ginawa ko." "Grabeng self-defense naman iyan. Mukhang nabalian ako ng tadyang," himutok ng isa. " Di pa tayo tapos!" pagbabanta sa akin ni Xavier. Tiningnan niya ako ng masama bago taas noong naglakad at di man lang tinulungan ang mga kasamang nahihirapang sumabay sa lakad niya. "Babalik ka pa dito X?" "Ang sama ng bagsak ko kanina dahil sa amasonang iyan kaya di na tayo babalik dito." Panay ang reklamo ng mga kasama niya pero sinamaan lang sila ng tingin ni Xavier kaya bagsak ang balikat na nanahimik na lamang sila. Bumagsak din ang balikat ko na kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Don Germio. "Rose...", agad na sagot nito sa kabilang linya. " Nagalit sakin ang apo niyo.",deretso kong sabi. "Nang pumayag ka sa kahilingan ko ay binigyan na kita ng karapatang desiplinahin ang apo ko sa paraang gusto mo. Huwag mong intindihin ang galit niya. Masyado akong naging maluwag sa kanya kaya nagkaganyan na iyan kay pagtiisan mo nalang sana." Ramdam ko ang lungkot at pagod sa boses ni Don Germio kaya muli ay parang kinurot ang puso ko. "Sige po Don Germio, gagawin ko po ang makakaya ko. Mag-iingat po kayo diyan." "Mag-iingat ka rin. Pakibantayan na lang si Xavvy para sa akin," nangungulila nitong paalam. Wala sa loob na napaangat iyong mukha ko sa langit. Ma, Pa, ingat po kayo diyan. Napapikit ako at ninamnam ang mainit na pagtama ng araw sa mukha ko. Tuwing ganitong naguguluhan o napapagod ako ay lagi kong kinakausap ang mga magulang ko na matagal nang namayapa. Nang umihip ang hangin ay napangiti nalang ako, di talaga pumalya sa pagbibigay ng suporta ang mga magulang ko kahit nasa langit na sila. Nang muli akong nagmulat ng mga mata ay nagkaroon ako ng panibagong lakas para harapin ang anumang hamon ng bukas. Xavier Jean Santibañez, di kita susukuan! Titino ka rin, itaga mo iyan sa bato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD