Muli ay napabalikwas ako nang bangon dahil sa naramdaman kong kakaiba sa paligid ko. Napakurap-kurap pa ako nang ang unang bumulaga sa'kin ang ang sangkatutak na koleksiyon ng mga laruang sasakyan. Napatulala ako sandali sa paligid ko bago ko pa naalala kung nasaan ako at paano ako napunta dito. Nalintikan na , nakatulog ako sa silid ni Xavier! Tiyak, sasabunin na naman ako ng sermon mamaya. "Buti naman , gising ka na. Kumain ka na bago ka pa malipasan ng gutom at ako pa ang sisihin mo!" masungit na bungad ni Xavier sakin habang may bitbit na tray ng pagkain. Nakatanga lang ako sa kanya habang maingat niyang inilapag sa harapan ko ang mga pagkain. Lahat ang sarap ng amoy, nagutom tuloy ako bigla. "Ano pang hinihintay mo? Pasko? Kumain ka na!" pasinghal nitong utos sa akin. Di na ak