Episode 8

1936 Words
Episode 8 “Hi, babe!” sabi ko at kumapit sa leeg ni Alec nang makita ko siya sa labas ng aking unit. Mabilis niya akong nilayo sa kanya kaya hindi ko mapigilang mapanguso at magtampo. Nahihiya ba siya na may nangyari sa amin? Pero dapat ako ang mahiya sa amin kasi nga babae ako! Hinila nya ako papasok sa aking unit at isinirado ang pintuan at isinandal ako. Lihim akong napangisi habang nakatingin sa kanya. Amg wild naman pala ng baby ko. “Nagkakamali ka ng iniisip, Naime.” Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya. Hindi maganda ang iniisip ko sa susunod niyang sasabihin. “Don’t tell me sasabihin mo na naman na wala lang ‘yun sa iyo?” mapait kong sabi. Umiling siya at pumikit bago muli akong tinignan at nagsalita. “No, hindi ko gagawin ‘yun kahapon kung wala lang sa akin ‘yun.” Nahihirapan niyang sabi. “Then, anong inaarte arte mo jan?” “I can’t resist you yesterday, and you seduced me! I’m just a man, Naime. Pero mali ‘yun, may mahal na akong iba.” “Are you rejecting me again?” Napakagat ako sa aking labi at pinipigilan na hindi ako maiyak sa kanyang harapan. “Para na kitang kapatid, Naime.” Mabilis ko siyang sinampal sa kanyang mukha sa galit ang inis. “Nag se-s*x ba ang magkakapatid, Alec? Ginagawa ba ‘yun nang dalawang tao na nag tuturingan na magkapatid, ha!” Galit kong sigaw. “I’m sorry.” Mapakla akong tumawa at mabilis na pinunasan ang aking luha. “Wag ka na mag sorry kung sasaktan mo lang din naman ulit ako, para ka lang tanga niyan.” Huminga siya nang malalim at napaigting sa kanyang panga. “Umalis na tayo. Ma la-late ka pa sa trabaho mo.” Lalabas na sana siya sa pintuan nang mahawakan ko ang kanyang braso. Muli siyang napatingin sa akin at alam kong kita niya ngayon ang malungkot kong mukha at ang naluluha kong mga mata. “Wala na ba talaga akong pag-asa sa iyo?” malungkot kong sabi. “Hindi ako mahilig sa mga babaeng mahilig mag party.” Sabi niya at lumabas na sa unit ko. Napapikit ako at hinang napaupo sa sahig at umiyak ng umiyak. Pagkatapos kong umiyak ay pinunasan ko na ang aking luha at huminga ng malalim bago tumayo naa parang wala lang nangyari. Hindi ako pinalaki ni Dad na mahina. Hindi ako pinanganak ni Mom na susuko agad sa laban. Hindi ko isusuko ang pagmamahal ko kay Alec kasi alam ko na ako ang karapat dapat para sa kanya. Tahimik akong pumunta sa aking boutique shop at nakita ko din si Alec na nakasunod sa akin sa hindi kalayuan. Tahimik lang ako buong araw habang ginagawa ang aking trabaho. Dinalaw ko din ang aking milk tea shop na malapit lang din dito sa boutique. Ginawa kong busy ang aking sarili ngayong umaga para hindi ko maisip ang ginawang pag reject na naman sa akin ni Alec kanina. Hindi niya gusto ang mga babaeng mahilig mag party? Pwes… Gagawin ko ang lahat na magustuhan niya din ang babaeng mahilig magparty at ako na iyon. “Goodbye po, Ma’am!” paalam sa akin ni Milda nang magsirado kami ni shop. Tahimik akong bumalik sa aking condo unit at hindi man lang tinignan si Alec at hindi pinansin. Nang makapasok ako sa aking unit ay pagod akong napaupo sa aking couch at napasandal at napatingala. Ang dami ko pa lang ginawa kanina para lang ma distract ang aking sarili. Napahawak ako sa aking pisngi nang makita kong basa ito. Umiiyak na naman pala ako. Napayuko ako at umiyak ulit na parang bata. Napatigil ako sa aking pag iyak nang tumunog ang aking cellphone. Pinunasan ko muna ang aking luha bago ko kinuha ang aking cellphone sa aking shoulder bag at tinignan kung sino ang tumawag. Bahagya akong nagulat nang makita kong si Tita Rachel pala ang tumatawag. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag ni Tita para hindi niya mapansin na galing ako sa pag iyak. “Hello, Tita Rachel!” masigla kong sabi nang masagot ko ang kanyang tawag. “Oh, my dear Naime! Kamusta ka na, hija?” malambing na sabi ni Tita. Para akong maiiyak sa tanong ni Tita pero pinigilan koi to. Gustong-gusto ko talaga si tita Rachel kasi para na syang nanay sa akin. Noong nawala si Mom ay palagi siya nandiyan para sa akin at tinuturing niya din akong anak. Hindi lang na gusto kong maging akin si Alec, gusto ko din na maging Ina si Tita Rachel, gusto ko siyang maging mother-in-law ko. “Okay lang naman po ako, Tita. Medyo napagod lang talaga ako ngayon kasi marami akong trinabaho kanina sa dalawa kong shop.” Sagot ko sa tanong ni Tita. “Ommo! Dapat hindi ka nagpapagod, Hija! Kumain ka na ba?” alalang sabi ni Tita. “Hindi pa po eh.” Nahihiya kong sabi. Mag o-order nalang siguro ako nang makakain kasi tinamad na akong magluto. “Naime! Dapat kumain ka na, pumunta ka dito sa mansion at sumabay ka nalang sa amin at dito ka na din matulog.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tita. “Po?” “Dito ka muna matulog, my dear. Nagpaalam na din ako sa daddy mo kung hanapin ka niya. Miss na kita, eh!” sabi ni Tita sa kabilang linya. Ngumiti ako at parang nabuhayan sa sinabi ni Tita. “Miss na din po kita, Tita. Sige po, jan na po ako kakain at matutulog.” Excited kong sabi. “Okay, hija! Mag hahanda muna ako dito. Kita kits tayo mamaya!” parang bagets na sabi ni Tita at pinatay na ang tawag. Napatayo ako at pumasok sa aking kwarto upang makapagbihis at kumuha ng masusuot ko sa aking pagtulog doon at para bukas. Nang matapos na ako ay lumabas na ulit ako sa aking unit at sumakay sa aking kotse upang mag drive. Kaninang umaga ay pinayagan na ulit ako ni Dad na gamitin ang aking kotse basta huwag lang akong maging pasaway ulit at tumakas. Hindi pa siguro niya alam ‘yung pagtakas ko noong pumunta akong Batangas upang pumunta sa car racing ni Xavier. Hindi naman siguro sinabi ni Alec iyon kasi wala namang masamang nangyari sa akin. Nasa kanila kaya si Alec ngayon? Sabi pa ni Tita ay sa penthouse siya umuuwi kada araw which is sa pinakamataas na part dito sa kanilang condominium kapag natatapos ang kanyang trabaho sa pagbabantay sa akin. Nang makarating ako sa Mansion ng mga Coleman ay agad akong binungad ng dalawang maids nila sa labas ng mansion. Sinamahan nila ako para makapasok sa loob, sabi pa nila ay nasa kusina pa si Tita Rachel at nagluluto ng hapunan. Bago ako samahan nang isang maid para pumunta sa matutulugan ko na kwarto mamaya ay pinuntahan ko muna si Tita sa kusina. Napataas ang aking kilay nang hindi lang si Tita ang nakita ko doon. “Clarisse, pakikuha nga no’ng knife.” Sabi ni Tita habang busy sa kanyang niluluto. Mabilis naman na sinunod ito ni Clarisse. Ngumisi ako nang may naisip na naman akong gagawin. “Hi, Tita!” pagtawag ko kay Tita Rachel. Agad siyang napatigil sa kanyang ginagawa at napalingon sa akin. Napatingin din sa akin si Clarisse at kita sa kanyang mukha ang gulat nang makita ako. “Oh my dear Naime!” sabi ni Tita at mabilis na lumapit sa akin para mayakap ako. Niyakap ko din pabalik si Tita at naramdaman ang pagkawala ng aking pagod. “Look at your face! Ang haggard mo na, Hija.” Alalang sabi ni Tita habang nakahawak sa aking magkabilang pisngi. Napanguso ako at maliit na ngumiti. “Matagal din kasi ako hindi nakapunta sa trabaho, Tita. Kaya kailangan kong asikasuhin lahat kasi masyado nang madami.” “Nako! Bakit ka pa ba nag ta-trabaho eh marami na din naman kayong pera! Paano nalang kung may masamang mangyari na naman sa iyo?” Humagikhik ako at kumapit kay Tita at malambing na sumandal sa kanyang balikat. “Sorry na po, Mother-in-law.” Malambing kong sabi. Nakita kong napakurap si Clarisse habang nakatingin sa amin ngayon ni Tita. Mahina akong kinurot ni Tita sa aking braso at humagikhik. “Kinikilig ako, my dear Naime! Excited na akong maging anak talaga kita.” “Ako din naman, Tita! Excited na akong tawagin kang… mommy?” Napatili si Tita at mahina akong pinalo ulit. “Gusto ko ‘yan! Bagay na bagay din kayo ng aking Alexander. Ako lahat bahala sa kasal niyo soon!” masayang sabi ni tita habang nakangiti. Nag chikahan pa kami ni Tita habang nandito sa kusina at habang nag-uusap kami ni Tita ay napapasulyap pa din ako kay Clarisse na pinagpatuloy ang pagluluto na inutos ni Tita. Alam kong nakikinig siya sa amin ngayon kahit parang wala siyang pakialam sa nangyayari. Gusto kong malaman niya na wala siyang laban sa akin. Gusto man siya ni Alec pero impossible na magkatuluyan sila hanggang sa ikasal, hindi makakapayag si Tita Rachel na mangyari iyon. “Hija, punta ka muna doon sa magiging kwarto mo ngayong gabi. Pinaayos ko na sa mga maids ‘yon, at kapag may kulang pa na kailangan mo o di kaya gusto mong ipadagdag sa kwarto ay tumawag ka lang sa mga maids.” Nakangiting sabi ni Tita. “Sige po, Tita.” “Clarisse, samahan mo muna si Naime sa magiging kwarto niya ngayon. Hindi niya pa alam kung saan kasi madaming kwarto dito sa mansion.” Utos ni Tita kay Clarisse. Itinigil ni Clarisse ang ginagawa at lumapit sa amin. “Sige po, Ma’am.” Tumingin siya sa akin. “Sunod po kayo sa akin, Miss Naime.” Mahinhin na sabi at nagsimula nang maglakad. Nagpaalam muna ako kay Tita bago ako sumunod kay Clarisse. Nakasunod lang ako sa kanya ngayon at ang tahimik niya kaya nagsalita ako. “Your name is Clarisse, right?” Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa akin. “Opo, Miss.” “Matagal ka na ba dito?” “Ah… opo. Dito na po ang trabaho ang lola at Mama ko tapos ako po ang sumunod.” Napatango ako. So, sabay silang lumaki ni Alec dito? Kaya mahal siya ni Alec? “Close ba kayo ng boyfriend ko?” Napakurap siya at napatingin sa akin. “B-Boyfriend niyo po?” “Yeah, si Alec.” Nakangiti kong sabi. Kita ko sa kanya ang pagkailang sa aking tanong. “Sabay po kaming lumaki ni Sir Alec at nila Sir Luke po dito sa mansion, Miss.” Napatango ako. “So, wala kang feelings sa boyfriend ko?” “P-Po?” “Kay Alec, wala kang feelings sa kanya.” Nakangiti kong sabi. Napayuko siya at huminga ng malalim bago ulit tumingin sa akin. “W-wala po…” mahina niyang sabi. Lihim akong napangisi. “That’s good, magkakasundo tayo. Kasi kahit anong gawin mo, sa akin pa rin ang bagsak ni Alec.” Malambing kong sabi at nagsimula nang maglakad. Nilingon ko siya na parang natulala sa sinabi ko kaya hindi nakagalaw. “Hey, ihatid mo na ako sa magiging kwarto ko.” Nakita kong nagpunas siya ng luha at nagsimula nang maglakad. Ngumisi ako at sumunod na sa kanya. Ganyan nga, Clarisse. Lumugar ka kung saan ka lang pwede. Hindi mo kayang agawin sa akin si Alec kasi sa akin pa rin siya babagsak at mapapaibig ko din siya sa akin. TO BE CONTINUED.... Comment your reactions or thoughts about this chapter! Enjoy reading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD