Episode 2
Naime's POV.
Totoo ba talaga itong nakikita ko? Si Alexander Oren Coleman talaga ang new bodyguard ko?
Alam kong close si Daddy at ang father ni Alec na si Tito Anderson kasi mag best friend sila. Pero hindi ako makapaniwalang mapapapayag siya ni Dad na maging bodyguard ko si Alec.
Same kami ni Alec ng school noong highschool at college. Pero mas matanda siya sa akin ng 8 years kaya mabilis lang kami nagkasama sa iisang campus, one year lang! Palihim pa akong pumupunta sa college campus noon kahit highschool palang ako para lang masilayan si Alec.
Ang alam ko ay nag ta-trabaho siya noon sa army at sa special forces kaya wala na akong balita sa kanya.
Kapag pumupunta rin kaming mga party ng Coleman ay palagi siyang wala. Sabi pa ni Tito ay palaging busy si Alec sa work niya. Kaya hindi siya makapunta sa mga party at nakakauwi sa kanila.
I always want to be close to him, but he’s always busy. Kaya hindi ko magawa-gawa ang gusto kong gawin, ang akitin siya.
Isang buwan din akong broken-hearted kay Alec because He’s my first love. Simula noong bata pa ako ay siya na talaga ang nilalaman ng puso’t isipan ko.
“Dad, bakit si Kuya Alec ang bodyguard ko?” tanong ko.
Wala akong choice kung hindi ay mag kuya kay Alec kahit hindi ko naman ito kadugo. Laging sinasabi ni Dad sa akin na gumalang ako sa nakakatanda sa akin.
Nakakainis!
Hindi naman Kuya ang tingin ko kay Alec.
“Si Tito Anderson mo ang nag recommend na si Alec ang magiging bodyguard mo. May tiwala naman sila sa kanilang mga trained bodyguards sa agency pero gusto ng Tito mo na hindi ka na talaga mapapahamak," sagot ni Daddy.
Napanganga ako at muling napatingin kay Alec na tahimik lang na nakikinig sa amin ni Daddy.
I know na sobrang close sila ni Daddy at ni Tito Louis Anderson na dad ni Alec. Pero hindi ko akalain na sarili niyang anak ang ipapadala niya rito para lang bantayan ako.
Parang gusto ko sumigaw sa tuwa.
“Alam kong hindi kita mapipigilan sa pamamasyal kung saan saan, Naime at sa pagiging pasayaw mo. Ayoko na rin na tumakas ka kasi natatakot na ako na maulit itong nangyari sa iyo ngayon.”
Napayuko naman ako at nahiya kay Daddy.
“Sorry po, Dad," mahina kong sabi.
Huminga ng malalim si Dad at tumango.
“Tapos na, ano pa bang magagawa natin? ‘wag kang mag-alala, hinahanap na ng mga tauhan natin kung sino ang humabol sa inyo ng kaibigan mo," seryosong sabi ni Dad.
Isang linggo akong nag stay sa hospital upang magpagaling. Nalaman ko rin na hindi naman malala ang inabot ni Isabelle sa aksidente kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.
Pagka discharged ko sa hospital ay nakipagkita agad ako sa mga kaibigan ko, si Isabelle na okay na rin at isa naming kaibigan na si Kira.
Sa bahay lang kami nag kita-kita para safe kami.
“Buti nalang talaga hindi grabe ang pagkabangga niyo.” Sabi ni Kira.
Si Kira ang kaibigan namin ni Isabelle na hindi mahilig mag party. Kaya kami lagi ang magka vibes ni Isabelle kapag may party sa iba’t ibang clubs dito sa Manila.
Pero okay naman sa amin na hindi nag kaclub si Kira kasi masyado siyang banal. Ayaw naming mawala ang pagkabanal niya kapag sumama siya sa amin ni Isabelle.
“Kaya nga, eh. Buti nalang talaga at hindi na damage ang mukha ko, kundi iiyak talaga ako.” Nakangusong sabi ni Isabelle.
Napatawa kaming dalawa ni Kira.
“By the way, bakit ang familiar ng mukha ng bago mong bodyguard, Naime?” takang tanong ni Kira.
Napangisi ako at napasulyap kay Alec na nasa labas ng bahay namin habang kinakausap ang kasama niyang bodyguard.
“It’s Alec.” Nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya.
“Alec, who?” tanong ni Isabella.
Nakita ko namang nanlalaki ang mga singkit na mata ni Kira at napatakip sa kanyang bibig.
“Oh my God! Don’t tell me na si Alexander Oren Coleman ‘yan?” sabi ni Kira.
“Hala! ‘yung first love mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Isabelle.
Ngumisi naman ako at tumango.
“Yes, girls.”
“Hala, how?” tanong ni Kira.
“Nagulat din ako kay daddy, eh. Pero okay naman sa akin. Kahit siya pa ang maging bodyguard ko forever. Keri lang!" sabi ko.
Binatukan ako ni Isabelle.
“Ang landi mo talaga! Hindi ka pa rin ba tapos sa lalaking ‘yan? Ang boring naman ng lalaking ‘yan, eh. Ang seryoso masyado at halatang not into girls siya at masyadong busy sa work. At isa pa, ang tanda na niya kahit super-hot at pogi.” Sabi ni Isabelle.
Napanguso naman ako.
“Ewan ko ba, pero hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso’t isipan ko.” Sabi ko.
Nakita ko namang napailing sila Isabelle at Kira sa akin.
“Ang lakas ng tama mo, Girl.” Umiiling na sabi ni Kira.
Napatawa ako sa sinabi niya.
“So, tuloy ang balik mo sa condo unit mo?” tanong ni Isabelle.
Napatango ako sa kanila.
“Yes. Pumayag naman si Dad at next week ay mag start na ako ng work," sabi ko.
May sarili akoang boutique at milktea shop. Malapit lang siya sa condo unit ko kaya doon ako umuuwi. Mahigpit naman ang security doon kasi ang Coleman ang nagmamay-ari ng Condominium na tinitirhan ko. In short, pagmamay-ari ng bodyguard ko.
“Mag iingat ka doon, Anak, okay? Huwag kang magpasaway!”
Napatawa ako sa sinabi ni Daddy at niyakap siya.
“Para naman akong bata niyan, Dad! Pero opo, don’t worry mag-iingat ako.” Nakangiti kong sabi at hinalikan ang pisngi ni Dad.
“Alec, please take care of my daughter.” Sabi ni Daddy kay Alec na nasa aking likuran.
Tumango naman ito at seryosong nagsalita.
“Yes, Tito.”
Nagpaalam na ako kay Dad upang bumalik sa aking condo unit.
Sumakay ako sa sasakyan ni Alec kasi hindi pa ako pinayagan ni Dad na mag drive.
Napakagat ako sa aking labi habang pasulyap sulyap kay Alec habang seryosong nag da-drive,
Paano ba ako makikipag-usap sa lalaking ito?
Kung katulad lang sana siya sa mga kapatid niya ay kanina pa ako nagsasalita dito.
Huminga naman ako ng malalim at humarap sa kanya.
“Bakit ka pumayag na maging bodyguard ko?” tanong ko kay Alec, ang aking first love.
Napasulyap siya sa akin at muling binalik ang paningin sa harapan.
“I can’t say no to my Dad, and to Tito Raoul.” Malamig niyang sabi at hindi na nagsalita.
Napanguso ako at muling ibinalik ang tingin sa labas.
Napangiti ako nang may maisip ako habang nasa byahe kami ngayon ni Alec.
“Alec!” tawag ko sa kanya.
Mabilis siyang napatingin sa akin habang nakakunot ang noo.
“What did you call me?” parang inis niyang tanong sa akin.
Nalito ako sa kanya.
“Alec?” alanganin kong sagot.
Napailing siya.
“I’m your kuya. You should call me Kuya Alec. I’m 8 years older than you.” Malamig niyang sabi.
Napanguso ako.
“Ayoko nga!”
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
It’s your time to shine, Naime! Gora na!
“Hindi kita kadugo! At isa pa, sino namang tanga ang itatawag na kuya ang crush nila? Pumunta muna tayo sa restaurant ginutom mo ako.” Sabi ko at hindi pinansin ang pagkagulat niya sa sinabi ko.
Lihim akong napangisi.
“Okay.” Simpleng sagot niya at muling ang focus sa pag drive.
Napasulyap ako sa kanya at napangisi.
I will make you fall in love with me, Alexander Oren Coleman.