Geraldine's Point of View*
One Month later...
Napamulat ako at nasa bath tub pala ako. Waaa nakatulog ako doon at napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog at kinuha ko iyon at nung tingnan ko iyon ay nakita ko ang pangalan ni Chief kaya sinagot ko iyon.
"Hello, Chief!"
"Oh, nag-enjoy ka ba sa isang buwan mo diyan? Nasaan ka ngayon?"
"Nasa city of love ako ngayon."
"Nasaan? Nsaa ilo-ilo ka ba?"
"Chief, kailan ka pa naging loading? Nasa Paris ako noh."
"Ayan ba. Sabihin mong Paris may pa city of love ka pa diyang nalalaman."
"May regla ka ba, Chief?"
"Seriously? Fine, kalma na ako. Bukas na ang dating mo diba?"
"Yes, nakahanda na ang mission ko?"
"Of course. Excited ka na ba?"
"Oo naman noh. Exclusive kaya ang misyon ko. Sigurado bigatin ang magiging subject ko. Clue naman oh."
"Oh sige, isang mafia."
Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ako ng wala sa oras.
"Hmm, mukhang matagal tagal na nung last mission ko sa mafia na yan ha."
"Pero success mo namang masolutionan lahat."
Napangiti ako at dahan dahan na napatango.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang mission mo. Alam ko din naman na linya mo ang mga ganitong klaseng mission."
"Syempre."
Tumayo ako at kinuha ko ang towel at bumaba na sa bath tub at dumiretso na sa labas ng balcony at tiningnan ko ang paligid lalo na't makikita mo ang malaking eiffel tower dito.
"See you tomorrow, Chief."
"Okay, see you, Agent Astraea."
Napangiti ako at dahan dahan na napatango at binaba ko na ang tawag.
Nabasa niyo naman ang sinabi niya noh na tinawag niya akong Astraea. May meaning kasi yan at ang mean niyan sa greek mythology ay star-maiden or starry night. She was a goddess associated with justice, innocence and purity at ganun ako.
At may ibang mean din yan at yun ay simbolo din siya ng hope and fairness.
Yan ang nakita sa akin ng Chief ko kaya tinawag nila ako ng ganyan nung nagsisimula ako bilang isang Agent sa edad ko 10. Pinili kaming lahat para maging bala sa hinaharap.
Yes, mahirap ang nasimulan namin pero madali na sa amin ngayon ang mga bagay bagay.
Kasama ko si Skyler nung nakasama ko na naghatid sa akin sa airport nung last month. 50 kami noon pero lima na lang kaming naiwan dahil hindi na nila kinaya ang training na ginawa namin noon at isa na kami ni Kyler na naka-survive nun.
Pero ngayon tago pa din ang presensya namin kahit sa mga kasamahan namin sa trabaho ay hindi namin pwedeng sabihin.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin ako sa relo ko at kailangan ko na palang mag-ayos ng kagamitan dahil mamaya na ang flight ko.
Forward...
Nakarating na ako sa Pinas at agad naman akong sinalubong ni Skyler.
"Welcome back, our Gerry."
Napakunot ang noo ko at natawa dahil sa sinabi niya.
"May pa our ka pang nalalaman huh."
"Alangan. Ako na ang bahala sa gamit mo."
"Okay."
Isa-isa naman niyang inilagay sa sasakyan ang mga gamit ko.
"May pasalubong ba ako?"
"Huh?"
"Wala akong pasalubong?"
Nalungkot naman ang mukha niya at napatawa naman ako ng mahina.
"Just kidding. Hindi kita pwedeng kalimutan at lalo na yung tatlo baka mag-iyakan na naman iyon."
"Pero mas mahal mo ko."
"Oo naman."
Para ko ng kapatid silang apat at para silang mga babies pag ako ang kasama nila pero pag sa labanan na ang pag-uusapan ay marami ding natatakot sa kanila.
Ako ang pinaka-bunso nila pero parang ako pa ang matured sa kanila mag-isip.
"Nasaan pala sila? Hindi nila ako sinundo?"
Nalungkot na ani ko sa kanya at di niya alam kung paano niya ipapaliwanag.
Nang biglang may isang magandang sasakyan ang dumating at lumabas silang tatlo na with outfit pa talaga na parang mga koreano ang datingan.
"Waaa, pasensya na at late kami, Gerry. Mapapatawad mo pa ba kami?" ani ni Ethan.
"Natraffic kasi kami at may inutos pa sa amin sandali ni Chief."
Tumango tango naman sila sa sinabi ni Ezekiel.
"Libre ka na lang namin ng pagkain."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Xavier.
"Yan ang gusto ko eh. Alam niyo ang mga gusto ko at inom din tayo mamaya---"
"Nope! kailangan mo munang magkita ni Chief mamaya dahil bukas na magsisimula ang mission mo. Hindi ka pwedeng mag-inom inom ngayon. Hindi ka ba nagsasawa kakainom doon?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Skyler.
"Hindi, lalo na yung mga drinks na pinag-aaralan kong inumin ay nasanay na ako doon."
Napatingin naman silang lahat sa akin at napabuntong hininga na lang sila.
"I think you need to control that. Lalo na't baka masira ang liver mo kakainom."
Napapout naman ako at dahan dahan na lang tumango.
"Fine, fine, kaunti na lang ang iinumin ko."
Napahawak na lang sila sa noo nila at napatawa na lang ako at kinuha ko ang susi at binigay sa driver ni Skyler.
"Kuya Driver, kayo na ang magdala ng gamit ko sa apartment ko. Tara kumain na tayo sa labas."
Hinila ko na silang apat at pinasok sa loob ng sasakyan at natawa na lang sila ng mahina at agad nang pinaharurut ang sasakyan nila.
3rd Person's Point of View*
Lumabas si Mike sa exit ng airport at kasama niya si John. Galing din sila sa meeting sa Italya at ngayon lang sila nakauwi at agad nilang hinanap ang sundo nila nang mapatigin si Mike sa unahan kung saan pumarada ang isang magandang sasakyan at may isang babae na nakikipag-usap sa mga lalaki at pinapasok nito ang mga lalaki sa loob ng sasakyan na kinakunot ng noo niya.
"Nasaan na ang sundo natin?" tanong niya kay John.
"Ayan na po."
Lumapit naman ang sasakyan sa gilid nila at doon isa isa na nitong inilagay ang mga gamit nila.
At pumasok na sila sa loob.
"Nakita na ba ang Asawa ko?"
"Hindi pa po."
Biglang nagring ang phone ng isang guard na tinanong niya.
"Excuse me, Boss."
Tumango naman si Mike sa sinabi nito.
"Ngayon po ang dating ni Mrs. Muller sa Pinas po."
Napangiti naman ito habang nakatingin sa labas.
"Sundan niyo siya kung saan man siya pumunta. May araw din na magkikita kami."
"Yes, Boss."
*******
LMCD22