Geraldine's Point of View*
Parang langit ang nakikita ko ngayon! Sulit ang tatlong buwan ko na mission! Kailangan matikman ko ang lahat ng ito. Jusko! Addict na kung addict.
"I miss you, babies."
"Pfft."
Napatingin ako sa gilid ko at nakalimutan ko na nasa tabi ko pa pala si Mike at ngumiti ako ng inosente sa kanya.
"Can I have a word, Mr. Muller?"
Napatingin ako kay Mike na may kumausap sa kanya at yun ay ang kanang kamay niya at napatingin naman siya sa akin.
"Ayos lang ako dito. Promise at hindi ako gagawa ng gulo dito. Mataas ang alcohol tolerance ko."
Dahan-dahan naman siyang tumango at itulak na ang kanang kamay niya ang wheelchair nito palabas ng room.
Napangiti naman ako at kumuha ako ng isang wine glass at nilagyan ko ang baso ko nang marinig ko ang mga usapan sa likod ko.
"Who is she really? We've only just seen her now."
"And with just a snap, she’s suddenly married to Mr. Muller? And you can see, right? It seems like Mr. Muller is fine with it and looks like he knows that woman."
Malamang magaling din namang mag-acting si Mike at nakisakay agad sa plano ko.
"You can see, right? She acts like she's from the streets. It seems like she doesn't belong in our world."
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa inumin ko. Nag-iisip ako at napangiti na lang ako dahil mukhang effective ang acting ko.
"I think she also a gold digger."
Humarap ako sa kanila at sumandal ako sa mesa at nagulat naman sila nung nakita nilang nakangiti ako sa kanila at tinaas ko ang baso ko para mag-cheers sa kanila.
Nagpapanik naman sila at agad nagsi-alisan. Napatawa na lang ako ng mahina at uminom na lang at nanlaki ang mga mata ko dahil ang sarap nun!
"Wow na wow ha ang sarap nito."
Inubos ko ang laman at sinalinan ko ulit ang baso ko at nakita ko na may nagsasayawan na din sa gitna at sumasayaw na lang din ako.
3rd Person's Point of View*
Nasa isang kwarto ngayon si Mike at ang kanang kamay niya na si John.
"What is it?" tanong ni Mike sa kanya.
"Nabayaran na po yung babaeng nag-act na maging bride niyo kanina."
Actually, nakaplano ang lahat ng pangyayari at nasa plano nila na mag-act ito bilang isang gold digger kapalit ang malaking halaga ng pera para hindi lang makasal si Mike.
Ayon kay Mike na hindi naman talaga importante sa kanya ang kasal at ang plano niya ay di siya magpapatali dahil ang tingin niya sa mga babae ay mahina at ang plano na lang sana niya ay may tataniman na lang siya para may anak siya pero nagbago ang lahat ng iyon nang dumating ang babaeng naging substitute ng kasal niya.
Nakikita niya sa mga mata nito na naiiba ito sa pananaw niya sa mga babae. Yes, she needs money... She wants money pero nakikita niya kanina na parang nagdadalawang isip ito sa pagpili kanina at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagbalik ng papel nito sa higaan na nagsasabi na hindi niya kailangan iyon.
"I saw the check Ma’am Gerry was holding earlier on the bed. It looks like she accidentally left it."
Dahan dahan namang napailing iling si Mike sa sinabi ni John.
"She didn’t leave that behind. I saw her intentionally put the check back on the bed because she didn’t want to accept anything in return. All she wanted were the drinks outside."
Nagulat naman ito sa sinabi ni Mike.
"Po? Akala ko na kailangan niya ng pera?"
"I heard earlier all she needs is a tip only."
"Tip?"
"Yes, only that. She's really interesting. John, alamin mo kung sino ang napakasalan ko. Mukhang siya ang magbabago ng pananaw ko sa mga babae."
Nagulat naman si John at parang mangiyak ngiyak na nakatingin kay Mike.
"Anong iyak-iyak mo diyan?"
"Tama nga ang sabi nila na magiging matured talaga ang isang tao pag-ikakasal na."
Napakunot naman ang noo ni Mike at mahina na lang natawa at kasabay napailing iling.
"Go."
"Yes, Boss."
Agad na itong umalis at napasandal siya at wheelchair niya at bumalik siya sa loob at nakita niya agad na umiinom pa din ito habang sumasayaw.
At dahil maputi ito ay agad namula agad ang mukha nito dahil sa tama ng ininom niya.
Napabuntong hininga na lang siya dahil hindi niya nasabi na ang mga inumin ay galing pa sa Italya at madali ka talagang malalasing kumpara sa inumin dito sa Pinas.
Lumapit siya sa tabi nito habang nagsasayaw nang mawalan ito ng balance at agad naman niya iyong nasalo at napaupo sa binti niya.
"Ay.. may upuan pala dito..."
Napatingin naman ito sa kanya at nanlaki ang mga mata ni Geraldine.
"Oh! Ikaw pala yan, Mike ehh."
"Sabi mo di ka nalalasing?"
"Sinong lasing? Hindi ako lasing. Nag-eenjoy lang ako noh. Inom tayo, Hubby!"
Nagulat naman si Mike sa sinabi nito at habang nakatingin siya kay Geraldine ay nararamdaman niya sa puso niya na parang siya na talaga ang hinahanap nito.
Nalanghap din niya ang matamis na pabango nito na parang makaka-addict sa kanya at naputol iyon nung tumayo ito sa binti niya at sinalinan ang baso niya at binigay sa kanya ang inumin.
"Let's drink more, Hubby!"
"Wife..."
"Ayaw mong uminom? Guys, ayaw niyang uminom. Kailangan niyang uminom diba?!" sigaw niya na kinatingin ng lahat ng bisita.
"Yes!"
Napakunot ang noo niya nung nag-cooperate ang mga bisita nila sa pagsabi ng yes.
"Fine."
Ininom naman niya ang wine hanggang sa maubos.
"Yes!"
Tumalon talon siya at nakikita ni Mike ang saya sa mga mata nito.
"Yown! Let's continue the party!"
At ayun parang si Geraldine ang naging host ng party doon at nagsasayahan naman ang lahat at ibang mga bisita ay umuwi na lalo na yung mga may katandaan na dahil naiingayan pero marami rami pa din ang naiwan doon.
Makalipas ang ilang oras ay nakahiga na ang ulo niya sa balikat ni Mike dahil sa lasing na ito habang nagpaparty pa din ang iba.
Lumapit naman sa kanila si John kasama ang abogado nito para papermahan sa kanila ang marriage contract.
"Permahan niyo na po, Boss."
Napatingin naman si Mike sa mahimbing na natutulog sa balikat niya na kailangan din nitong pumerma. Pero hindi niya alam kung seryoso ba itong magpapakasal sa kanya.
Nang biglang nagising si Geraldine at napatingin naman sila sa kanya.
"Milady? Gising na po ba kayo? Permahan niyo na po ang marriage contract."
Napatingin naman si Geraldine doon.
"Oh? Oo naman."
Kinuha niya ang ballpen at doon sinulat niya ang totoong pangalan niya at pumerma naman siya na kinagulat ni Mike.
"Wife, lasing ka pa at di mo pa nababasa ang---"
Bigla ulit itong nakatulog na kinagulat nila at nagkatinginan naman silang tatlo.
"Perma na po, Boss."
Napabuntong hininga na lang si Mike at pumerma na lang din at binigay na nila sa attorney nila.
"Kailangan ng magpahinga ng Asawa ko. Nakahanda na ba ang kwarto namin?"
"Yes, Boss."
"Okay, magpahinga na din kayo."
Inanalayan na paupuin si Geraldine sa binti niya at bigla namang yumakap si Geraldine sa batok niya at mahimbing pa ding natutulog.
Pinatakbo na niya ang wheelchair hanggang makarating sila sa kwarto niya at doon na siya tumayo at binuhat si Geraldine at dahan dahan na inilapag ito sa higaan ang dahil na out of balance siya at biglang nagtama ang mga labi nila dahil hindi bumitaw si Geraldine at naramdaman niyang gumalaw ang labi ni Geraldine na mas lalong kina lalim ng halikan nila.
Bumitaw siya ng halik pero nakikita niya na tumayo ito at pumatong sa kanya at hinalikan siya ulit. Tinulak niya ito at nakikita niya na nakamulat ito habang nakatingin sa kanya
"Wife, please, lasing ka."
Ngumiti lang ito at hinalikan nito ulit ang malambot na labi ni Mike at hinalikan na lang niya ito pabalik.
*****
LMCD22