KILALA bilang isang scammer si Brenda sa lahat ng nakakilala sa kaniya. Para sa kaniya ang pagiging madiskarte sa pera ang magtutulak sa kaniyang maging matagumpay sa buhay. Hindi siya sumusuko hanggang hindi naaabot ang pangarap niyang maging isang milyonaryo. Ngunit sa kabila ng pagiging matinik ng babae sa puso niya'y may nakatagong pagmamahal para sa lahat ng taong nasa paligid niya kabilang na ang mga batang lumalaki sa lansangan.
Doon niya makikilala si Rafael Mendez ang estrangherong basta na lamang dumating sa buhay niya't nagpupumilit na itigil ang kaniyang buhay na kinalakhan.
Magagawa bang pigilan ni Rafael ang nakaugalian ni Brenda? O, mangyayari bang pati ito ay mabiktima ng dalaga? Pero paano kung pag-ibig ang mabubuo sa dalawang taong mayroong ibang paniniwala't prinsepyo?