Chapter 13

1600 Words
NAKAHAWAK pa rin ang mga kamay ni Cedrick sa kamay ni Haemie. Ilang araw ng walang tulog si Cedrick para lang magbantay. Ilang dasal na ang sinambit niya para tuluyang magising ito. “Haemie, please.. wake up. I need you and I can’t let you go without me. Ngayong natagpuan na kita, hindi na kita hahayaang mawala pa. I promise to myself that it’s just you and I in the end. Mahal na mahal kita Haemie. Please.. idilat mo na ang mga mata mo, kailangan kita.” Ilang beses pa niyang pinisil ang kamay ni Haemie hanggang sa maramdaman niyang pumilantik ito. Gumalaw ang hinliliit nito. Agad lumabas si Cedrick para tawagin ang doktor. Naging sunod-sunod pa ang pagkakagalaw ng iba nitong mga daliri. Magkahulagpos ang sariling mga kamay na nagdarasal si Cedrick na sana magkamalay na si Haemie. Ito na kasi ang pang-anim na buwang natutulog pa rin si Haemie. Magkasabay na lumapit si Cedrick at ang parents nito nang lumabas na ang mga doktor. “Good news! Nagkamalay na po ang pasyente. Pwede nyo na siyang makausap, pakiusap ko lang na huwag ninyong biglain ang pakikipag-usap,” bilin sa kanila ng doktor. Nauna nang pumasok si Cedrick kasabay ang mga magulang nito. “Haemie, sa wakas nagkamalay ka na.” Napatingin naman si Haemie sa may-ari ng baritonong tinig. Hindi mamukhaan ni Haemie ang lalaki, pero tiyak na nakikilala ito ng puso niya. “S-sino ka? Bakit ako nandito?” Ang mga magulang na ang lumapit sa kama ni Haemie. “Anak, naaksidente ka kasi. Ako ito ang Mama mo at ito ang papa mo.” “B-Bakit ang laki ng itinanda nyo? Ma, sino ang lalaking ‘yon?” “Haemie, ako ito si Cedrick,” singit ni Cedrick sa kanila. “Gipangutana ba tika?” hindi na napigilan ni Haemie na tarayan ito. Nang maalalang hawak nito ang kamay niya, kakaibang damdamin ang naramdaman niya. Ginagap ng nanay niya ang kamay niya. “Nagsasabi siya ng totoo. Siya si Cedrick at kami ang mga magulang mo.” “C-Cedrick? Ikaw na ba’yan? Ano bang nangyari? Bakit ang laki ng itinanda mo? Ilang taon ba akong nakatulog? Nasaan si Kate?”sunod-sunod na tanong niya na hindi alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya at halos hindi niya makilala ang mga taong nasa paligid niya. Doon na napahagulgol ng iyak ang ina ni Haemie. Nawala na nga ang iba nitong ala-ala, ngunit nakapagtatakang ang anim na taong buhay lang ang hindi nito natatandaan. Hinayaan muna nilang makapagpahinga si Haemie. Nang muli itong magkamalay, si Kate naman ang nabungaran nila. Ipinatong pa ni Kate ang dalang prutas sa bedside table ng hospital bed ni Haemie. Mahigpit na niyakap ni kate ang pinsan. “I’m so worried about you, Kazin. Mabuti na lang at nagkamalay ka na,” maluha-luha pang turan niya. “OA na kayo hah. Edi ba graduation lang natin, tapos ngayon nag-iiyakan na kayo. Teka, bakit malaki ang tiyan mo? Paanong nabuntis ka kaagad?” Hindi na naitago ni Kate ang labis na nadaramang lungkot at awa, anim na taon ang nasayang sa buhay ni Haemie. Anim na taon ng paghihirap at anim na taon ng pangungulila. “H-Haemie.” “B-bakit ka ba iyak ng iyak?” Napaiyak na rin ito. Nahawa na rin ito kay Kate. Muling niyakap niya ang pinsan. Hindi niya malaman kung paano sasabihin ang lahat kay Haemie. Natitiyak naman niyang hindi pa ngayon ang tamang panahon, hahayaan na lang muna nilang sakyan ang amnesia ni Haemie. “’Wag ka na nga umiyak. Sige ka, magiging iyakin din ‘yang baby. Si Paulo ba ang ama niyan?” Tumango si Kate at pinalis ang mga luhang wala na yatang balak tumigil sa pagtulo. “Haemie, mangako ka sa akin ha, sa amin na hindi ka na mawawala.” “OA nyo talaga. Oo naman.” Ginagap pa nito ang kamay niya. “Teka nga, tama na ang drama, samahan mo naman akong tumayo. Ihing-ihi na ako ako eh.” Tapos na rin naman ang paglilihi at maselan stage ni Kate kaya, okay na sa kanya na pumalit para magbantay sa pinsan. Kamuntik na ring mapatili si Kate at sabayan ng tili itong si Haemie. Halos takbuhin na ni Kate ang pinto patungong banyo. “Haemie, anong nangyari?” gulat na tanong niya saka sinabayan ng pihit ang door knob at binuksan. “K-Kate? Sino ‘yang nasa salamin? A-ako ba talaga ito?” hindi makapaniwalang tanong nito na nanatiling nakatingin lang sa salamin. “H-Haemie...” niyakap na ni Kate ito. “Twenty six ka na sa kasalukuyan.” “P-Paanong..” Patuloy na nag-iiyak si Haemie at parang nakasama rito ang pagsasabi niya ng totoo na anim na taon itong nasa ibang bansa at nawalay sa pamilya niya. Pampakalma at pampatulog ang tinurok ng mga doktor dito para hindi na ito maghisterikal o magwala. PINAKALMA ni Haemie ang sarili nang magising siya kinabukasan, hindi pa rin mag-sink-in sa utak niya ang kinuwento ni Kate na nawala siya ng anim na taon. Nanirahan sa America, walang komunikasyon sa pamilya at nawalay sa totoong minamahal—kay Cedrick. Ang lalaking hindi niya nakilala nang unang makaharap. Hindi rin naman niya nakilala maging ang sarili niya, hindi niya ma-imagine na ganito na pala ang magiging hitsura niya makalipas ang anim na taon. Pinagtatakhan lang niya kung sino ang kasama niya sa America, mag-isa lang ba siya roon o may kasama siya? Pero sino naman? Ayaw nang isipin ni Haemie ang mga nangyari dahil na nanakit lang ang ulo niya. Hindi pa rin siya makapaniwala, lalo na sa naging hitsura niya, mukha siyang namayat at napansin rin niya ang mga galos at pasa niya sa katawan na para bang nabugbog siya at dumanas ng matinding hirap. Pilit niyang sinusubukan maalala ang lahat, ngunit wala siya ni katiting na detalyeng matandaan. Patuloy lang sumasakit ang ulo niya kapag pinipilit niyang mag-isip. Dalawang linggo ang lumipas, naging maayos na ang lagay niya kaya ipinasya na ng mga doktor na ma-discharge siya. Samantala, dahil walang inatupag si Cedrick kundi ang magtrabaho, nakabili na rin ito ng sariling bahay at lupa, hindi kalayuan sa bahay na ibinigay nito sa pamilya ni Haemie. Nang ma-discharge si Haemie, hindi na nagpunta pa si Cedrick, sa bahay nila ito naghintay. Nakasakay sa wheelchair si Haemie nang makapasok sila sa loob ng bahay. “Welcome home!” salubong nina Kate, Lermie at Cedrick. Malaki ang ngiti na tumuloy siya sa bahay nila. Hindi siya makapaniwalang ibinigay pala ni Cedrick ang bahay na iyon sa pamilya niya nang sa ganoon ay hindi na ang mga ito bumalik ng Davao. Abala sa pagkain ang lahat, pinagulong ni Haemie ang wheelchair papunta sa pwesto ng binata. “I-I just wanna say sorry,” kiming basag niya sa katahimikan nilang dalawa. “What are you sorry for?” “About the Hospital, sorry kung natarayan kita. And I felt that I’m guilty for unknowing reason.” Hindi na siya nakareklamo nang yakapin siya ni Cedrick. “I miss you. I miss you so much, Haemie.” Naramdaman niya ang patak ng luha nito sa balikat niya. Bakit ito umiiyak? Dahil ba matagal silang nagkawalay, miss na miss niya o pareho? Kumalas din ito ng yakap sa kanya. “Haemie..mahal na mahal kita. Ayaw ko nang mawala ka pa.” May dinukot ito sa bulsa ng pantalon. “Naalala mo ba ‘yung sinabi ko sa ‘yo? I don’t accept a NO for an answer. So I will no longer asking you to marry me, because I want you to marry me. Marry me, Haemierenhea Clemente and be my wife.” Napatingin na lang siya sa pagsuot nito ng singsing sa daliri niya. Napaluha na rin siya, kay tagal niyang inasam na magkatuluyan sila ni Cedrick at heto na nga ang araw na iyon. Cedrick fulfil her dreams and make it wonderful than she ever had. Kung pwede nga lang huwag nang matapos ang araw, ayaw niyang mahiwalay kahit isang saglit sa tunay niyang minamahal. Nasa garden sila, magkahawak ang mga kamay at matamang nanonood lang sa kislap ng mga bituwin sa kalangitan. “Ano namang ginawa mo rito nang mga sandaling nawala ako ha Cedrick? Hindi ba ikakasal ka na?” “Nung araw na pinilit ako ng Dad na sumama sa ibang bansa, dalawang linggo langang tinagal ko roon. Hindi ko kasi kaya.” Binitin pa nito ang sasabihin. Alin ang hindi niya kaya? Ang magpakasal o mapalayo sa kanya? “Hindi ko kayang magpakasal at malayo sa’yo. So I explain to my Dad that I trully love you and I can’t be with anyone not if you are the one.” Masuyong hinalikan pa nito ang likod ng palad niya. “I love you so much Haemie. Hinding-hindi na ako lalayo sa’yo para hindi ka mawala sa akin.” Isinandig ni Haemie ang ulo sa balikat nito. “I love you too Cedrick, at oo mananatili na lang ako sa tabi mo.” “’Nung araw din na wala ka sa tabi ko, hindi ko nagawang palitan ko o maghanap ng iba. Dahil naniniwala akong babalik ka. And I’m right, you’re back. Kung dumating man na bumalik ang mga ala-ala mo, gusto kong huwag mong kalilimutang patuloy kitang mamahalin at ako ang tanging lalaking mamahalin mo.” Bahagya pang nilihis ni Cedrick ang buhok nito. “Kaya sana, huwag na huwag magbabago ang damdamin mo para sa’kin. I’m scare you lose again and you get mad when your memory gets back. Sana huwag mo akong kamuhian ha. Haemie, saan mo gustong makasal?” “Syempre sa’yo,” mahina ngunit inaantok na sambit ni Haemie. “Alam ko ‘yun. Ibig kong sabihin, gusto mo bang beach wedding? Sa simbahan? Paano ba?” Hindi ito sumagot. “Haemie?” Nang alisin nito ang sariling ulo, tulog na pala ang kausap. Ipinasya na lang nitong buhatin na ito patungo sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD