Chapter 15 - Finale

2024 Words
HIS MASCULINE scent fills her nose. She can’t now even forget Cedrick’s scent. That night was really wonderful and she loves to do it again. Cedrick never failed to amuse him as she was longing for more. Wala na sa tabi niya si Cedrick nang magmulat siya ng mata, sigurado siyang hindi iyon panaginip. Dahil hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang mga yakap nito at ang init na nagmumula dito. “Breakfast in bed.” Napabangon siya nang marinig ang boses ng asawa. Nilapag ni Cedrick ang bitbit na lamesita sa ibabaw ng kama. “Are you still sore?” Bahagya siyang namula. Hindi pa rin siya sanay sa mga ganoong usapan. “N-Not really.” “Honey.. is it okay if we had another round?” May pilyong ngiting sumilay sa labi nito na umabot sa sariling mata. Tumango lang siya bilang pag-sang ayon. Pero hindi mawala sa isip niya kung bakit hindi siya nasaktan? First time will always be painful and an erotic feeling of enjoyment. Dapat ba niyang i-open up ang bagay na iyon kay Cedrick. Nang silipin din niya ang sapin ng kama, nakapagtatakang walang blood stain ito. Lalo na siyang nakaramdam ng kaba, there is something not normal in her situation. She was sure, Cedrick knew it. Katatapos lang nilang mag-break fast in bed, inilabas na nito ang lamesita at nakangiting nilapitan siya. “I give you an hour to get ready for the battle,” nakangising sabi nito sa kanya. Sa inis niya, binato niya ito ng unan. “Stop grinning. Mukha kang manyakis,” saka niya pinaikot ang mga mata at inirapan ito. “Ah, manyakis. Manyakis na pala akong asawa sa’yo hah.” Bigla itong dumukwang para ma-corner siya. Agad niyang ibinalot ang kumot sa katawan at nagdudumaling tumayo. “Cedrick ano ba!” “Tingin mo, may takas ka pa sakin?” “Isa.” “Akala mo hindi kita papagurin.” “Dalawa.. ano ba. Huwag kang lumapit.” Ngunit patuloy lang ito sa paglapit na parang inaasar siya. Napaatras siya at napasandal sa pader hanggang ma-corner na siya nito. “Sabay tayong maligo..Hon,” pagpapaalam pa nito. “Sige, but I want you to answer my question honestly.” Umupo si Cedrick sa kama, lumapit naman si Haemie at naupo sa tabi nito. “Cedrick, ‘di ba dapat, virgin pa ako, bakit hindi ko naramdaman? Bakit walang d-dugo?” nanginginig ang boses niya na tinatanong ito habang nakatingin lang sa sariling kandungan. Ginagap nito ang palad niya at masuyo siyang hinalikan. “Huwag ka sanang magagalit sa’kin. Promise me, hindi mo ako kamumuhian and besides I don’t want to keep a secret from you for a long time. I’m sure your memory might get back.” “S-sige, makikinig ako. Anong alam mo sa nakaraan ko?” halos maluha na siya. Hindi pa rin siya sigurado kung tama bang ikwento nito ang nakaraan niya. There was guilt, confuse and pain inside her head. “I’m not your first, Haemie.” Napatutop siya sa sinabing iyon ni Cedrick. Doon na naglaglagan ang mga luha niya. Paanong nangyaring may nakauna na sa kanya at hindi niya naibigay ang magandang regalong iyon kay Cedrick? “Nang sundan mo ako sa San Francisco, hindi ka mag-isa, kasama mo ang kuya ko ‘nung araw na iyon—si Eiden. Hindi ko alam kung nilinlang ka ba niya pero hindi mo na ako inabutan doon. Dahil kinausap ko ang Dad na kailangan kita balikan at ikaw ang mahal ko. Wala na rin akong inabutan nang makabalik ako ng Pilipinas. Sabi sa akin ni Kate, doon ka na raw magtatrabaho pero hindi ko alam na si Eiden pala ang kasama mo. Nagulat na lang ako sa binalita sa’kin ni Kate na sinagot mo siya at nagpakasal na kayo.” “B-Bakit hindi mo ako sinundan? B-bat di mo ako hinanap?” Pakiramdam ni Haemie mabubuwal siya kahit nakaupo siya. Hinihigop ng kwento ni Cedrick ang buong lakas niya. “I was. I swear I did. Hinanap kita sa San Francisco pero hindi kita matagpuan. Marahil tinago ka ni Eiden sa’kin and he was hell enjoying my misery. He had lots of glory to have you. Your days living with him in a year are good enough to tell your family. But that was the last time telling it to your cousin and family. You lose communication for five years and I was thankful that I met you through a code name Sapphire. My code name was Unicorn and I didn’t know for Pete’s sake that it was you. Doon ko nalaman sa blogs mo na naging battered woman ka. Ang hayop na lalaking iyon pala ay sinasaktan ka. Kung maaga ko lang nalaman, baka ako na ang pumatay sa kanya,” gigil na lahad ni Cedrick habang nakakuyom ang mga palad. “Sorry if I was late that time. It was gladly that I’m the one who drove the car, nabangga kita. Kung hindi kita nabangga hindi tayo muling magtatagpo. Kate hack your files at doon na namin nalaman lahat ng bagay tungkol sa iyo sa nakalipas na anim na taon.” HINDI MALAMAN ni Haemie kung ikatutuwa ba niya ang mga nasiwalat na bagay tungkol sa pagkatao niya. Muling pumintig ang ulo niya. Napapikit siya at napahawak sa sintido. Ilang minutong naging ganoon ang posisyon niya at parang may mga bagay ang biglang nagbalik sa alaala niya. And now her memory gets back. “H-Haemie.. okay ka lang?” Labis na pag-aalala ang puminta sa mukha ni Cedrick kung masakit para rito ang nangyari, sigurado itong mas masakit para sa asawa ang lahat. “I-I’m sorry. Sorry kung na-late ako.” Nakaramdam ng awa si Haemie para kay Cedrick. Niyakap niya ito ng mahigpit. “My memories returned. Wala kang kasalanan. It was my fault; I was a damn fool parapatulan siya.. Kasi ni-rape niya ako Cedrick at binantaan niya akong papatayin ang pamilya ko kapag nagsumbong ako. Isa pa, kinasal ka na raw kaya wala na akong babalikan.I'msorry Cedrick.” Napahagulgol na siya ng iyak atpatuloy lang lumabas ang mga luha niya na tila ayaw ng huminto. Kumalas ng yakap si Cedrick. “Ang hayop na'yun! Kaya pala puros magagandang bagay ang kinukwento mo kay Kate.”Muli na naman itong napakuyom ng palad at ng-aapoy ang mata sa galit.Tinitigan siya nito. "H-hindi mo ba ako kamumuhian o lalayuan?" “No. Of course not. You made me whole Cedrick. Ikaw ang kulang sa buhay ko. Gaya ng patuloy mong pagmamahal sa’kin. I also swear to love you more each day of my life until my last breath.” “Haemie..” hinalikan siya nitong muli. “That was my past at ibabaon ko na ‘yun sa hukay. I won’t take any advantages that might ruin our relationship, Cedrick.” “I help you, easing all the pain and vanish all the past. I will love you for the rest of my life and even until infinity.” Hindi makapapayag si Haemie na mawalang muli si Cedrick sa piling niya at hindi niya hahayaang ang madilim na bahagi ng nakaraan niya ang susupil sa binubuo nilang bagong yugto ng buhay. Ilang buwan ding pinilit nilang mag-asawa na makabuo. Ngunit tila mailap ang pagkakataon, pareho silang hindi sumuko, nainis o nawalan ng tiwala sa isat-isa. Hindi nila hinayaang masira ang relasyon nila dahil sa isang anak na ninanais nila. Sa payo ni Kate, nagpatingin na si Haemie sa Ob-gynaecologist. Kailangan daw masuri ng doktor kung mayroon siyang problema sa matres kaya’t hindi sila makabuo ni Cedrick. Ilang linggo simula nang lumabas ang test result at napag-alaman ni Haemie na mababa ang matres niya kaya imposibleng makabuo sila. Ayon sa Nanay ni Haemie, may kilala raw itong magaling na kumadrona. Baka sakaling makatulong sa kanya para muling tumaas ang matres niya. Sinubukan niya ang sinabi ng kanyang ina. Nagpasama siya sa ina para makausap ang kumadrona. Muli nilang sinubukan makalipas ang ilang buwan. Ngunit nabigo na naman sila. Wala na nga yatang pag-asang magkaanak pa sila, halos lumipas na rin ang isang taon. Marahil alam ni Cedrick ang sakit na pinagdadaanan ngayon ng asawa, kaya nag-file siya ng two days leave para maipasyal ang asawa at maka-bonding siya. “Anong ginagawa natin dito?” pagtatakang tanong ni Haemie nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang Gallery Painting. “Matagal ko na kasing naiisip, paano kung hindi natin ma-try na magpapaint ng poltrait?” Tinanguan lang niya ang asawa sa ideyang iyon. Hindi naman siya tumutol. Gusto na rin niyang i-open up ang balak na mag-ampon. Kahit pa inaaraw-araw na niya ang pagpunta sa simbahan at pagdarasal, walang nangyayari, hindi pa rin sila binibigyan ng magandang balita. “Si Nicoleen Laurence ang may-ari ng Gallery,” kwento pa ni Cedrick habang nakamasid ang mga mata niya sa mga painting na nakasabit sa Hallway. “Siya ang fiancee ni Warren.” “Your bestfriend,” sabi niya na hindi nililingon ang asawa at patuloy sa paglalakad. “Right. Three years na simula nang mamatay sa aksidente si Warren and maybe we can help her to regain a life again.” “Why? Anong nangyari sa kanya?” usisang tanong Haemie saka ipinako ang mata sa mata ng asawa. “Simula nang pumanaw si Ren, hindi na siya nagpinta pa. Hindi na rin niya binuksan itong Gallery. Ren shared her code kaya may-access kaming dalawa ni Marvin dito. Maybe muli siyang makapagpinta kapag nagpapinta tayo.” “Do you think this is a good idea?” “There is no good or bad idea, Honey. As long as you’re helping people.” Napakalawak ng pananaw ng asawa niya kaya lalo niya itong minamahal. Napakabusilak ng kalooban, hindi na siya nagtaka pa nang ikwento nito na dito pala nanggaling ang perang pinangbayad sa Hospital at kung paanong nakahanap ng donor para mapagamot ang ama niya. It was a trick para paamuhin siya, ngunit hindi na rin nasabi nito nang magtungo ito sa San Francisco at makasal kay Eiden. Isang nakapinid na pinto ang pinasok nila. May kadiliman ang paligid. Umuusok ang amoy ng color paint at may halong amoy rin ng alak. “Nicole, are you here?” Narinig nilang may kumaluskos sa dulo ng kwarto. Nilapitan iyon ni Cedrick. Doon nakita nito ang babaeng nakasalampak sa sahig na parang kagigising lang. “C-Cedrick? What are you doing here? Hindi ka na dapat pa pumunta rito.” “I’m sorry. May kasama ako.” Sinenyasan ni Cedrick ang asawa na lumapit. “By the way this is Haemie Apacer, my wife. I’ll pay your price, basta i-paint mo lang kaming mag-asawa.” “Alam mo ng matagal na akong huminto sa pagpipinta ng mga bagay na may buhay, all I paint now is abstract. Bihirana nga akong sumasali sa exhibit.” “I’m begging you Nicole, please..” Sino ba naman ang makakatakas sa karisma ng isang Cedrick Apacer? Hindi na nagtaka si Haemie kung paanong napapayag ng asawa ang babae na magpinta. Tiyak magyayabang na naman sa kanya ang asawa kung itatanong pa niya iyon. Alam ni Haemie na napipilitan lang magpinta ang tinawag na Nicole, ngunit makalipas ang halos isang oras. Namangha siya sa natapos nito. Kuhang-kuha nito ang mukha nila at tila parang buhay na buhay ang mga mata ng painting. “Kumain muna kayo.” Inilapag ni Nicole sa mesita ang dalawang malaking tinapay at tinimplang juice. Nang maamoy ni Haemie ang garlic bread na nilapag ni Nicole tila babaliktad ang sikmura niya. Agad siyang nagtatatakbo patungong banyo. Mabilis naman siyang dinaluhan ng asawa. Hinimas-himas pa nito ang likuran niya. Ngunit nang tumayo na siya, pakiramdam niya umiikot na ang paligid at doon na nawalan siya ng malay-tao. “Congratulations!” salubong ng doktora na tumingin sa asawa ni Cedrick. “Your wife is three weeks pregnant.” Hindi makapaniwala si Cedrick sa binalitang iyon ng Doktora. Dumating rin doon si Kate at ang nag-aalalang pamilya ni Haemie. Natakot ang mga ito na baka may nangyari ng masama rito. Isang biyaya ang ibinigay ng Poong maykapal sa kanila. Biniyayaan si Haemie ng anak na lalaki. Dahil hindi na nabalikan pa ng mag-asawa ang portrait at nabayaran na rin. Ipina-deliver na lang ni Nicole ang natapos na portrait sa mag-asawang Apacer. Muling sinubukan ng dalagang magpinta at namangha siya nang makapinta siya ng lalaki. Isang makisig na adonis ngunit may kakaiba sa naipintang mga mata nito, tila buhay at palaging nakamasid sa kanya. ******Wakas********

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD