Chapter 3

706 Words
Napapangiti ako ng papasok sa mansyon ng makita ko sina mommy at daddy sa sala na masayang nag kukulitan, kahit sa labas pa lang ng pinto rinig na rinig ko ang tawan nina mom at dad. Naaalala ko sa kanila sina mama't papa ganito rin sila kasaya. Nagpapasalamat ako sa ikalawang pagkakataon may matatawag na uli akong pamilya. "kanina kapa diyan anak? Tanong ni mommy naka ngiti akong papunta sa kanila at umupo sa gitna . Hinalikan ako ni mommy sa pisngi at hinalikan naman ako ni daddy sa noo. "Hija baka sa susunod na linggo uuwi na si Ryker" "Mom baka indi niya ako matanggap" malungkot kung sabi. "Wag kang mag alala kakausapin namin s'ya ng daddy mo." "Wag muna yang iisipin anak bsta tandaan mo nandito lang kami ng mommy mo at mahal na mahal ka namin." " Thank you mom, dad mahal na mahal ko rin kayo." at mahigpit nila akong niyaka. "Hmmmf! Mukhang iba na ang mahal ninyu at indi na ako." napatingin kami nang marinig namin Ang boses. "Oh Adam nandito kana pala, umupo ka muna may sasabihin kami ng papa mo sayo hijo." "Ano po yun ma?" "Uuwi na sa susunod na linggo ang pinsan mo at mukhang nagkaayos na ang dalawa. Anak gusto kong ayusin ninyu ng pinsan mo ang problema ninyong dalawa. "Ma it's up to him, basta ako nasabi kona sa kanya ang katotohanan kung ayaw n'yang maniwala sa akin nasa kanya na yun. Ma,pa akyat muna ako sa taas. Tumango lang sina mama't papa. ---------- Adam POV Ang tanga-tanga talang ng pinsan ko, matalino pero pagdating sa pag-ibig ang bobo! Wala akong paki kung magkabalikan sila ng tintik na babaing yun! s'ya ang ang rason ba't nagkagulo ang pamilya namin. Flashback Na alingpungatan ako sa pagtulog ng sapakin ako ni Ryker ta nagwawala sa kwarto ko . "Hayop ka Adam! Pinsan mko parang kapatid na ang turing ko sayo pero ba't mko ginago ng ganito." "Ano ba ang problema ba't nanapak ka nalang bigla" "Gago ka pala! Ahas ka rin pala no, bastat-basta mo nalang tutuklawin ang indi sayo!" Napanganga ako sa mga sinabi niya napatingin ako sa couch na kaharap sa kama nakita ko doon si Aira naka upo't nakayuko habang nakatakip sa kanyang katawan ang kumot. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo" " talagang I-dedeny mo! kitang-kita ng dalawang mata ko na naka higa sa kama mo at hubad ang girlfriend ko ! ano kaya ang iisipin ko, na walang ng yari sa inyu, na naglalaro lang kayo habang wala ako!. Ito ba ang sabi mo na may ibang lalaking nilalandi ang girlfriend ko. Baka ikw pa ang lumalandi sa kanya. Gumagawa ka talaga ng paraan para masira mo kami at hiwalayan ko s'ya! P'wes diyan ka nagkakamali kahit kaylan inding-indi mo kami masisira!" At mabilis n'ya ako sinuntok sa sikmura, at malakas ko rin s'yang sinuntok. "Hindi ko alam kung paano s'ya naka punta sa kwarto ko, kahit lasing ako alam ko pag pasok ko sa silid na ito ako lang mag-isa!" mabilis kung tinungo ang pwesto ni Aira at hinawakan ko ng mahigpit ang braso n'ya. "Ganyan ka talaga ka kati, kahit sino nalang! gusto mo talaga masira ang pamilya namin !" galit kung sigaw habang malakas akong tinulak ni Ryker para mabitiwan ko si Aira at mabilis na silang lumabas sa akin silid. Napabuga ako ng hangin. Gulo talagaang dala ng babaing to sa pamilya namin. Kahit sina mama at papa sinusuway na ni Ryker dahil sa babaing yan. Alam kung niloloko lang niya ang pinsan ko. Mahalaga sa akin ang pamilyang ito, sila nalang ang tanging meron ako ng mamatay ang mommy at daddy ko dahil sa plane crash. Magkapatid ang daddy ko at ang daddy ni Ryker, 10 years old ako ng mawala ang mga magulang ko sina tito Rodrigo at tita Alice na ang tumayong magulang ko kaya mama't papa na ang tawag ko sa kanila.Tutol rin si mama sa relasyon nilang dalawa kahit anak ito ng matalik na kaibigan ni papa Ang mommy ni Aira. Masyado ring maluho si Aira. Bumuntong hininga na lang ako . Sigurado akong gulo naman ang dulot ng pag uwi ni Ryker Lalong-lalo pa na gustong ampunin nina mama't papa si Stella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD