"Doon tayo girls!" sabi ko sa mga kaibigan ko ng makita ko yung kissing booth sign sa door ng isang classroom. Foundation Day sa School namin ngayon. Bago pumasok nakita ko sa labas si Kuya Dexter kasama si Kuya Marc nagpapalingon lingon sila sa paligid na parang may hinahanap. "Hey mga Kuya may hinahanap kayo?" Tanong ko sa kanila. "Oo babae" sabi ni Kuya Marc. "Grabe na kayo kundi alak babae talaga bisyo nyo. Bahala na kayo jan". Papasok na ko sa loob ng kissing booth ng pigilan ako ni Kuya. "Huy huy huwag ka pumasok jan" sabi ni Kuya. "Bakit? Bahala ka." Wala siyang nagawa nang pumasok na ko sa loob. Nauna na yung mga kaibigan ko dun. Pagpasok ko sa loob may ilan na ring mga estudyante ang mga nandoon. Maya maya nagdatingan din yung mga friends namin sa engineering nagtilia