Unang araw ng klase. I'm 2nd year college now 19 years old. Business Management ang course na napili ko.
Actually hindi ko naman talaga alam kung anong propesyon ang gusto ko. Hindi gaya ng mga kapatid ko na may mga pangarap sa buhay. Ang importante lang sakin yung mabuhay ako.
Hanggang naisip ko na kailangan meron akong gawin sa buhay kaya naisip ko na itutuloy ko yung Clothing Business ni Mama at palalaguin ko yun kaya ayun ang napili kong course.
Isasabay dapat ako ni Kuya pagpasok sa school, mabuti na lang nasira yung motor niya kaya nauna nako.
Nagkita kami ng bf ko na si Paolo sa 711 sa tapat ng subdivision. Nakamotor siya, sabay kaming pumasok. Same lang kami ng University na pinapasukan. 2 months pa lang kami.
Ayaw na ayaw siya ni Kuya. Parati daw kasi niyang nakikita si Paolo sa bar na may kasamang babae. Mula naman ng maging kami ako na lang ang sinasamahang babae ni Paolo ayaw lang maniwala ni Kuya.
Pagdating namin sa parking ng University umalis ako agad mag i-start na kasi yung klase ko.
Nagtatakbo ako hanggang sa classroom. Sarado yung pinto ng classroom pagdating ko. Pipihitin ko pa lang yung doorknob nang biglang bumukas at dahil malapit ako sa pinto ay nahagip nun ang ulo ko.
"Ouuccchh" halos mapasigaw ako sa sakit ng noo ko na tinamaan.
"Sorry Miss". Bungad sa akin ng gwapong lalake. Parang pamilyar ang mukha niya siguro dahil sa gwapo siya at lahat ng gwapo sa school ay pamilyar na pamilyar sakin.
Pumasok na ko sa loob dahil nandoon na yung Professor. Paglingon ko ay nakasunod yung lalake. Akala ko lalabas siya kaya niya binuksan yung pinto.
"You're late" bungad ng Professor namin sa PolSci.
Napahinto ako sa harapan para magexplain.
"Sorry po Sir kasi po-"
Hindi ko pa natapos ang explanation ko ng magsalita siya.
"You are?" Tanong ni Prof sakin.
"Desiree Jazz Roque" pagkasabi ko nun ay umingay ang paligid. Napatingin ako sa mga kaklase ko. Bakit ang daming lalake.
"Hi". Sabi ng ilang kalalakihan. May mga kumakaway pa sakin hindi ko naman sila masisi dahil nasisilaw sila sa kagandahan ko.
Nagring ang cellphone ni Prof kaya lumabas siya ng room para sagutin yun. Hinanap ng paningin ko ang mga kaibigan ko. Kinawayan ako ni Ara kaya pumunta ako doon at umupo sa bakanteng upuan sa gitna nila ni Zia. Mga kaibigan at classmate ko sila since last year.
"Ang daming gwapo. Classmate natin yung Engineering". Bulong sakin ni Zia pag upo ko
"Bakit natin sila kaklase?". Nagtataka kong tanong.
"Ewan ko. Alam ko dito lang sa subject na PolSci siguro iisa lang ang lesson kaya nagtipid sila sa Professor" Tumawa si Zia.
"Tignan nyo yung nasa likod natin left side 5th row kamukha nung bida sa true beauty. Ang gwapo" Sabay kaming napatingin ni Zia sa sinabi ni Ara.
Yun yung poging nagbukas ng pinto kanina pamilyar talaga siya. Napatingin din siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Ano name niya?" Tanong ko kay Ara.
"Nung nag roll call kanina parang something like Zenki ba yun. Hindi ko masyadong naintindihan eh." Sambit ni Ara.
Naputol ang pag uusap namin ng may magbigay ng papel sakin galing sa likod. Hindi ko alam kung sino. Binasa ko ang nakasulat sa papel.
Facebook:
Instagram:
Tiktok:
"Ano to slam book?". Tumawa ako pero sinagutan ko yun sayang din dagdag follower.
Matapos ko isulat ang user name ko pinasa ko yun sa likod. Tapos pinagkaguluhan na nila. Pagtingin ko ay pinagpapasa pasahan na nila yung papel.
Naririnig ko sa cellphone ko na nasa loob ng bag yung sunod sunod na tunog ng notification.
Nang mapatingin uli ako sa likod ay pinasa yung papel kay pogi pero tinignan lang niya. Parang ang laki ng problema niya sakin dahil tinignan niya ko ng masama.
Bumalik na si Prof kaya natahimik na lahat.
Vacant namin. Nagmeet kami ni Paolo sa isang bench sa campus.
"How's your first day?" Tanong niya sakin.
"Okay lang. Kayo?"
"Ayos lang din" sagot niya
Nilapag niya yung bag namin sa ibabaw ng table. Niyakap at hinapit niya ang bewang ko para mapalapit ako sa katawan nya.
2 months pa lang kami at summer vacation noong sinagot ko siya kaya ngayon ang first day namin na magkasama sa school bilang magjowa.
Pang apat ko na siyang boyfriend. 16 years old ako noong una akong mag boyfriend. Hindi naman sila nagtatagal dahil kapag lumampas sila sa boundary ko at pinilit nila binibreak ko na. Syempre hindi pa ko ready isuko ang bataan ko kaya hanggang halikan at yakapan lang ang gusto ko.
Hinalikan ako ni Paolo sa pisngi.
"Hintayin kita mamaya. Doon na lang tayo sa apartment ko tumambay". Namungay bigla ang mga mata niya na nakatitig sakin.
"Ha diba ayoko pumunta sa apartment mo."
May ilang beses na niya kong kinukulit na pumunta sa apartment niya pero syempre ayoko dahil alam ko na ang mangyayari.
"Wala naman tayong gagawin eh"
"Kahit na". Pagkasabi ko nun ay napatingin ako sa bandang harapan nakita ko si Kuya Dexter na nagpapalingon lingon sa paligid na parang may hinahanap. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Paolo.
"Magtago ka. Nanjan si Kuya". Bigla akong kinabahan.
"Nasan?". Nataranta siya dahil takot siya kay Kuya. Nasapak kasi siya ni Kuya last time at binalaan siya na huwag ng lalapit sakin. Nagtago si Paolo sa ilalim ng table.
Nakita ako ni Kuya kaya lumapit siya sakin.
"May alam ka bang bagong estudyante dito. Babae maganda". Tanong niya sakin. Tanungan ba ko ng nawawalang babae niya.
"Babae na naman Kuya. Dapat nag aaral ka ng mabuti 4th year college ka na kapag ikaw hindi grumaduate lagot ka kay mama".
Alam kong mag iinit ang ulo niya sakin. Gusto ko lang siyang asarin.
"Huy kung ikaw hindi grumaduate lagot ka sakin." Nanggigigil niyang sabi tsaka siya tumalikod at umalis. Bigla siyang bumalik at napatingin sa ilalim ng table. Patay!.
"Tangnamo magtatago ka pa jan".
Nagpanic ako bigla dahil alam ko na ang gagawin ni Kuya. Pinilit niyang hilahin si Paolo hanggang mailabas niya.
"Kuya umalis ka na nga" Pinilit kong tanggalin ang kamay ni Kuya na nakahawak sa kuwelyo ni Paolo.
Nang matanggal ko yun ay magkahawak kamay kaming tumakbo ni Paolo.
May sinasabi pa si Kuya pero hindi ko na naintindihan. Nasalubong namin si pogi habang tumatakbo kami ni Paolo nakatingin siya samin. Nilingon ko siya ng malampasan namin. Papunta siya kay Kuya, paglapit niya ay nag high five silang dalawa at nag usap. Magkakilala sila?
Kinagabihan sa bahay, nagti-t****k ako ng dumating si Kuya.
"Ano ba yang ting ting tang tang ting tang na yan tangna gabing gabi na eh nakakabulahaw ka sa kapitbahay"
Natigil ako sa pagtitiktok paguwi ni Kuya.
"Tara Kuya sali ka."
Dumami yung follower ko sa t****k last time na inupload ko yung video namin ni Kuya na sumasayaw. Dahil sa varsity basketball player siya ng Lateneo at sikat kaya nagviral ang video namin.
"Tsk nasira yung dangal ko jan nung inupload mo yung video ko bwisit ka. Tigilan mo na nga yang pagtitiktok mo. Imbes mag aral ka, yan inaatupag mo"
"Ikaw nga naghahanap ka ng babae eh. Nahanap mo na siya Kuya?"
"Hindi". Lalong nabadtrip si Kuya.
"Inaka sabi ko huwag ka ng sasama dun sa Paolo na yun ha. Akala mo ba ikaw lang ang syota nun".
Hays sabi ko na extended hanggang bahay ang panenermon niya sakin.
"Syempre ako lang". Parang mas lalo syang nainis.
"Aanga anga ka talaga eh. Kapag ikaw naloko huwag kang iiyak iyak ha sinabihan na kita"
Nakakainis na din yung pagiging overprotective ni Kuya. Bata pa lang ako nang mawala na samin yung Papa ko pero ramdam ko pa rin yung pagkakaroon ng Ama dahil kay Kuya. Parang mas grabe pa nga.
"Hindi naman ako lolokohin ni Paolo. Ako lang yung gf niya huwag ka kasing praning."
"Bahala ka siguraduhin mo lang na hindi ko kayo makikita sa school na magkasama"
Dahil sa pinagusapan namin ni Kuya nawala na sa isip ko yung itatanong ko sa kanya kung bakit kakilala niya yung pogi. Dire diretso siya sa kwarto nya. Bukas ko na lang sya tatanungin.
♥️