Killua's POV;
"May lahi ka ba kay pre?"napatingin ako sa isa sa mga gwardya ni Master na katabi ko ng kausapin ako nito.
"By the way ako si Castro bago ka diba?."nakangiting sambit niya bago iabot ang kamay niya sakin.
"Killua."ani ko bago abutin yun at tumingin sa hagdan ng bumaba na si Master kasunod ang mga ate nito na nakatitig sakin.
"Tsk."react ko bago yumuko ng palapit na sila.
"Bumagay sayo yung uniform."napaangat ako ng tingin ng tumigil sa harapan namin si Master.
"Pupunta tayo ngayon sa Devodskie Academy may mga kailangan lang akong asikasuh--."
"May bago kang body guard ah."napatingin ako sa apat na babaeng tumabi kay Master at tiningnan ako.
"Hindi siya bag--."naputol ang sasabihin ni Master ng gitgitin siya ni Lady Destiny...matutumba ito ng alalayan ko siya gamit ang isang kamay ko bago walang buhay na tiningnan ang mga kapatid ni Master.
"Mawalang galang na pero kailangan na namin umalis."malamig na sambit ko ng makatayo na si Master at yumuko bilang pag galang at naunang lumabas.
"Hoy pre."napatingin ako kay Castro ng tapikin ako nito ng mahina.
"Hindi maganda yung ginawa mo...pag nagsumbong ang apat na yun kay Lord Devodskie masisipa ka nun... chill lang."paalala ni Castro na kinaismid ko.
3rd Person's POV;
"Anim lang tayo?"tanong ng binatang si Castro ng makita sila lang ang nasa parking lot.
"Kailangan daw ni Lady Grace ng dagdag na tauhan...kaya pinalipat ni Lord Devodskie sina Gerald."sagot ng isa sa mga ito ng makalapit ang dalagang si Lucky at Killua.
"Hayaan niyo na...tara alis na tayo."ani ng dalaga bago sumakay sa kotseng kulay puti at umikot naman si Castro para pumunta sa driver seat habang si Killua naman pumunta sa itim na kotse na nasa unahan at sumakay... kasunod ang isa pang lalaki.
Nang maiistart na ni Killua ang kotse lumabas na sila ng gate ng Mansyon.
---
"Ahhh!"tili ng dalagang si Lucky ng biglang pumreno na kinamura naman ng binatang si Castro ng biglang pumreno ang kotse na nasa unahan nila.
"Wtf!Killua balak--."
"Walang lalabas."putol ng binatang si Killua mula sa earpiece.
"Gago ka ba?!malalate si Lady Lucky sa pinaggagawa mo!"bulyaw ng isa sa mga gwardya ng dalaga bago bumaba ng--.
"Ohmygod!"react ng dalaga ng may mga nagpaputok sa likurang bahagi ng kotse.
---
"Tigas ng ulo."naiinis na sambit ng binatang si Killua bago damputin ang baril nito sa Dashboard kasunod ang isa pa nitong kasamahan.
"Kunin ang babae!"sigaw ng isa sa mga lalaking bumaba sa pulang kotse.
"Lady Lucky dito ka la--."
"Wag kang baba Castro."utos ng binata na kinatigil ng binatang si Castro ng bubuksan na nito ang pinto.
Killua's POV;
Mabilis kong kinasa ang baril at tumalon sa taas ng kotse ni Master bago paputukan ang anim na na nagpapaulan samin ng bala.
"Matagal pa ang pasko...pero ito bala ko tanggapin niyo."bulong ko bago ngumisi at isa isang patamaan sa noo ang mga kalaban.
Nang bumagsak na ang lahat tiningnan ko ang mga kasamahan ko na--.
"s**t"mura ko ng makitang wala na yung apat.
"Castro."tawag ko bago umupo sa bubong ng kotse at nag sindi ng sigarilyo.
Nang bumaba si Castro kotse tinuro ko yung mga kasamahan namin.
"Tumawag kana sa mansyon..wala na sila."balewalang sambit ko ng--.
Napatigil ako ng makarinig ako ng hikbi ng lingunin ko si Master nakatayo ito sa gilid ng kotse at umiiyak habang nakatingin sa mga patay niyang tauhan.
"Ako na bahala...ikaw na maghatid kay Boss."ani ni Castro bago ibato sakin ang susi habang nakatingin kay Master.. na agad ko namang nasalo.
"Boss okay lang yan...wag ka ng umiyak."pag aalo ni Castro kay Master.
"Okay?!anong okay Castro may namatay nanaman*sob*."mas lalong lumakas iyak ni Master na kinagusot ng mukha ko tangina ang ingay at nakakainis.
"Pwede ba Master ang mga ganyang bagay hindi iniiyakan."ani ko bago tumalon pababa ng kotse at ihagis sa loob ang baril ko.
"Dahil sakin namatay sila?!...ano kang klaseng tao ha?..anong hindi dapat?!...nilalang mo lang ang kamatayan?seriously?"hindi makapaniwalang tanong ni Master bago umikot at iduro ako.
"Hindi basta ang kamatayan Killua kaya wag na wag mong nilalang ang Kamatay--."
"Ang kamatayan ang solusyon sa lahat ng bagay Master...at para sakin maliit na bagay lang yan...dahil lahat naman ng tao diyan din mapupunta...mayaman ka man o pulubi."putol ko kay Master bago pumasok ng kotse.
Simula ng mamatay ang mama at kuya ko para sakin ang kamatayan ay may sari sarili ng anyo,nahahawakan,nakikita,naamoy at nararamdaman at hindi na posible yun mangyari kahit hindi mo pa ito kagustuhan.
Walang makakapigil dito at matagal ng parte ng buhay ang kamatayan nahihirapan lang silang tanggapin yun dahil sakani kanilang kasakiman at mga bagay na ayaw nilang maiwan.