Kabanata 23 Puno ng kaba ang puso ko buhat ng makababa ng stage. Sinalubong ako ni Farrah ng mahigpit niyang yakap. "Isang rampa nalang at tapos na tayo!" sambit nito saakin. Wala sa loob na tumango lamang ako at nag patangay sa kaniya, maging ang pag susuot ng gown ay tila hindi ko alintana, okupado pa rin kasi ni Rexon ang isip ko at kung paano niya ako titigan kanina. "You look dashing!" Malakas nitong sinambulat saakin, doon lamang ako kumurap-kurap at sinipat ang suot kong high waisted gown na kulay peach, may lace ito sa laylayan na binagayan ng glass shoes. "OMG! Para kang si Cinderella sa ayos mo!" Bulalas nitong sabi. Kumibot ang labi ko, maging ako kasi ay hindi na makilala ang sarili ngayon, wala sa hinagap ko na ganito ang kalalabasan ng gown pag suot ko na. "Pagtapos mo