Masakit ang kanyang buong katawan nang gumising siya kinaumagahan.Dinig niya ang mahinang hilik ni Adie na kasalukuyan pang nakayakap sa kanyang bewang.Kagabi ay paulit ulit pang may nangyari sa kanya kaya siguro ngayon ay tila ba binugbog ang kanyang katawan. Tinitigan niya ng mukha ng nobyo,saka naalala niya kung paano siya nito angkinin kagabi .Napakalakas ni Adrian,tila ba hindi ito napapagod .Ewan niya kung saan ito kumuha ng lakas upang paulit ulit siya nitong dalhin sa langit.Kahit na ang alaga nito ay hindi natutumba, matigas at saludo pa rin .
Dahan dahan niyang tinanggal ang braso nitong nakapulupot pa rin sa kanya.Tumayo siya at isa isang pinulot ang kanyang mga damit sa sahig.Kinuha na rin niya ang puting kumot na may bahid ng dugo .Lalabhan na niya iyon at baka makita pa ng Lola niya at malalaman pa nito ang mga pinaggagawa niya.
"Saan ka pupunta," Lumingon siya nang marinig ang boses ni Adie.
"Labhan ko lang to sa ilog." Itinuro niya ang hawak niyang kumot.
"Lia,apo!" Para siyang binuhusan ng malmig na tubig sa buong katawan nang marinig ang boses ng Lola niya.Nakauwi na pala ito,sumenyas siya kay Adrian na tumayo na ito at magtago sa loob ng malaking aparador.
Nasa may pinto na ang Lola Natty niya at kumakatok na .
"Dalian mo na!" aniya sa lalake.Lumapit siya rito at ibinigay ang kumot rito.Pinulot rin niya ang t-shirt at shorts nito at inabot sa lalake at itinulak ito sa loob ng malaking aparador .
"Aray!!!!" sigaw ni Adie sa loob ng aparador dahil naipit pala ang isang daliri nito nang isinarado niya ang pinto ng nito.
Nagsuklay na muna siya bago bumaba at pinagbuksan ang Lola niya.
"Hay ,akala ko tulog ka pa." anito sa ay pasok sa loob at umupo sa upuan na de kawayan lang din.
"Hindi po ,La inaayos ko po ang higaan nang dumating kayo.Akala ko po ba eh sumama kayo Kay Senyorito Anton ."
"Ah oo ,kararating lang nga din namin eh .Pinuntahan kita kaagad nang dumating ako,nag-aalala ako sayo at baka ,mag-isa ka lang rito,akala ko nga ay sa Villa ka natulog." sambit pa nito.
"Ah hindi na po ,La ...mas presko naman po rito."
"Kung sabagay nga naman.Ay alam mo ba,nakasalubong ko si Gloria ,ang nanay ng kaklase ninyong si Flordeliz.Naalala mo ba si Flor?" anito sa kanya.
"Ah opo naman La.Bakit po?"
"Hmp, buntis raw si ang batang 'yun.Umalis yun noong nakaraan buwan di ba?Pumunta sa Maynila at hayun may nakilalang lalake,naging nobyo niya at itong si Flor naman eh naniwala sa lalakeng yun .Noong nabuntis eh nalaman na may asawa na pala .Tssk kaya nandito si Flor,umuwi ulit at tumigil na sa pag-aaral.Ang sabi pa nga sakin ni Gloria eh napaka swerte ko raw sa apo ko dahil nagsusumikap na makapag-ipon upang makapag-aral."
Hindi siya makasagot sa Lola niya dahil na guilty na kaagad siya.
"Kaya apo,mas mabuting hindi ka muna magnobyo .Ituloy mo muna ang pangarap mo.Darating rin naman talaga ang tamang panahon para sa'yo.Makikilala mo ang taong nakalaan para sa'yo pero sa tamang panahon .Ngayon eh masyado ka pang bata Huwag na huwag kang magpapaloko,lalo na sa Greg na yon....Dinig ko,Marami raw nililigawan rito sa baryo natin ang lalakeng yun."
"O-Opo La,magsusumikap muna ako."
"Tama nga 'yan apo.Hindi naman kita pinagbabawalan. na magnobyo,ang sa akin lang eh mag-isip ka ng mabuti bago ka pumasok sa isang relasyon.Lalo na yang dangal mo,iyan na lamang ang maipagmamalaki mo sa magiging asawa mo."
Tila ba may bumara sa kanyang lalamunan habang nakikinig sa lola niya.Sa ngayon ay nakukinsensya talaga siya . Pakiramdam niya ay hindi siya naging tapat sa Lola niya na nag-alaga sa kanya.
"Lalo na diyan sa mga mayayaman apo lalo na sa mga gwapong manloloko at babaero!" dagdag pa nito.
Narinig naman niya ang pag-ubo ni sir Adie mula sa loob ng aparador.
"Parang may narinig akong ingay sa kwarto mo,Lia." Napatayo ang Lola niya habang nakadungaw sa loob ng kwarto.
"Wala naman La.".
"Ah baka dumaan na naman ang itim na pusa ."anas ng Lola niya.
"Marahil nga...Teka, mag-iingat ka sa aparador nayan ah? Kasi noong isang araw may nakita akong ahas na pumasok riyan,sana naman lumabas na ...."
Napalunok na naman siya.Presko ang hangin pero parang nasasakal siya sa sandaling iyon.
"Wala naman La,inayos ko na po Yan kahapon."
"Mabuti naman,paano ba yan ...halika na sa Villa at mag-aalmusal na tayo.Bumalik na sa Manila sina Senyorito Chase at ang asawa nito.Si Senyorito Adrian na lamang ang naririto.Tulungan mo nakong magluto apo at baka gising na si Senyorito Adrian."
"Sige po La,tara na po..."
"Ay iha,ano yang pula sa likod ng shorts mo?"
"Ha?Ah may dalaw po ako La." Pagsisinungaling niya sa matanda.
"Ay Sige na ,mauuna na lang ako.Magpalit ka na muna riyan.Dalian mo na apo ah?"
"Sige po La,susunod lang po ako."
Nang umalis na ang matanda ay natarant siya sa pagbukas ng pinto ng aparador.Lumabas naman si Senyorito Adrian na tila ba bagong ligo ito dahil sa pawisang mukha at katawan .
"I thought this is the last day of my life.Muntik na'kong masuffocate sa loob ng aparador,pambihira ka,Lia nilock mo talaga aparador." anito habang hinahabol ang hininga.
"Sorry ,Adie .Teka,kailangan ko na palang umalis magluluto pa kami ni Lola.Sumunod ka na lang ha." sambit niya.
"Wait Lia, let me remind you about what I heard from your Lola.Hindi lahat ng lalake manloloko lalo na ang mga gwapo."
Natawa siya sa huling sinabi nito.
"Huwag po kayong mag-alala may tiwala ako sa'yo.Lahat ng sinabi mo,Adie ay pinaniniwalaan ko.Ikaw ang una ko,sa lahat ng bagay.Hindi ko rin iniisip na mangyayari sa akin ang tulad ng iniisip ng Lola na nangyari Kay Flor.Alam ko naman na iba ka,at nararamdaman ko iyon."
Lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit.City boy si Adrian at siya naman ay isang province girl,batid niya iyon sa una pa lamang pero hindi niya masuway ang utos ng kanyang puso.Nagmamahalan sila,yun naman ang importante .
"Salamat sa tiwala mo Lia."
"Mahal na mahal na kita Adrian lalo na ngayong naibigay ko na ang p********e ko sa'yo,ikaw na lamang ang lalaking gusto kong makasama at mahalin pa sa buong buhay ko ."sambit niya habang nakatitig sa mukha ng nobyo.
"Yeah ,Lia me too ."
"Salamat ." aniya rito na may ngiti sa mga labi.