Chapter 20-Patola

1572 Words
"Magandang umaga,apo.Gising ka na pala,tara magkape na tayo!"masayang wika ni Lola Natty,nasa kusina ito ngayon at isinasalin ang pinakulo na tubig sa thermos. Katatapos lamang niyang maghilamos." Sige po La."aniya sabay upo. "Good morning Lia and Lola Natty..' Bumaling sila at nakita si Adrian na papalapit sa kanila.Umupo ito sa mesa at matamis siyang ningitian."Ay ,napakaaga n'yo namang nagising Senyorito..." sambit ng Lola niya nang makita si Adie. "Oh Lia,timplahan mo ng kape si Senyorito Adrian!" utos nito sa kanya.Katatapos lang nitong magtimpla ng dalawang taza ng kape. Umupo si Lola Natty at siya naman ang tumayo at kumuha ng isang sachet ng black coffee .Yun ang iniinum ni Adrian,ayaw nito na may cream. "Two lovely flowers....one is reald the other's white.." Napakunot ang kanyang noo nang marinig na kumakanta ang kanyang Lola Natty sabay ang paghigop nito ng kape.Bakit tila nasa mood talaga ang Lola niya ngayon? "Wow si Lola Natty oh, inspired yata kayo ngayon La!" dinig niyang sambit ni Adie sa Lola niya.Lihim siyang natawa sa sinabi ni Adie.Talagang naging malapit na talaga ito sa Lola niya. "Ay,alam mo Senyorito tama ka!Inspired na inspired ako ngayon! Ang ganda kasi ng panaginip ko!" malapad ang ngiting sambit ng matanda. Lumapit siya at inabot ang taza ng kape kay Adrian.Tumango lamang ito sa kanya bilang pasasalamat dahil nakatuon ang atensyon nito sa Lola niya. " Sinasabi ko na nga ba eh,kaya pala pakanta kanta ka pa talaga La!" dagdag pa ng binata. "Oo, Senyorito.Napaniginipan ko kasi ang lolo ni Lia .Sa panaginip ko, dalagita pa raw ako at bagong kasal kami at pulut gata raw namin! " Tila kinikilig pa ang matanda habang nagkukuwento."Hay naaalala ko ang kabataan ko, kagabi natutulog raw ako nang biglang pumasok si Tong at humiga sa tabi ko at---" "Okay na po ,La huwag n'yo na pong ituloy! Alam ko na kung ano ang sumunod na nangyari ."kaagad na putol ni Adrian sa sasabihin ng Lola niya. "Kayo po talaga Senyorito,syempre humiga siya at nag goodnight sa akin .Bakit ano po ang iniisip n'yo na napanaginipan ko?" kaagad na wika ng Lola niya. "Yun na nga po,yung mag gogood night kayo sa isa't isa..." sagot naman ni Adrian .Siya naman ay tahimik lamang na nakikinig sa dalawa. "Hmmp ,meron pa po Senyorito.Pagkatapos niyang mag good night ay inutos ko sa kanya na itaas ang damit mo-----" Muntik na siyang mapaso sa kapeng hinihigop niya nang marinig kung ano ang sinabi ni Lola Natty. "Lola naman---panahon pa yata ng hapon yang love story niyo..." dagdag pa ni Adie at talagang naging malapit na ang dalawa sa isa't isa dahil nakakapagbiro na ito sa matanda . "Tssk, ikaw talaga Senyorito syempre nangngati ang likod ko kaya pinakamot ko kay Tong.Ano po ba ang nasa isip ninyo?" tanong ng Lola niya sa lalake. " Lola naman,niloloko mo yata kami ni Lia." wika ng lalake sa matanda. Tumawa naman ng malakas ang Lola niya.Lihim siyang nasisiyahan sa dalawa Ngayon lamang niya ulit nakita at narinig ang tawa ng Lola Natty niya . "Oh siya,Lia pumitas ka ng patola.Igigisa ko sa bagoong para sa agahan natin..." utos nito sa kanya. "Sige La," sagot niya sa matanda. " Sasamahan na kitang pumitas ,Lia." wika kaagad ni Adrian nang makita siyang tumayo. " Marunong ka bang pumitas ng patola,Senyorito?" pahabol na tanong ng Lola Natty rito. "Opo naman La,ako pa ba?" sagot naman ni Adie.Siya naman ay kinuha ang maliit na basket na paglalagyan ng mga patola. "Tandaan mo Senyorito,bawal pitasin ang mga bata pang mga bunga ah?Masasayang lang,hayaan mo munang lumaki pa at mas sasarap ang patola kung nasa hustong laki na...."mahabang wika ng Lola niya. "La,ang patola po ba ang pinag-uusapan natin?" takang tanong ni Adie sa matanda . "Ha?Oo di ba mamimitas kayo ng bunga ng patola?" tanong rin ng Lola niya. "Opo! Patola nga!" sagot kaagad ni Adie. Napapailing na lamang siya sa dalawa .Nang lumabas siya ay sumunod naman sa kanya si Adrian. "Alam mo,nakakatuwa ang Lola Natty mo.." sambit nito nang silang dalawa na lamang ang nasa Hardin."Lia,paano pala kayo naging maglola ni Aling Natty? I mean sa mother side ba?Nasaan na pala ang parents mo?" "Nanay siya ng mama ko. Ako ang bunso sa aming magkakapatid .Ang dalawang panganay ko ay tumira sa mga tiyuhin namin nang mamatay ang mga magulang namin dahil sa isang aksidente.Tatlong taon gulang pa lamang ako nang maulila kaya ako ang naiwan kay Lola Natty ." malungkot niyang pagkwento rito. "Yung mga ate mo,may mga asawa na?" Tumango siya rito."Oo at hindi na sila umuwi pa rito.Wala na nga akong balita sa kanila simula nang kupkupin sila ng mga tiyuhin namin.Ten years ang gap namin ng panganay at eight years naman kami ni Ate Myra,'yung kasunod..." "Ang layo naman ng gap pero sino ang hawig mo?" Tanong ni Adie. "Ewan,hindi ko na maalala mga mukha nila.Kahit mukha ng mga ate ko,di ko na rin matandaan.Three years old pa lang ako nun," "I'm so sorry Lia ,nararamdam kong malungkot ang childhood mo, pero be may Lola Natty ka naman di ba kaya napaka swerte mo..." Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Oo,si Lola lang talaga ang pamilya ko at s Lolo Tong...Sila lang ang naaalala kong naging parte ng buhay ko simula nang magkaisip ako." wika niya sa lalake. "Nandito na rin ako...." "Pero aalis ka...." "Hindi Lia,isasama kita.Kailangan mong mag-aral upang matupad mo ang pangarap mo." "Tama ka,gusto ko kapag natupad ko na ang mga pangarap ko ay nandiyan pa rin sina Lola Natty at si Lola." napapangiti niyang sambit. "Yeah,of course they will still live until you'll achieve your dreams.Let me help you Lia, " "Maraming salamat Adie ah. " Masaya silang nagkukuwentuhan ni Adrian nang marinig ang sunod sunod na pagbusina sa labas ng bakuran.Nang sumilip siya ay nakita niyang bumaba sa kotse si Greg, may kasama ito...si Lizzie.Bukod kay Lizzie ay may kasama ring magandang babae na sa tantya niya ay kwarenta anyos ang edad.Itsura pa lamang ng mga ito ay halatang galing sa alta sociedad. Pinagbuksan naman niya kaagad ang gate .Si Adrian ay nagpaiwan sa hardin at itinuloy ang pamimitas ng patola . "Magandang umaga Lia.Pwedd bang tumuloy?Gusto kang makausap ni Lizzie at ng mama niya.By the way,si Tita Jeanet pala ,"pagpapakilala ni Greg sa dalawa . "Tuloy kayo,dito tayo sa loob ng bahay." wika niya.Iniiwasan niyang tingnan ang dalawang babae dahil nahihiya siya sa itsura niya.Ni hindi pa nga siya naliligo. Umupo silang apat sa mahabang sofa sa sala. "Lia, pumunta kami rito ni Mama upang humingi ng sorry sa ginawa ko last night.Hindi ko iyon sinasadya." nakayukong sambit ni Lizzie . "Oo nga iha, pasensya ka na talaga .Nakakahiya ang ginawa ng anak ko ,kaya ako rin ay humihingi ng pasensya sayo." sambit rin ng Mama ni Lizzie na si Jeanet. "Huwag po kayong mag-alala,napatawad ko na po ang anak ninyo.Napatawad na kita Lizzie pero sa susunod,huwag mo na ulit gawin yon lalo na sa mga taong kagaya ko na mahirap lang.Huwag mo sana kaming alipustahing mga mahihirap dahil tao lang rin kami .Kung ano man ang meron kayo ni Greg ay wala na ako doon dahil may nobyo na ako....at hinding hindi ko naman aagawin si Greg sa'yo " .Prangka niyang sambit sa mga ito.Ang mahalaga ay nasabi na niya ang kanyang saloobin.Nakita niya ang pagbagsak ng mga balikat ni Greg sa sinabi niya.Ito na siguro ang pagkakataon upang iparating rito na kailangan na nitong tigilan ang panliligaw sa kanya . "Totoo ba ang sinasabi mo,Lia?May nobyo ka na?" "Hindi ko na kailangang ulitin pa Sir Greg..." wika niya."Huwag po kayong mag-alala mga Ma'am,okay na po ako, wala po akong kinikimkim na sama ng loob ." "Maraming salamat ,Lia.Napakabait mong bata...." sambit ng Mama ni Lizzie sa kanya . Hindi nga siya makapaniwalang pupuntahan talaga siya ng mga ito.Siya ,na isang mahirap na probinsyana ay kakausapin ng mga taga alta sociedad at maghihingi ng tawad? Sincero ba talaga ang mga ito? Nang umalis na ang mga ito ay saka namang bumalik si Adie na dala ang basket ng mga patola . " Ano ang pakay nila sa'yo?" tanong ni Adie sa kanya.Nakatayo lamang ito sa may pinto . " Humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari kagabi.Sumama pa nga ang mama ni Lizzie." aniya. "So,they really did come..." "Ano ang sinabi mo?" "Ang sabi ko,mabuti nga at pumunta sila rito upang humingi ng tawad.May good manners rin naman pala sila..." "Nagtataka nga ako,Adie eh.Hindi talaga iyon gagawin ng mga mayayaman na tulad nila.Ibaba ba naman ang pride nila sa akin na isang hamak na dukha?" "Masyado mo namang mababa ang tingin mo sa sarili mo,Lia. You are so special to me,my one of a kind." Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Malapit nang dumikit ang mga labi nila sa isa't isa nang biglang may tila nahulog sa kusina. Mabilis silang tumakbo patungo sa kusina at nadatnan si Lola Natty na pinupulot ang mga patola na nagkalat sa sahig. "Hay nakow Senyorito, ikaw po talaga ang pumitas nito noh?Masyadong bata ng mga patola ,maliliit pa...hindi mo man lang binigyan ng pagkakataong lumaki at humaba pa ang bunga...." "Ha? Ah okay na siguro yan Lola do ba?Mas masarap naman ang mga batang bunga...kaysa naman sa matanda na, makulubot na't Wala nang lasa kahit na isama niyo pa sa bagoong...."pagdadahilan ni Adie . "Nakakatawa ka po talaga , Senyorito.Type mo talaga ang mga ganitong mga bunga...." Kinurot niya si Adie nang sasagutin pa sana nito si Lola Natty.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD