Chapter Seventeen KRISTINE ANONG ginagawa niya dito? “Hi,” bati niya sa akin. “H-hello,” sabad ko. “Ahm, pwedeng magvisit? Tingnan ko lang kung gaano kalaki yung kwarto in advance,” tanong niya. “Sure,” binuksan ko ng maluwag ang pintuan saka siya pumasok. Wala yung batang kasama niya. Sa suot niyang pulang blouse, skinny jeans at sneakers ay halatang sexy pa rin siya kahit may anak na. Nakalugay ang kulay dark brown niyang buhok at may kaunting make up siya sa mukha. Nahiya naman ako sa kagigising kong looks. “Bali yung kwartong sinasabi ko ay dito,” iginiya ko siya sa kwartong papaupahan ko. Sumunod siya sa akin at saka ko binuksan yung pintuan. “Hindi pa kasi naayos kaya ganito pa siya. Next week siguro ay aayusin na pagkatapos marepaint,” pumasok kami sa silid. May mga iilan