Chapter Thirteen KRISTINE KUMAKAIN na kami ngayon at wala kaming imik. Nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsalita sa aming dalawa. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig. Paano ba naman kasi? Kanina nang lumapit siya sa akin at gapulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko ay biglang nagring ang cellphone ko. All the single ladies, all the single ladies… Cellphone ko na mismo ang nagsasabing single ako. Nasampal ko siya dahilan para mailayo ang mukha niya sa mukha ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang ttumatawag. TACIPIT. Tsk. Panira ng moment itong babaeng ito. Sapu-sapo ko ang noo ko nang sagutin ko ang tawag niya. Ako: Oh Hello. Napatawag ka? Siya: Bakit ang tagal mong sagutin? Ako: Bakit ba? Siya: Easy. Okay. Ako: Anong kailangan mo? Na