Chapter Fourteen KRISTINE HABANG kumakain kami ay tahimik lang kaming dalawa. Katulad ng dati ay hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang mauunang magsasalita. Pagkasagot niya sa tanong ko kung sino si Myra sa kanila at kung bakit sa tuwing nababanggit ko ang pangalan niya ay tumatahimik sila, ay ako naman ngayon ang biglang natahimik. Ex niya pala si Myra. Okay. Ayaw ko nang magtanong ulit dahil baka mas lumala pa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kumain lang ako at ayaw kong magpahalata na wala akong masabi dahil sa sagot niya. Pero mukhang halatang halata dahil kahit na anong word man lang ay hindi ako makapag-isip para gawing light ang mood ngayon sa amin. Gusto kong tanungin… May nangyari na ba sa inyo ni Myra? “May gusto ka pa bang orderin? Libre ko naman i