"Minsan kailangan mong madulas para makita ka ng iba. I mean, minsan kailangan mong gumawa ng paraan para makita ka niya, para makita niyang nageexist ka pala, at para makita niyang sa pagkakadulas mo ay kailangan mo rin siya. At hindi mo kayang tumayo kapag wala siya. Diba?" Kristine MAAGA akong natulog. Medyo nalasing din ako sa ininom naming alak kahapon ng hapon kaya naman hindi na rin ako nakapaghapunan kagabi. Deretso tulog na ako ng mga bandang alas otso. KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa alarm ko na 5:30. Maaga dapat akong magigising dahil may patrabaho ako ngayon. Pagbangon ko ay as usual, nasa tabi ko na naman si muning. Hindi na ako nagugulat lately dahil nasanay na ako sa kanya. Inayos ko na ang higaan ko at saka lumabas ng kwarto. Pupungas pungas pa akong naglakad patungo s