Chapter Seven

2513 Words
"Kailan ka huling pinag-agawan? Minsan mo na bang natanong kung bakit nagaaway ang dalawang bata dahil lang sa laruan? Ito ay dahil sa saya na naidudulot nito sa kany na hindi niya matatagpuan sa iba. Minsan mo na rin bang naisip na pinagaagawan ka, para paglaruan nila?" Kristine "TSSS. Huh. Huwag mo akong takutin sa martial arts talent mo. Baka hambalusin kita ng mga ngiti ko." Parang nagback out lahat ng tapang ko sa sinabi niyang ito. Feeling ko nagtakbuha lahat ng red blood cells ko papunta sa mukha kaya ramdam kong namumula ako. Alam niya rin palang tinitingnan ko siya sa bus station. Nakakahiya talaga ako. Sobra. Pero hindi ako dapat naaapektuhan sa simpleng ngiti at kindat lang. Back to amazona mood. "Nahambalos na sana ako kung talagang apektado ako sa mga pacute mo," ngumiti ako na mapang-asar. "Kaya pala namumula ka na," tinuro niya ang mukha ko. Jusko. Ito na naman ang sinasabi kong Betrayal. "Mistisa lang ako kaya namumula ako pag nagagalit," "Nagagalit o kinikilig?" saka siya kumuha ng isang laruang sasakyan at tiningnan. Hindi ko na siya sinagot dahil dumating na ang sales lady. "Ma'am sir, last item na po pala iyon. Hindi na rin daw po ibebenta sabi ng manager namin dahil ilalagay daw sa display area," salaysay nito. "What?" ako. "Ano?" Macky. Halos sabay kaming nagsabi nito. Nagkatinginan naman kami at kaliwa't kanan naman ang tingin sa amin ng babae. "Hindi na raw po ibebenta," pag-uulit niya. "Bibilhin ko sa dobleng halaga," si Macky. "Ako triple," hindi ako magpapatalo ano. "Ako triple at kukuha pa ako ng lima," aniya. Abah. Kanino niya ibibigay yung lima? "Sorry po ma'am , sir, hindi na raw po talaga pwedeng ibenta. Marami pa naman pong ibang laruan diyan. Tingin na lang po kayo. Pasensya na po," saka tumalikod ang babae. Kainis. Ito yung literal na ibig sabihin ng WALANG LILIGAYA. Tiningnan niya ako at tiningnan ko siya ng masama. "Kung ibinigay mo na iyon sa akin, e di sana nabili ko na," aniya. "Hoy. Kung sa akin mo na iyon ipinaubaya e di sana nabili ko na!" sigaw ko. May mga batang lumingon dahil dito. "Pahamak talaga ang dulot mo sa buhay ko," halos gusto niya na akong sampalin o suntukin dahil nanggagalaiti ang mukha niya. Kita ito sa pagtigas ng kanyang mga panga. "Oh. Gusto mong manakit pero di mo magawa? Hindi ka naman kasi ganung tao. Kaya hanggat kaya ko, iinisin kita. Tandaan mo iyan Macario," saka ako tumalikod at naghanap na ng ibang laruan. Ang arte pa ng paglalakad ko habang lumalayo sa kanya. Kung hindi lang talaga ako nahihiyang mag-attend sa birthday na walang bitbit na regalo ay pupunta ako doon para makikain lang. Pero hindi ako ganun eh. Lalaki raw ang anak nila kaya naisip kong laruang kotse ang bilhin. Ang saklap lang dahil kailangan ko pang makipag-agawan sa labanos na iyon. Ang ending, nakabili ako ng isang laruang sasakyan na may remote control. Okay na rin naman ito kaya kinuha ko na. Nasa counter na ako at kasunod ko na naman siya sa pila. Sino pa? E di yung labanos na lalaking all around mechanic na saksakan ng gwapo ay este feeling. Nang ako na ang magbabayad ay inilagay niya rin ang binili niyang item sa tabi ng binili ko. Nagulat ako dahil ang nakuha niyang laruan ay yung laruang hindi na pwede ibenta. Huwatttt? Sabay kunwari ay hindi niya ako kilala. Napanganga na lang ako. "Miss, diba hindi na ito pwedeng ibenta?" tanong ko sa nasa counter sabay turo sa laruan. Hinawakan niya naman ito kaagad. "Check ko po," inabot ng babae ang laruan at ibinigay na ito sa babae. Maya maya ay, "Irefer ko po sa manager namin," bago siya makaalis ay lumabas sumulpot ang isang babae sa tabi namin. "Ay ma'am, andiyan po pala kayo. Last item na po ito. Ibebenta pa ba natin?" tanong nito sa babaeng maganda at mukhang pang beauty queen ang tindigan. "Ipinacheck ko na ang mga new arrivals. May item pa palang ganyan pero bukas pa ididisplay," sabi nito. Agad kinuga ni Macky ang laruan at inilayo ito sa akin. Sobrang naiinis ako. Kung pwede lang sanang sakalin ang lalaking ito. For sure, ginamitan na naman niya ng charms ang manager na ito. Yuck lang. Nang mabayaran ko na yung binili ko ay ipinabalot ko na ito sa isang birthday box at naiinis lang akong nakatingin sa lalaking nasa counter habang pumipito pito pa. May araw ka sa akin Macario. Lintik lang ang walang ganti. Tsk. Kulang pa yata sayo ang madurog ang pundasyon ng kabataan. Baka gusto mo pang mawalan ng sandatahan. Pwes, galitin mo ako at ibibigay ko ang gusto mo. Humanda ka. Pak. At nagulat ang nagbabalot ng regalo nang malakas kong ibinagsak ang kamay ko sa stainless na mesa. "Ayyy sorry. Mabigat talaga kamay ko," sabi ko sa babae at ngumiti lang siya. Maya maya ay tumabi siya sa akin. "Miss, pabalot nga rin ito. Yung mas maganda kaysa diyan," itinuro niya yung sa regalo ko. Nangiinsulto na ba siya? "Sir, iisang style lang po kasi ang pagbabalot namin. Pero kung gusto niyo po ay ibang paper ang gagamitin natin," suhestyon ng babae. "Miss, bakit sakin kanina, hindi mo sinabing pwedeng ibang paper ang gagamitin?" naiinis kong tanong. "Ma'am, hindi naman po kasi kayo nagtanong at nagsabi," kalmadong sagot niya. “Sana naman nagsuggest ka sa kaniya miss para naman hindi gaanong magselos itong si ma’am,” saka niya ako inakbayan. Wooohh. Breathe Kristine. Breathe. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya saka ngumiti na puno ng kaplastikan. Ayaw ko na talagang magalit kaya hindi na ako umimik pa. Kahit tinitingnan ako ni Macky ay ayaw ko nang lumingon dahil para makaiwas na ako sa bangayan. Nang matapos na akong magpabalot ng binili kong laruan ay hindi na ako umimik pa saka naglakad palabras ng mall. Ready na rin akong umuwi dahil ito lang naman talaga ang sadya ko dito sa bayan. Mamayang hapon pa naman kaya may time pa ako mag-ayos ng kaunti sa bahay at magpahinga ng saglit. Pumila na ako sa sakayan ng tricycle. Mainit kaya medyo nakadagdag pa ang panahon sa inis ko. Hinga, Kristine. Relax. May araw din iyong labanos na iyon. After ten minutes ay nakasakay na rin ako pauwi sa Calle Adonis. Iniligay ko muna sa sofa ang binili ko at naupo saglit. Magtatanghalian na pala kaya maya maya ay magluluto na rin ako. HINDI na rin ako nakagawa sa bahay. Balak ko sanang ibrush ang mga tiles at imop ito para magmukha ulit bago. Pero pagkatapos kong kumain ay inantok na ako. Kaya mula sa sofa ay ihiniga ko ang katawan ko at natulog. Nagising ako sa mahahabang katok ng sa labas. Shocks. May lakad nga pala ako. Dali dali akong tumakbo papuntang pinto para pagbuksan ang nasal abas. Si Kyla. “Sis, tara na,” yaya niya. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan ko ay mag aalas tres na pala. “Sis, maliligo lang ako at magbibihis. Nakatulog kasi ako,” sabi ko. “Oh My. Paunahin ko na si Kuya. Isasakay pa man din sana niya tayo,” aniya. Tinanaw ko naman ang lumang sasakyan na kinalululanan ng kuya niya. “Malapit lang naman yata diba?” tanong ko. “Oo, kaso ang init. Baka hindi mo keri,” aniya. “Kayang kaya ko. Sige na paunahin mo na siya,” “Sige, maligo ka na at ako na bahala sa kanya,” “Sige.” Three Twenty Three ay naglalakad na kami ni Kyla papunta sa bahay nila Ruby kung saan gaganapin ang birthday. Mula sa malaking manga ay nakikita namin ang mga nakapilang sasakyan at mga motor. Pumasok kami sa isang iskinita at mula doon ay nakita ko ang isang malaking Parachute tent sa isang maluwag na bakuran sa loob ng gate. Doon na siguro ang bahay nila. Maraming tao kaya hindi naman siguro ako masyadong mapapansin. Pumasok kami sa gate at mula doon ay nakita ko na ang mga magbabarkadang lalaki na nakaupo at nakaform pa ng circle sa gilid ng maluwag na bakuran. Buhat-buhat ni Mack yang batang nakabihis spiderrman at nagtatawanan silang kakwentuhan ito. “Kompleto nap ala ang tambay pogi,” sabi pa ni Kyla. Nakita kami ni Lara mula sa kinauupuan niya, katabi niya ang tatlong batang lalaki na ang hula ko ay mga anak niya. Sa hilera niya ay may mga taong mukhang mayayaman. Nginitian ko sila dahil baka magmukha akong suplada. Lumapit sa amin si lara. “Sis, kanina pa kami ditto. Pero mukhang maya maya ay mag-uumpisa na ang celebration. Hinihintay lang yata nla yung mga clown,” si Lara. “Huuyy, buti nakadalo ka,” maya maya ay sumulpot si Ruby mula sa aking likuran. “Buti nga kamo at ginising ako nitong si Kyla,” sabi ko. Iniabot ko sa kanya ang regalo ko. “Naku, mas maganda kung ikaw mismo ang magbigay sa kanya niyan,” suhestyon ni Ruby. “Tara,” yaya ni Kyla. ‘Naku, huwag na. Sayo ko na lang ibibigay,” tanggi ko. Hindi ko masabing ayaw kong Makita si Macky na ngayon ay buhat buhat ang bata. “Naku huwag ka nang mahiya sis. Para maipakilala ka rin naming tatlo sa mga kaibigan ng asawa naming dalawa ni Lara at kuya ni Kyla,” Ruby. Wala na akong maisagot kaya sumama na ako sa kanila. “Baby Baste,” tawag ni Ruby. Lumingon naman ang cute na bata sa mama niya at ngumiti. Ang cute cute. Kamukhang kamukha ng papa niya. “Oh andyan na pala si mama,” sabi ni macky. “Nana yang alam niyan,” komento ni Baste na ngayon ay tumatagay ng alak. “Huwag ka na naming masyado sa alak mahal, mamaya hindi pa tapos celebration ay tulog ka na agad,” si Ruby. “Leo ikaw rin,” si Lara. “Oh, paano ba iyan? Hindi na raw muna kami iinom sabi ng mga misis naming?” Baste. “Yes ma’am,” sumaludo pa si Leo sa aswa niya. “Yung mga wala pang asawa pwede pang uminom,” si Macky. Umirap naman ako sa kawalan. “Baby, may regalo pala sayo si Tita Kristine oh,” maya maya ay wika ni Ruby. Lumingon ang bata sa akin at kunwari ay nagkunot ng noo pero sa gilid ng mga labi ay may pinipigil na ngiti. “Ayy, sungit look na naman si baby,” pinisil ni Kyla ang pisngi nito. “Sumbong kita tatay to,” tinuro niya ang ama niya. “Shhh. Lab ka naman ni tita,” si Macky. “Baby oh. Gift ko sayo,” iniabot ko na sa kanya ang box. Inabot naman niya ito at tinitigan. Mukhang tuwang tuwa. “Oh, anong sasabihin mo kay tita? Ang ganda ng regalo niya oh,” si Macky na ngayon ay buhat pa rin ang bata. Nangiinis ba siya? “Tenku po tita, wavyuuu,” saka ito tumayo at inilapit ang mukha sa akin. “kikiss iyan,” sabi ni Ruby. Inilapit ko naman ang pisngi ko saka niya ito hinalikan. Hw sweet naman ng baby. “Very good. Paglaki mo damihan moa ng ikikiss mo ha,” si Macky. Huh. Mukhang chickboy. “Titiss?” tanong ng bata. “Kung anu ano tinuturo mo sa bata Macky,” saway ni Kyla. “Baby kay nanay ka na muna. Nahihirapan na si ninong oh,” maya maya ay binuhat na rin ito ni Ruby. “Pakilala niyo naman iyang kasama niyo ng prmal sa amin. Sa tindahan pa lang namin siya nakausap ng di gaano katagal eh,,” sabi ni Macky. Huh. Pretentious. “Ayy, oo nga pala. Siya si Kristine. Siya yung bagong nakatira diyan sa lumang bahay. Pulis siya kaya umayos kayo,” pakilala ni Lara sa akin. “Hi ma’am. Nathan nga pala,” lumapit pa ito at nakipagkamay sa akin. Ayaw ko namang mapahiya kaya kinamayan ko na rin. “Oh, Pareng Arc, may papalit na sayong siga ditto,” Macky. Siga? “Hindi naman yata siga si ma’am. Diba ma’am?” yung Arc naman ang nagsalita. “Mabait naman ako sa mabait,” may diin ang bawat salita ko. Ngumiti lang si Macky. “Eh di marami kang ipapaayos niyan sa bahay mo ma’am?’ tanong ng isang lalaking baby face at parang bata pa. Nakasuot ito ng malaking dilaw na t-shirt at above the knee shorts na bumagay sa kanya. “Oo nga eh. Isang buwan lang ay magrereport na ako sa Police Station kaya kailangan nang maayos asap,” wika ko. “Ito pong barkada namin ma’am. Magaling ito,” saka siya umakbay kay Macky. “Antayin mong siya mismo ang magsabi na ako ang kukunin niyang contractor brad. Nahihiya tuloy ako,” Macky. Kainis. “Syempre, pinagmamalaki ka namin kaya hayaan mo na akong ipakilala ka sa kaniya,” tinapik pa nito ang tuhod ng barkada. “Ah, ma’am, si Macky po. Diba magkakilala na kayo? Pero maganda pa rin na magkamayan kayo para naman pormal. Diba mga brad?” sabi pa nung pinakabata sa kanila. “Sige na ma’am. Mabait naman itong barkada namin. Pogi pa. Bagay kayo,” si Kiel. Saka sila nagkantyawan. “Uuyy, baka mahiya na niyan si ma’am. Shhhhtttt. Tigil na tigil na,” Baste. “Hindi ganito na lang. bilang bago naman si ma’am. Dito siya uupo kasama natin. Siyempre, kasama sila misis at Kyla para di siya ma out of place,” naglagay pa ng upuan si yung asawa ni Lara sa tabi ni Macky. Pasadya ba ito? Wala na akong magawa kaya tahimik lang akong naupo sa tabi niya. Wala rin siyang imik at biglang sumeryoso ang mukha. Mukhang nailing din siya kasi hindi mapakali ang paa niya sa paggalaw. Panay din ang lunok niya kaya taas baba ang adam’s apple niya. Shocks. Nakatitig ba ako sa kanya? “Bakit?” tanong niya bigla. “Ah wala,” umiwas ako. “Umiinom ka?” tanong niya. Bakit gusto ba niya akong lasingin? “Konti lang,” sagot ko. “Tagay ka,” alok niya. “Naku huwag ngayon,” tanggi ko. “Oh sige, mamaya?” aniya. “S-sige, mamaya,” ako. Naku ka Kristine, nahuhulog ka na yata sa bitag nito. Basta alak may balak. “HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUUU. HAPPY BIRTHDAY BASTEEE,” Sabay sabay na kanta at bati ng mga tao. Nakaupo pa rin ako sa kinauupuan ko habang tinitingnan ang pamilyang nasa harapan. May anim na palang anak ang mag-asawang Ruby at Baste. At ang ganda lang pagmasdan ng kanilang pamilya dahil ang cucute ng mga anak nila. Ang gwapo at ganda rin nilang mag-asawa kaya parang napakaganda lang sa mata. Mukhang mababait din ang mga anak nila dahil tahimik lang at marunong magmano sa lahat. Nang matapos ito ay kainan na. Nasa pila ako ng kainan nang may kumalabit sa akin. “Huyy, kinuhanan na kita ng pagkain mo sa loob. Maupo ka na,” si Macky. Pagtingin ko sa mesa namin ay may dalawa nang pagkain na nakalagay. Shocks. Siguro nga ay may balak ang lalaking ito. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. “S-salamat,” wika ko pagkaupo ko. “Bayad ko iyan sayo. Kinuha ko laruan mo eh,” saka siya sumubo. Hindi ako umimik. “Oo nga pala,” sabi niya saka uminom ng juice. Lumingon lang ako. “Bakante na ako bukas. Pwede ko nang umpisahang ayusin ang mga gamit sa bahay mo,” seryoso ang mukha niya. Totoo baa ng naririnig ko? “S-seryoso ka?” tanong ko. “Uhm-hmm,” tumango siya saka sumubo. “Bakit ayaw mo?” dagdag niya. “G-gusto. Sige, ganun na nga,” saka ako uminom ng juice. “Sige. Bukas maaga akong pupunta sa bahay mo,” Yun lang at hindi na ako nakafocus sa pagkain. Kanina, galit ako. Bakit ngayon kinikilig ako? Hindi ito pwede. Kristine, umayos ka. Thanks for reading guys.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD