"Kakaiba ang saya kapag kasama ang barkada. Hindi man sila perpekto pero pag kailangan ay laging andyan sila."
Kristine
"SABIHIN na lang natin na magkikita tayo bukas. Kaya kung ako sayo, paghandaan mo na lang,"
Paghandaan ko? Bakit ko paghahandaan? Feeling niya naman gustong gusto ko siyang makita.
Isinakay niya na sa sasakyan ang mga gamit at saka umalis.
Naiwan akong nakatingin lang sa paligid. Napakaganda naman talaga ng pagkakadisenyo ni Kyla sa mga halaman at mga bato sa bakuran ko. May mga pots, drift woods at mga bato. Mga luma na ang mga ito pero nagawan pa rin niya ng paraang maging maganda.
Pinicturan ko pa ang mga ito bago na pumasok sa loob.
Medyo umigi-igi na ako kaya nakapagluto na ako ng panghapunan ko.
Habang nagluluto mga bandang alas sais ay may kumatok muli sa pintuan.
Pagbukas ko ay nakita ko si Kyla na kasama si Lara. May dala-dalang mga chichirya at tinapay.
"Hi, busy ka?" tanong ni Kyla.
Close niya rin pala si Lara?
"Nagluluto lang ako. Ahm magkakilala kayo?" tanong ko.
"Ah. Yes naman. Asawa siya ng kaibigan ng kuya ko. And ipinaalam ko pa siya sa masungit niyang asawa para bisitahin ka," pumasok na si Kyla na feel at home pa.
"Hi. Nice to meet you again," bati ni Lara.
"Pasok ka sis," ako.
Para ko na rin silang mga kapatid na babae. Namiss ko tuloy ang ate at bunso naming babae.
"Anong niluluto mo?" feel at home lang si Kyla na binuksan pa ang kaserola na nasa kalan.
Habang si Lara ay nasa tabi ko.
"Wow, adobong manok. Ang sarap ha?" tinikman niya ang luto ko.
"Patikim sis," lumapit si Lara.
At tumilkhim na rin.
Natatawa ako sa kanila.
"Nandito kami para kilalanin ka. Ikaw kung dito na rin kami kakain para may kasama ka," naupo si Kyla sa silya at nagbukas ng chichirya.
"Okay ako diyan," excited pa si Lara.
Wow. Mas nagugustuhan ko ito. Sila ang mga unang makikilala ko dito sa Calle Adonis. At napakasarap lang sa feeling na sila pa mismo ang lumalapit sa baguhang katulad ko.
"So ilang taon ka na ulit?" si Kyla.
Napakadaldal ni Kyla pero may sense at sakto lang sa mga ideal friends ko.
"Twenty Four na ako," sagot ko.
"Ate mo ako. I am 29 na pero hindi naman tayo nagkakalayo sa mukha," siya sabay kumain ng chichirya.
"Ako 28 na ako," sabad ni Lara.
Shocks. Mga ate ko na pala ang mga ito.
"Gosh. Akala ko nasa 21 ka lang," wika ko kay Lara na ikinagulat niya.
"Maooffend talaga ako kapag sinabi mong 16 lang ako," natawa siya.
Maliit kasi siyang babae at mukha pa talaga siyang bata bukod sa height niya.
"So, may jowa?" tanong ni Kyla.
Hot seat?
Napalapit naman si Lara at mukhang interesado talagang malaman ang sagot ko.
"W-wala pa," sagot ko.
"Pero nagkajowa?" si Lara.
"Oo naman. Akala niyo sakin?" natatawa ako.
"Virgin?" nagulat ako sa tanong ni Kyla.
"Ano sa palagay niyo?" tanong ko.
"Ikaw Lara, ano sa palagay mo?" tanong ni Kyla sa kanya.
Umiling lang si Lara.
Hah? Mukha na ba akong disvirgin sa kanila?
"Hoy ha.. anong nasa isip niyo?" tanong ko.
"Mukha ka ngang walang ayuda ng abono girl," umiiling ulit si Lara.
"Abono?" tanong ko.
"Abono sis. Pataba, bitamina ng gulay, like petchay," sabad ni Kyla.
"Nilalagyan ba ng abono ang petchay?" takang tanong ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Tsk.Tsk.Tsk. Tagtuyot sa lupain niyo girl," sabay na sabay nilang sabi saka umiling.
Hindi ko sila maintindihan.
"Hayaan mo na. Hindi ka matutuyo dito sis. Kami bahala," ani Lara.
"Si Macky na nga gusto ko para sa kanya eh," sabi naman ni Kyla.
Anong pinagsasabi nila?
"Naku sis, hindi ka na lugi. Hindi na magbabara ang tubo pag si Macky ang kumalikot," kinurot pa ako ni Kyla.
Nagtawanan sila ni Lara.
Huwaattt?
Maya maya ay may kumatok na naman sa pintuan.
Agad akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok.
"Sino po sila?" tanong ko sa lalaking nakasando ng itim at nakakatakot kung tumitig.
"Andiyan ba si Lara?" tanong niya.
"Ah oo andito nga. Halika pasok ka na muna," pag-anyaya ko.
"Hindi na. Nagmamadali kasi ako," aniya.
"Tawagin ko na lang," ako.
Nang matawag ko si Lara ma masayang nagkekwentuhan kasama si Kyla sa aking kusina ay nagtungo kaming tatlo sa kinaroroonan ng lalake. Ayaw pumasok kaya nasa pintuan lang.
"Kanina ka pa hinihintay ng mga bata," masungit niyang tawag sa asawa niya.
"Nagpaalam naman ako sayo diba?" si Lara.
"Syempre akala ko madali ka lang. Uwi na," yung lalaki.
Abah. Pinauuwi ang asawa.
"Nakakahiya ka naman," saway ni Lara sa asawa.
"Sorry miss ha? Nagwawala na kasi yung Jr. ko. Kailangan niya nang makita ang nanay niya," ngumiti naman ng bahagya ang lalaki.
Jr. Niya? Akala ko may ibang jr. pa na nagwawala bukod sa anak nila.
"Ahh. Okay lang," ako.
"Naku sis, sabay na ako kay Lara. Gabi na rin kasi. Sunduin ka na lang namin bukas para za birthday ni Baby Baste," si Kyla.
" Sige. Salamat ha? Balik kayo," sabi ko naman saka sila inihatid sa labas.
Nakaakbay pa ang lalaki kay Lara. Ang sweet ha? Pagkatapos sungitan?
"Sjge ha. See you tomorrow," kumaway pa sila pagkasabi nito ni Kyla.
Kumaway na lang din ako at nagsara ng gate.
Agad na rin akong pumasok.
Macky
NASA tindahan ang mga barkada ko at ako ngayon ang nasa loob at nagbabantay. Kita naman nila ako mula sa loob dahil wala namang tabing na screen ang bilihan kaya malaya lang akong nakikipagkwentuhan sa kanila.
"Oh bukas birthday ng inaanak natin. Anong balak niyo?" tanong ni Kiel sa amin.
Wala pa si Leo pero naguusap na kami. Hinayaan na lang din naming wala si Baste dahil alam naming abala siya para bukas.
"Brad, paano kung mag-order na lang tayo ng letson tapos isang malaking cake?" Nathan.
"Kaunti lang ambag ko ha? Wala pa akong pera ngayon," si Amir habang tumutungga ng beer.
"Mahina ba bentahan ngayon?" inakbayan siya ni Arc.
"Gago. Hindi ko naman business ang pamamakla. Sila tong lumalapit at nagbibigay. Mabait lang ako kaya pinagbibigyan ko lang," Amir.
"Ano namang naibigay mo pabalik?" natatawang tanong ko.
"Pagkakaibigan," saka niya sinuklay ng mga daliri niya ang buhok niyang medyo mahaba na.
"Tarantado kayo. Kung anu-anong iniisip niyo. Sa babae ko lang ito gagamitin. Tsk," sabay turo niya pa sa junior niya.
"May sinabi ba kaming iba?" si Kiel.
"Sige na. Balik na sa usapan," ani Arc.
"Sige, okay na ako sa letson at cake. Tapos inuman na lang tayo sa gabi. Sagot ko na," sabi ko pa.
"Yoowwnnn.. Sige. Kokontakin ko na si Leo baka sakaling ilibre niya na rin ang cake," inilabas ni Nathan ang cellphone at tatawagan ang isa pa naming barkada.
"Oh, ito na pala yung tatawagan mo brad," sabad ni Arc na tumukoy kay Leo na ngayon ay naglalakad galing kung saan.
Kasama niya ang misis niya at ang kapatid ni Kiel.
"Saan kayo galing?" tanong ni Kiel sa kapatid.
"Ah, kay Kristine. Dinalawa lang namin. Mabait siya ha?" pagbibid niya.
Huh. Mabait? Mabait ba yung nandudurog ng betl.... naalala ko na naman.
"Mukhang amazona pero mabait talaga siya. Tanong niyo pa kay Macky," yung bibig talaga ni Kyla ang sarap sabuyan ng asido. Matabil.
"Di mo naman nasabi brad na nauna ka na palang nagpakilala," alam kong may halong pangaasar si Nathan.
"Ingat ka lang tol baka ikaw maputukan," nakangiti pa tong gagong Amir na ito.
"Pre, una na kami. Nagaalburoto na naman si Leo sa bahay," paalam ni Leo.
"Teka pre. May sasabihin sana kami," Arc.
"Ano iyon?"
"Pwedeng magsponsor tayo ng cake kay Baste Jr.?" Arc.
"Sagot ko na. Pinagagawa ko na nga sa mga tauhan," aniya.
"Ayos. So dapat doblehin na natin ang order natin na letson," si Kiel.
Hapon pa gagawin ang celebration kaya may oras pa kaming gumawa sa mga trabaho namin. Si Kiel na lang din ang bahalang kumuha ng letson at saka namin sabay sabay na dadalhin bukas sa bahay nila Baste ng mga bandang alas tres ng hapon.
Hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa birthday ng bata kaya balak kong pumunta bukas sa mga tindahan ng laruan sa mall. Mas marami akong mapagpipilian doon.
KINAUMAGAHAN ay nagpunta muna ako sa pwesto ni Kyla para ikabit ang kanyang bagong dating na tangke ng tubig.
Mabilis ko namang natapos lahat kaya umuwi na rin ako kaagad. Eksakto namang may pinabibili si nanay na mga grocery items kaya pagkakape ko ay pinaandar ko na ang sasakyan at saka ako nagtungo sa bayan.
Nakalista na lahat ng grocery items at iiwan ko na lang ito sa tindera sa pinamimilihan niyang grocery store. Babalikan ko na lang mamaya.
Saka ako nagtungo sa mall para mamili ng regalo. Pagkapasok ko sa tindahan ng mga laruan ay hinanap ko kaagad ang mga laruang panlakaki.
Mahilig sumama si Baby Baste sa tatay niya sa mga lakad nito dahil gustung gusto niyang sumakay ng kotse.
Kaya naisip kong kotse-kotsehan na lang ang bibilhin kong panregalo.
Naglakad sa pagitan ng mga stante at hinanap ang mga kotse-kotsehan. Nakafocus ako sa pagtitig sa mga laruan at nakaagaw pansin sa akin ang isang kulay itim at nangingintab na kotse. Para itong tunay na kotse pero pinaliit lang.
Agad ko itong dinampot pero bago ko ito makuha ay nagkabungguan ang kamay ko at ang kamay ng kung sino.
Tsk. Si Kristine.
Nagkatinginan kaming dalawa at walang anu-ano'y bigla kong dinampot ang kotse-kotsehan at maging siya ay nagmadali rin para damputin ito. Ang naging resulta ay nagkauntugan kaming dalawa.
Aaaww... Sapo ko ang noo ko. Ang tigas ng ulo ng babaeng ito.
Hawak niya ang laruan.
"Hooy, ako ang unang nakakita niyan," sabi ko sabay turo sa laruan.
"Eh ako ang unang nakakuha," sabi pa niya habang hinihimas ang noo niya.
"Akin na yan," humakbang ako papalapit para agawin iyon.
"Sa akin na ito. Ako ang nakakuha," inilagay niya ito sa dibdib niya at niyakap.
Pabalik balik ang mga kamay ko sa parteng iyon at nagdadalawang isip kung hahablutin ko ba ang laruan mula sa dibdib niya o baka iba ang mahablot ko.
Tsk. Kainis.
"Wait lang ha. Ang pagkakaalam ko kasi, ako ang unang nakakita niyan. Ako ang unang kukuha pero bigla kang sumulpot," nameywang ako sa harapan niya.
"Ang tanong dito ay kung sino ba ang unang nakakuha?" tumindig pa siya ng husto para paglabanan ang mga kilos ko.
Anak ng Pu...lis Patola.
"Akin na iyan. Pag di mo pa binigay sa akin iyan aagawin ko talaga iyan sayo ngayon dito," itinuro ko pa siya.
"Give up na kasi Macky. Ako na nga ang unang nakakuha kukunin mo pa," umiwas na siya.
Maya-maya mula sa likuran ko ay sumulpot ang isang sales lady.
"Miss, may stock pa ba kayo nung hawak niyang laruan? Kahit ibang kulay na. Tapos yung mas malaki," tanong ko sa sales lady.
"Pwede pong patingin ng item?" tanong ng sales lady.
Halos ayaw ibigay ni Kristine ang laruan.
"Miss, akin na ito ha? Huwag mong ibibigay sa kanya," paalala niya sa sales lady.
"Check ko lang po kung may kagaya pa ito at kung may iba pa kaming stock," paalam nito.
Saka kami nagkatinginan.
"Alam mo, naniniwala na talaga akong sinusundan mo ako eh," naiinis kong baling sa kanya.
"At naniniwala na rin ako na kahit saan ako pumunta ay nandun ka," aniya.
Abah at ayaw pang umamin.
"Kung may gusto ka sa akin, sabihin mo na. Kaysa nauuna pang umamin yang mga galawan mo Uyy," umiwas ako ng tingin.
"Excuse me? Ako may gusto sayo? Huh. Hindi nga ako kinilabutan," natatawa pa siya saka humawak sa isang laruan at binusisi ito.
"Ahhh. Kaya pala sa terminal palang ng bus ay tingin ka na ng tingin sa akin. Sa may pila, sa may poste, pag-akyat ko ng bus hanggang sa makaupo na ako. Sige, sabihin na nating wala kang gusto sa akin. Pero bakit ka laging nakatingin?" binuking ko na siya.
Lumaki naman ang mata niya saka nautal-utal.
"A-anong... anong sa-sabi mo?" aniya.
"Ngayon nagulat ka kasi alam ko? Hindi mo nga kamag-anak yung kinawayan mo sa labas ng bus eh. Nahuli lang kita kaya ka kumaway," mas lumapit ako sa kanya pero umatras siya.
"Hoyyy, huwag ka ngang feeling diyan. Baka hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo ngayon dito," pagbabanta niya.
"Anong gagawin mo? Gagawin mo na namang scrambled yung eggs ko?" mas lumapit ako sa kanya pero mas pinaghandaan ko ang posibleng pag-atake niya sa birdy ko.
"Hindi lang scrambled pag nagkataon," tumaas pa ang kilay niya.
"Ano pa bang kaya mong gawin?" dahan dahan akong lumapit sa kanya.
Umiiwas siya sa mga tingin ko sa kanya sa mata.
"Wala ka nang maisagot? Baka naman kasi may iba ka pang gustong gawin sa may ibaba ko kaya pinagdidiskitahan mo iyon," inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
Napapikit naman siya.
Tsk. Anong iniisip niya? Na hahalikan ko siya? Huh. Untog ko pa siya sa biceps ko.
"Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo kapag humakbang ka pa ng isa," banta niya kaya tumigil ako.
"Bakit? Anong tinatago mo?"
"Baka hindi mo alam na black belter ako at may alam ako sa martial arts. Isang iglap tulog ka na dito mismo sa sahig," ngayon ay nakamulat na ang mga mata niya at sinusukat ang tatag ng mga titig ko sa kanya.
Huh. Sino tinakot ng Patolang ito?
"Tsss. Huh. Huwag mo akong takutin sa martial arts talent mo. Baka hambalusin kita ng mga ngiti ko," saka ako ngumit at kumindat sa kanya.
Agad siyang pinamulahan ng pisngi.
Akala ko ba black belter? Bakit ngayon mukhang pinalo ng belt ang pisngi niya sa sobrang pula?
Huh. Ewan.
Follow me to be updated sa mga new chapters.