"Anong luto ng itlog ang paborito mo?"
Macky
LINTIK. Hindi pa nababate ang itlog ay nadurog na. Kapag nagkataon ay may scrambled eggs na ako.
TSK.
Nanghina ako doon ah. Kailangan kong ipaghiganti ang aking birdy. Palagay ko ay nalamog na iyon dahil sa pagkakatuhod niya.
Kaawa-awa naman ito. Kung pwede ko lang ipahilot para mawala yung sakit ay ginawa ko na. Pero baka mas malamog.
Tsk. May araw ka sa aking Pulis Patola ka. Kung ito nalanta at ayaw na ulit mabuhay... naku, sisiguraduhin kong walang magaganap na kahit anong ritwal sa bukana ng Limasawa. Kahit si Magellan ay hindi magagawang sumamba at magdaos ng misa sa lugar na iyon dahil ako na mismo ang mananakop at magsasara na ito sa oras na ako na ang bumara. Kaya't kung ako sa kanya, ingatan niya ang Limasawa. Huwag na huwag niyang palalapitin ito sa akin dahil baka maghiganti ang KKK (Kalakilakihang Kagalinggalingang Kawatan) at limasin ang kanyang kayamanan.
Pag-uwi ko ay agad nagtanong si nanay kung may nakuha akong gasul.
"Nak, may gasul ka bang nakuha?"
"Nay, wala raw pong deliver ang ahente," sagot ko.
"Ano ba iyan anak. Parang naluslos ka naman sa paglalakad mo," siya.
Masakit pa rin kasi ang pakiramdam ko at nahihirapan akong maglakad. Lintik.
"Ah wala po ito," saka ko inayos ang paglalakad ko kahit mahirap.
"Paano kaya anak. Kawawa naman yung nag-order ng gasul sa akin. Yung bagong lipat diyan sa bahay sa kanto. Baka walang gamitin ngayong panluto," si nanay talaga napakamaawain.
"Hayaan niyo na po. Ibalik niyo na lang yung bayad," sabi ko habang nagbubuhat ng mga pinamili kong grocery.
Pagkagaling ko kasi sa trabaho ay nag-utos si nanay na mamili sa bayan. Hinding hindi ko siya kayang tanggihan kaya sumunod ako.
"Nak, diba may gasul pa tayo sa hardware. Hindi pa naman nagagamit iyon. Wala naman nagluluto doon. Baka pwedeng iyon muna ang dalhin mo sa kanya," request niya.
"Nay naman. Personal na natin iyon," ako.
"Eh nakakaawa naman yung babae. Saka maganda siya kahit maikli ang buhok. Sige na puntahan mo na yung hardware at dalhin mo na sa kanya deretso yung gasul," aniya.
Haaayyy. Hindi talaga tumitigil si nanay sa pagrereto ng mga babae sa akin. Alam niya namang wala akong panahon ngayon sa mga ganyan. Hindi na mabilang ang mga nirereto niya sa akin. Yung iba pinagbibigyan ko na lang ng date pero hindi ko na inuulit. Nahihiya lang talaga akong dedmahin.
"Sige na anak. Ayaw ko lang mapahiya tayo sa bagong taga sa atin," si nanay.
Mahal ko si nanay kaya ayaw ko siyang napapahiya o hindi nasusunod.
Kaya kahit ayaw kong pumunta sa bahay na iyon ay gagawin ko na lang.
Pagkababa ko ng lahat ng pinamili ay pinaandar kong muli ang pick up. Medyo luma na ito dahil gamit pa ito dati ni tatay. Pero maganda pa rin at maayos ang makina kaya ayaw kong ipabenta.
Nagtungo na ako sa hardware at nagbukas ako nito. Deretso ako agad sa kusina at tinanggal ang hose mula sa gasul.
Hindi pa ito nagagamit kaya pwede na rin namang ipamalit sa benta.
Saka ko ito inilagay sa likod ng sasakyan at saka ako pumasok sa sasakyan at nagtungo sa bahay ni Pulis Patola. Malapit lang naman iyon kaya saglit lang.
Binuhat ko ang gasul at naglakad na papasok sa bukas niyang gate. Kumatok ako sa pintuan niya.
Lintik. Ang bigat nito at antagal pa niyang magbukas ng pinto.
Makalipas ang ilang saglit ay bahagya niyang binuksan ang pintuan at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Ano, hindi mo ba ko papapasukin?" naiinis kong tanong. Ambigat ng dala ko.
Binuksan niya ng maluwag ang pintuan saka ako pumasok.
Dumiretso ako sa kusina saka ko inilapag ang gasul sa tabi ng gas stove. Sabi ni nanay ako na rin daw magkabit. Sige. Okay lang.
Baka kasi tanungin pa iyon ni nanay sa kanya kaya gagawin ko na lang.
"Kaya ko na iyan," sabi niya.
Ano pa bang kaya niya bukod sa mandurog ng bay---este itlog ng ibon?
"Hindi pwedeng basta basta ang pagkakabit mo nito. Dahil sa akin itong tangke. Gamit ko ito sa hardware. Inutusan lang ako ni nanay na kunin ko ito at pakargahan para may magamit ka. Kung hindi lang dahil sa kanya ay hindi ko gagawin ito," salaysay ko.
Wala siyang maisagot kaya nagpatuloy ako.
"Akala ko darating ang stocks niyo," umirap siya. Iyon ang pinakaayaw ko sa lahat.
"Naubusan kanina sa bayan kaya wala akong naiuwi," binalewala ko lang ang ginawa niya.
Pagkatapos ay ipinwesto ko na maigi ang gasul saka ko ito binuksan at nang may makitang apoy ay pinatay ko na ulit at isinara ang gasul.
"Huwag mo panatilihing open ito para iwas sunog," bilin ko.
"Tsss. Alam ko naman iyon," sabi niya.
"Okay," saka ako naglakad paalis.
"Wait lang," tawag niya.
Lumingon ako ng bahagya.
"S-salamat," abah. Marunong palang magpasalamat.
Saka ako naglakad paalis pero bago iyon ay tinawag niya ako sa buong pangalan ko.
"Macario," nagulat ako.
Lumingon akong muli.
"Sorry nga pala,"
Sorry? Maibabalik ba ng sorry niya kung durug durog na ang pundasyon ng kabataan sa parteng iyon?
Unti unti akong ngumiti at nagthumbs up pa sa kanya. Akala niya yun na yun.
Pero nabawi iyon nang unti unti kong ginawang thumbs down ang kamay ko at sumimangot sa kanya.
Saka ako umalis at padabog na isinara ang pintuan niya.
Sorry sorry. Huh. Swerte mo
lang pagod ako. Kundi, sa mesang oyon mismo malilimas ang kayamanan ng Limasawa.
Kristine
NAGUIGUILTY ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Feeling ko kasi talaga ay mabait siya. Pilit ko lang kasing pinaglalabanan yung pride ko.
At mama's boy ang loko. Masunirin din sa nanay kaya plus point. Teka, nagpapapogi ba siya? Well, pogi na siya dati.
I am so thankful dahil at last makakaluto na ako.
Magluluto ako ng tinolang manok dahil isa ito sa mga alam kong lutuin bukod sa adobo.
Kumain na rin ako pagkatapos.
PINAGMASDAN ko ang paligid ng bahay. May mga nakasabit na frames na luma. May mga cross stitch din. May TV na malaki at pinaglumaan na ng panahon. Katabi nito ang isang cassette. Nasa tapat nito ang malambot na sofa at round table.
Makikita sa bahay ang kalumaan nito. Madilim ang kulay ng ilaw sa may semi chandelier sa sala kaya medyo madilim doon. Pinalitan ko na rin kanina ang bumbilya sa kusina para maliwanag.
Hindi ako matatakutin kahit na parang pakiramdam ko ay may multo dito pero nagpulis pa ako kung sa multo ay matatakot ako.
Pagkatapos kong kumain ay saka ako naghugas ng pinagkainan. Nagdouble lock ako ng pinto saka ako pumasok sa kwarto ko.
Pagkashower ko ay nahiga na ako sa kama at nagpatay ng ilaw. Hindi masyadong madilim dahil umiilaw ang mga led lights sa kisame na may shapes na stars and moon.
Nagbrowse muna ako sa f*******: hanggang sa makatulugan ko na ang pagsecellphone.
Kinabukasan ay nagising ang buong pagkatao ko nang magmulat ako ng mga mata ko at makita face to face ang brown na pusa sa tabi ng unan ko.
"Meoooww,"
Agad akong napaatras at nahulog sa kama.
"Arrraayyy kkoo," hawak ko ang bewang ko.
Bakit may pusa dito?
Mukha namang maamo kaya hinayaan ko na lang. Pero nagulat talaga ako.
Tumayo na ako at naglakad pabalik sa kama para ayusin ang higaan.
"Muning... alis na diyan. Aayusin ko na ang higaan," taboy ko.
"Meowww,"
"Sige na Muning alis na," ako.
Biglang tumalon ang pusa na agad kong ikinagulat. Naglingkis ito ng balat sa paa ko. Sign na naglalambing.
Hhhmmmm. Kanino kayang pusa ito?
Sige aampunin na lang kita para naman may kasama ako dito sa bahay.
Pagkaayos ko ng kwarto ko ay lumabas na ako at nagpainit ng tubig.
Sanay akong hindi nag-aalmusal at kape lang minsan at biscuit ang kinakain ko.
Naglabas ako ng Fita at nagtimpla ng kape.
So ang nasa TO DO LIST ko ngayon ay mamimili ng mga itatanim sa harapan. Para naman mag glow ang paligid at hindi puro d**o lang ang nakikita ko.
Kaya pagkakape ko ay nagligo na ako at naghanda para sa pagpunta sa Kyla's Garden.
Naglakad lang ako dahil malapit lang naman. May mga iilang kabahayan ang nalalagpasan ko at may mga taong nakatingin sa akin at nakangiti.
Mukhang mababait naman ang mga taga dito.
Nang marating ko ang Kyla's Garden ay naabutan kong naglalagay ng mga galon ng tubig sa may padyak ang lalaking medyo may kalakihan ang pangangatawan. Well, nice body built ha.
Siya siguro yung may-ari ng water station.
"Good morning ma'am. Anong hanap niyo?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang puting bimpo.
"Ah.. titingin sana ako ng mga halaman," sabi ko.
"Pili ka na lang po diyan. May mag aassist naman diyan na caretaker. Wala kasi si Kyla, nasa bayan," baritono ang boses niya at bagay na bagay sa kanya.
Cute din ha?
"Sige po. Salamat," ako.
"Ikaw po ba yung nakatira sa lumang bahay?" tanong niya.
Napakaliit ng baryo na ito at napakabilis lang kumalat ng balita.
"Ah. Ako nga po," ngumiti ako.
"Naku, mukhang marami kang ipapaayos sa bahay na iyon ah," sabi niya saka naglagay muli ng tubig sa sidecar ng padyak.
"Marami rami rin naman. Kaya inaapura ko ngang masimulan na," nakipag-usap na rin ako.
"May kaibigan akong marunong sa lahat ng bagay na kailangan mo," aniya.
Teka. Baka si Macky na naman.
"Ahm. Mukhang kilala ko na," nakangiti ako.
"Si Macky? Kilala mo na si Macario?" tanong niya.
Tama nga ako. Siya na lang ba talaga ang magaling dito?
"Ah Oo," ako.
"Nasabi mo na ba sa kanya?" tanong niya.
"Hindi na," kako.
"Ayun siya oh. Teka tawagin ko," saka siya naglakad papuntang garden.
Tsk. Kainis naman.
Naghanap ako ng mapagtataguan.
Nakita ko ang mga nakakamadang fertilizer sa tabi ko saka ako naupo sa baba.
Sana huwag na siyang pumunta dito.
Maya maya ay naramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa itaas.
Tumingala ako.
"Huyyy. Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya.
Kainis naman.
Nakita ko ang signage ng Fertilizer sa gilid at may nakalagay doon na benefits niya sa halaman.
"Ahm ako? Nagbabasa ako dito. Ang galing. Very informative," tinapik ko pa ang signage.
"Hinahanap mo raw ako?" tanong niya.
"Ah hindi ah. Hindi kita hinahanap," tanggi ko.
"So, sinusundan," siya.
"Hindi rin," ako.
"Sige na. May gagawin pa kasi akong makina sa garden. Una na ako," siya.
"Okay," sabi ko na nakaupo pa rin sa baba.
"Oo nga pala, happy reading," bumalik siya at ngumiti.
Tssss. Sa inis ko ay nasuntok ko ang signage at ako ang nasaktan.
"Aray kooo,"
Tumayo na ako at hinipan ang kamay ko.
Saka ako naglakad papuntang garden.
Maraming magagandang halaman sa kanyang garden at alagang alaga ang mga ito sa mga caretakers ng may-ari.
Nakapili na ako ng mga halaman at nakatutuwa lang na may sariling cart ang mga namimili para hindi mahirapan.
Nang papalapit na ako sa may dulo ay nakita ko si Macky na kasalukuyang nag-aayos ng makina ng patubig nila sa halamanan.
Kitang kita ko kung gaano siya kaeksperto sa ginagawa niya. Parang mani lang sa kanya ang lahat.
Maya maya ay may tumabi sa akin na babae.
"Si Macky? Childhood crush ko iyan. Napakabait at responsable. Yun nga lang sobrang seloso ang asawa," sabi ng babae na kamukha nung lalaki kanina sa tapat. Siguro ito yung may-ari.
"May asawa na siya?" tanong ko.
"Oo. Yung work niya. Iyon ang asawa niya," natatawa pa siya.
Di ako nakapagsalita.
"Sabi nila, mahirap daw kakompitensya sa lalaki ang kanilang trabaho dahil 100% silang nakafocus sa ginagawa nila," dagdag pa niya.
"Oo nga pala. Ako si Kyla, may ari nitong garden," pagpapakilala niya.
"Ahh.. Ako si Kristine," ako.
"Ikaw yung bagong nakatira sa lumang bahay?" tanong niya.
And hindi na ako magtataka kung bakit niya alam. Madaling kumalat ang balita dito.
"Opo," natawa lang ako.
"Welcome sa Calle Adonis. Mababait naman ang mga tao dito. Is na don ang kuya ko na 2 years nang naghihintay sa missing jowa niya," sabi pa niya.
Pansin ko nga mabait talaga sila.
"Ang gaganda ng mga halaman mo ha?" ako.
"Salamat. Grabe ang dami kong gastos dito. Anyway, magmemake over ka ba ng bakuran mo? Want me to help? Greenthumb ako," aniya.
Mukhang makakahanap ako ng kaibigan ah.
"Baka maabala kita," nahihiya pa ako.
"Hindi naman. Kailan ka ba mag-uumpisa?" tanong niya.
"Bukas," sabi ko.
"Okay. Bukas ng maaga.. andun na ako," excited pa siya.
And finally, nakahanap ako ng bagong kaibigan.
"Macky, patulong naman dito. Hindi na yata maitulak ni Kristine ang cart," utos ni Kyla.
Shocks nagulat pa ako.
Biglang naglakad palapit si Macky at tumabi sa akin.
"Pakiramdam ko talaga, sinusundan mo ako. Huli ka na. Pulis Patola," saka niya itinulak ang cart.
"Uh-Ow. Mayroon ba akong di alam?" tanong ni Kyla.
Nagkibit balikat lang ako.
Please follow me and the story.
Thank you.