Chapter Three

2109 Words
"Naranasan mo na bang humingi ng tulong sa taong iniiwasan mo?" Kristine HINDI ako makapaniwala na napagkaisahan ako ng mga tao sa Calle Adonis. "Ano ulit ang sabi mo?" tanong ko. "Ako si Macky. Macario ang tunay kong pangalan at ako ang pinapunta ni Pareng Baste dito para ayusin ang lahat ng maaayos sa bahay mo," nakangiti pa siya. "Excuse me. Baka nagkakamali ka. Or baka naman nagbibiro ka lang kasi kung nagbibiro ka ay sasakit talaga ang tiyan ko sa katatawa," sabi ko pa. "Ma'am, mahalaga ang bawat segundo ng oras ko dahil maraming nagpapaschedule sa akin at napagbigyan lang kit dahil bago ka dito," wika niya. "Ako rin. Mahalaga ang oras ko dahil in a month ay magtatrabaho na ako," tugon ko. "Okay. So kung ayaw mo sa serbisyo ko ay aalis na ako at pupunta na sa nakapilang trabaho ko. Sana lang ay makahanap ka ng aayos sa bahay mo,"kumaway pa siya at nginitian ako. Well, hindi ako bitter kaya ngumiti rin ako s kanya. Isinara ko na ang pinto saka ako sumandal dito. Gosh. Hindi man lang kasi ako nagtanong. Yung sinasabi pala ng matanda kahapon sa hardware at nirecommend nung poging driver ay iisa. Shems. Ang boba ko talaga. Anyway, nakaset ang mind ko ngayon sa paglilista ng mga parte ng bahay ko na kailangang maayos at mga gamit na kailangan kong bilhin. Inubos ko na ang kape ko. Hindi ako masyadong nag-aalmusal kaya hindi na ako nag-abala pa. Magmemeryenda na lang ako sa labas mamaya. Binuksan ko ang sink ng gripo at biglang nasira ang handle nito at naputol. Buti na lang at hindu nabuksan kung hindi ay magkakalat ng tubig ngayon dito sa kusina. Hmmm. Sige, ipapaayos ko rin itong lababo. Balak kong mamili ng mga kitchen utensils dahil wala ako nito kaya inilista ko na ang mga ito sa papel. Palagay ko ay kailangan ding ayusin ang wirings dahil matagal ding hindi natirahan ang bahay na ito. Baka may mga open wires na. Chineck ko ang mga bintana at may nga iilang hindi na mabuksan dahil sa kalawang at may mga basag na ring salamin. Okay nakalagay na sa listahan. Gusto ko ring palitan ang wallings dahil malapit nang masira ang mga kahoy nito kaya inilista ko rin ito. Iyon lang ang maaabot ng aking small carpentry and mechanic idea kaya iyon lang ang nailista ko. Mamayang after lunch ako mamimili ng gasul, grocery at mga utensils ko kaya chill muna. Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala nang makaramdam ako ng gutom. Marami rami pang dapat ayusin sa bahay na ito kaya dapat talaga ay makahanap na ako ng mag-aayos. Okay. Lalabas ako para magmeryenda. Eksaktong magtatanung tanong na rin ako kung may kilala silang maaaring mag-ayos ng bahay ko. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko saka ako lumabas ng bahay. Nagalakad ako patungo sa may bakery para magmeryenda. "Pabili naman ng dalawang slice ng cassava cake at isang glass ng pineapple juice," nag-order na ako sa isang cute at maliit na babae. "Dito niyo po kakainin ma'am?" tanong niya. "Yeah," ako. Saka siya nag-abot ng number sa akin. Naupo ako sa harap ng table malapit sa may pintuan saka naghintay ng order ko. Wala naman masyadong customers kaya madali ring dumating ang order ko. Dala dala ito ng babaeng cute kanina. "Enjoy po ma'am," aniya. "Thanks. Ahm pwedeng magtanong?" ako. "Yes ma'am," "Taga dito ka ba?" "Hindi po. Pero matagal tagal na ako rito. Bakit po?" aniya. "May kakilala ka bang pwedeng maging contractor. Yung pwedeng mag-ayos ng bahay ko? Alam mo na, make over ganyan," tanong ko. "Ayyy. Meron po ma'am. Si Kuya Macky po. Kaibigan ng asawa ko. Yun pong bahay nila ay nandyan po oh. Yung tindahan po diyan. Sa kanila rin po yung hardware sa kanto," sabi niya. Iisa lang talaga ang tinutukoy nila. "Ahhh. Wala na bang iba?" ako. "Naku ma'am wala na ho. Kasi kung si Kuya Macky lang ay sapat na sa mga taga Calle Adonis. May mga kasamahan naman siya kaso siya ang boss nila. Idinedeploy niya sila sa mga trabaho kung nagkakasabay sabay ang requests sa kanya. Saka siya maghahouse to house. Kunwari ngayon sa isang bahay tapos bukas naman sa susunod. Ganun po," salaysay niya. Hmmmmm. So siya ang boss ng lahat ng mga manggawgawa dito? "Anyway, natanong ko lang. Baka kako may alam ka pang iba," sabi ko. "Bakit ma'am, hindi po ba kayo nakapagpaschedule? Gusto niyo po tulungan ko kayo?" pagboboluntaryo niya. Aawww. Ang bait niya naman. "Ahm actually kinansel ko na. Kasi mukhang marami siyang nakapilang trabaho," sabi ko not to mention ang mga nangyari before that. "Ayyy naku ma'am, sayang naman. Di bale, kakausapin ko na lang yung boyfriend ko para matulungan ka sa kanya. Magkaibigan kasi sila," sabi pa niya. "Naku huwag na. Nakakahiya naman," nag-inarte pa ako. "Wala iyon ma'am," sabi niya pa. "Thanks," ako. "Lara nga po pala. Saan po ang bahay niyo?" tanong niya. "Sa kanto lang. Yung lumang bahay doon. Tumira na kasi yung tita ko sa Canada na may-ari niyan kaya ako na ang tatao ngayon. Sayang naman kung mabubulok diba," sabi ko. "Ayyy opo. Nadadaanan ko po iyon. Old model pero mukhang maganda pag naayos," aniya. "Oo nga pala. Saan may malapit na bilihan ng mga halaman dito?" tanong ko. "Paglabas niyo po dito sa bakery at diyan sa iskinita, kumaliwa po kayo mula sa tindahan, deretso lang po hanggang sa marating niyo po iyong Kiel's Water station. Tapos sa tabi nun ang Kyla's Garden. Sa kapatid niya po iyon," aniya. "Sige salamat. Balak ko rin kasing magmake over ng harapan para magandang tingnan," sabi ko pa. "Maganda po iyan. Nakakaexcite mag garden," sabi pa niya. Natutuwa lang ako sa kanya. Pagkatapos kong magmeryenda ay bumalik na ako sa bahay. NAKIKITA ko pa lang ang mga kalat sa bahay at sa dami ng gagawin ay gusto ko na lang mag imagine na sa isang pitik ng kamay ko ay matapos na lahat ng pwedeng maayos. Nakakatamad. Naidlip na lang ako sa sofa at nagising din lang ako sa alarm ng phone ko ng eksaktong alas dos. ggggrrrooowwwkkkk. Haayyyy. Nagugutom na naman ako. Nagtoothbrush ako at nagsabon ng mukha. Saka ako nagshower at napalit ng damit. Pupunta ako sa bayan para mamili ng mga utensils at para kumain na rin. Wala naman masyadong pila sa kanto kaya nakasakay ako agad. Dumeretso ako sa fastfood chain at kumain ng kumain ng chicken. Nagkecrave ako kaya pinagbigyan ko ang sarili ko. Nagtake out din ako ng panghapunan para hindi na ako mamroblema. Pagkatapos ay pumunta na ako sa bilihan ng utensils. Kumuha ako ng cart saka nagsimulang maghanap ng kailangan ko. I need 12 pieces of each para naman hindi ako mahirapan pag may bisita. 12 pieces na platong babasagin. 12 pieces na baso 12 na kutsara 12 na tinidor Sige 6 lang na mugs. 6 na tason 6 na platito Tapos Knife Chopping Board Sandok Sansi Okay, nakaplano na lahat ang mga iyan sa utak ko. Nasa may section ako ng glass at namimili ako. Hinawi ko ang mga bagay nasa stante at nagulat ako nang makita ko ang mukha ng nasa kabilang bahagi nito. "Sige, sabihin na lang natin na nauna ka dito para hindi halatang sinusundan mo ako," bigla niyang sabi. "Excuse me lang ha. Hindi kita sinusundan. At hindi rin sayo itong buong San Lorenzo para ipagbawal mo na mamili ako dito at akalain mong sinusundan kita," sabi ko sa kanya sa may pagitan ng stante. "Okay," sabi niya saka niya hinarangan ang butas. Tttsss. Bastos. Kung pwede lang basagin ang lahat ng ito ay binasag ko na sa inis. Nasa kalagitnaan ako ng pamimili nang lumapit siya sa akin. "May nahanap ka na?" tanong niya. "Wala pa. And it is none of your business," actually napapa English lang ako pag naiinis ako. "Okay. Sinabihan ko kasi lahat ng kasamahan ko na huwag silang tatanggap ng trabaho pag nagmula ang request sayo," namaywang siya s harapan ko at nakangiti. Kainis. Sino ba siya at kailangan nila siyang sundin? "Wait lang ha? Okay. Hihinga lang ako," sabi ko. Inhale. Exhale. At dahil naiinis na ako ng sobra. Kumapit ako sa balikat niya saka ko tinuhuran ang hinaharap niya. Hmp. Tingnan lang natin kung makakapamukpok pa ng pako ang martilyong nasa gitna ng mga hitang iyon. Bigla siyang nanghina at sapu sapo niya ang kawawang tweety bird na ngayon ay ewan ko kung durog na durog or pisang pisa na. Pinagpag ko pa ang kamay ko saka nagsabing... "Quits na tayo ha? Bye," saka ko itinulak ang cart at nagpatuloy. Naiwan siyang nakakapit sa stante at tulala. Panigurado ko, napisa ng di oras ang mga itlog kahit walang umupong inahin. Well, that's me. Huwag niya akong mamaliitin dahil hindi ako basta basta. Nagbabayad na ako sa counter nang naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pinisa ito. Bigla kong hinawakan ang kamay nito at balak kong pilipitin pero bigla niyang hinawakan ang dalawang pupulsuhan ko dahilan para hindi ako makagalaw. Nagpanic ang mga sales lady pero nagsalita ako. "Relax miss. Ako na to," sabi ko. Pinilit kong gumalaw pero malakas talaga. Maya maya ay lumapit siya sa akin at idinikit mula sa likod ng tenga ko ang mukha niya. "Tandaan mo ang ginawa mong p*******t sa materyales ko. Siaiguraduhin kong ang mga bagay na iyon sa ibaba ko ang gigiba sa mga kagamitan mo sa bahay pagdating ng araw. Sige, sabihin na nating bumili ka ng matibay na kama. Mukha ka namang matibay, kaya sana matibay ang mga gamit mo sa bahay, MA'AM," aniya. Alam kong may ibig sabihin siya. Pumapalag ako pero malakas talaga siya. Sa kapapalag ko ay binitawan niya ako dahilan para muntik na akong mapasubsob sa counter. "Hoy," sigaw ko nang papalayo na siya. "Tatandaan ko itong araw na ito," sabi ko. "Dapat lang. Dahil tandang tanda ko," saka niy itinuro yung Tweety Bird niya sa baba. Tsk. Kainis. Pagkatapos ay iniwan ko sa may baggage area ang mga utensils. Nagtungo ako sa may grocery section para mamili ng mga stocks ko. Of course, hindi mawawala sa listahan ang mga chichirya kong paborito. Cracklings. Fish Crackers. Roller Coaster. Clover. Nova. Orayt..Halos iyon ang pumuno sa cart ko. Kumuha ako ng mga delata at noodles. Mga seasonings. Toiletries. Namili na rin ako ng mga karne, gulay at isda. And hindi mawawala ang isang sakong bigas. May baon naman akong rice cooker kaya no problem ang sinaing. Napakarami kong pinamili kaya tiyak akong marami akong aayusin mamaya. PAG-UWI ko ay naalala kong may nakalimutan ako. Hindi ako nakakuha ng gasul. Maliwanag pa naman kaya nagpunta ako sa sari-sari para bumili nito. Semi grocery ang style nito na kompleto sa tinda. Pati bigas ay mayroon. Nasa may tindahan na ako at may aleng nagbabantay doon. "Magandang hapon po," bati ko. "Ano po iyon ma'am?" tanong niya. "Nagbebenta po kayo ng gasul?" tanong ko. "May tangke po ba kayo?" tanong nito. "Naku wala po eh. Bago pa lang po kasi ako dito," ako. "Ahh. Ikaw ba iyong nakatira diyan sa lumang bahay ma'am?" yung ale. "Opo," sagot ko. "Di bale, papahiraman na lang kita ng tangke. Kaso maya maya pa ang dating ng mga gasul namin. Hindi pa dumarating yung anak ko," sabi niya. Pakiramdam ko siya ang nanay nung Macky. "Babalikan ko na lang po?" tanong ko. "Bayaran mo na lang tapos ipapadeliver ko mamaya sa kanya pagdating niya. Maya maya ay nandito na rin iyon," sabi niya pa. Tsk. Masama ito. "Hintayin ko na lang po," sabi ko. "Naku ma'am, hindi mo mabubuhat," sabi nung matanda. Pulis ako. Pero babae pa rin ako. Ano ba yan. Kristine yung pride, babaan mo. "Sige po. Hihintayin ko na lang sa bahay," sabi ko saka nag-abot ng isang libo. "765 po ang isa ngayon," aniya. Saka niya ako sinuklian. "Sige po, hihintayin ko na lang," ako. Saka ako naglakad pabalik. NAG-AAYOS ako ng mga pinamili ko nang may kumatok sa pintuan. Siya na siguro iyon. Nagmadali akong nagtungo sa pintuan para pagbuksan siya. Wala akong mukhang ihaharap. Pero sige na... harapin na natin ito. Nagbukas ako ng pintuan at tumambad sa akin ang pawisang lalaki. Shems. Hapon na pero parang tanghaling tapat pa rin. Buhat niya mula sa balikat ang isang tangke ng gasul. "Ano, hindi mo ba ko papapasukin?" aniya. Binuksan ko ng maluwag ang pintuan saka siya pumasok. Dumiretso siya sa kusina at nilapag sa tabi ng gas stove ang gasul. Akala ko ay aalis na siya pero siya na rin mismo ang naglagay ng hose mula sa stove. "Kaya ko na iyan," sabi ko. "Hindi pwedeng basta basta ang pagkakabit mo nito. Dahil sa akin itong tangke. Gamit ko ito sa hardware. Inutusan lang ako ni nanay na kunin ko ito at pakargahan para may magamit ka. Kung hindi lang dahil sa kanya ay hindi ko gagawin ito," salaysay niya. Tameme ako. First Time. "Akala ko darating ang stocks niyo," umirap ako. "Naubusan kanina sa bayan kaya wala akong naiuwi," aniya. Pagkatapos ay ipinwesto na niya ang gasul sa gilid at sinidihan ang stove. Nang may apoy na ay saka niya pinihit ang close sa baba. "Huwag mo panatilihing open ito para iwas sunog," siya. "Tsss. Alam ko naman iyon," sabi ko. "Okay," saka siya naglakad paalis. "Wait lang," ako. Lumingon siya. "S-salamat," ako. Saka siya naglakad paalis pero bago iyon ay tinawag ko siya sa name niya. "Macario," nagulat siya. Lumingon siya sa akin. "Sorry nga pala," Unti unti siyang ngumiti at nagthumbs up pa. Pero nabawi iyon nang unti unti niyang ginawang thumbs down at sumimangot sa akin. Gggrrrrrr. Kainissss. Please follow me on dreame and this story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD