Sa mga larong may kasaling pustahan kaya nating sumugal. Pero sa pagmamahal, kaya mo pa bang ang sarili mo ang iyong isusugal? Macky “DOS,” sigaw ko pa nang maitapon ko ang huling baraha ko. Palagay ko ay panalo na ako pero hindi pala. “Alas,” saka niya itinapon ang huling baraha niya. Nagkamot ako ng ulo ko. Pinagpag niya naman ang mga kamay niya saka humalukipkip sa may sofa. “Ayusin mo na iyan. Last round na tayo. Pag di ka pa nanalo kailangan mo nang sumunod sa mga consequences,” utos niya. Tsk. Dati bang sugarol ang babaeng ito at napakagaling sa Tong Its? Naiinis na ako dahil isa pa lang ang panalo ko sa kanya sa apat na rounds naming naglalaro. Kung hindi lang ito tong its at sa apat na rounds, puro ako ang panalo. Kaso hindi eh. Nakakadalawang kandila na rin kami kaya alam k