"They say, traditional jowa will always be the one who will teach you lessons in life. Kapag nagjowa ka, piliin daw ang traditional. Yun bang pagagalitan ka kapag nagshorts ka ng maikli? Yun bang di baleng mag-away kayo basta maitama ka niya? Ikaw, traditional jowa ba ang meron ka?" Macky NAHUBARAN niya ako. Ngayon naman, wala akong pang-itaas dahil basa ang damit ko, pero parang kulang na lang gusto niya na ring tanggalin ang shorts ko. Kababaeng tao nito, mukhang gusto akong gawing s*x slave. Tsk Tsk. Ngayon, ayaw niyang bitawan ang kamay ko na nakahawak sa bote ng Coke. Nauna akong kumapit doon at sumunod siya. Nagkatinginan lang kami at nakatitig siya ng mabuti sa mga mata ko. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa Coke at hinayaan na lang siyang magbukas nito. Naupo ako sa silya.