MACKY NANG lumabas siya ng bahay para bumili ng meryenda ay tyempo namang dumating ang kanyang kaibigan. Deborah ang naalala kong pangalan nito kaya bumati ako sa kanya nang bigla siyang pumasok sa pinto na hindi man lang kumatok. "Ikaw pala," bati niya sa akin. "Nasa labas yung kaibigan mo. Bumili lang ng meryenda. Hintayin mo na lang diyan sa sala. Pabalik na rin siguro iyon," sabi ko saka nagpatuloy sa pagsusukat ng banyo para sa mga ikakabit na tiles. Maya maya ay maghahalo ako ng mga semento at graba para dito. Naramdaman kong lumapit ang kaibigan niya sa akin at nagusyoso. "Papalitan niya pati ang tiles dito? Hmmm, sabagay CR to ng mga bisita. Di bale na sa CR sa kwarto niya," wika nito. Napapangiti lang ako dahil wala naman akong masabi. Bakit ba ang tagal niya? Baka nas