Astraia's POV Nag-iwas ako ng tingin sa mga empleyado habang papasok. Tsk, damn their stupid stares. Pakiramdam ko tuloy ay may ginawa akong mali. Tiningnan ko ang orasan ko at napangisi dahil maaga pa. I'm sure na wala pa ang lion. I woke up early because I still need to fix his office. Papasok na sana ko sa elevator ng may humarang sa akin. Tinaasan ko ng kilay ang babaeng empleyado na mukhang sinampal sa pula ng mukha. "Nilalandi mo ba si, Sir Lucien?" Nakapamewang na tanong nito sa akin. What? Nilalandi? At saan naman napulot ng babaeng to ang salitang iyon? Tss, sinasabi ko na nga ba at magiging laman ako nang tsismis eh. Dumadami na talaga ang utang sa akin ng lalaking 'yon. Umiling lang ako at tinanggal ang kamay nitong nakaharang sa bukana ng elevator. "I don't need to say