MABLIS ang paa ni Shania sa paglalakad papuntang hagdan at narinig niya ang boses ng ina sa sala sa unang palapag ng bahay na mukhang siya ang pinag-uusapan kaya napatigil siya sa paglalakad.
“Papa, wala naman ng problema na si Shara ang magpapakasal. Pumayag na po kami at ang anak namin kaya dapat hindi na tayo pa mamroblema. Sumunod tayo sa usapan at ikakasal na nga po sila ng anak naming,” narinig niyang paliwanag ng Mama niya.
“Yes, I know, but you didn't even tell me that you have an older child, and it's not Shara!” diin ng Lolo niya.
“Importante pa ba iyon, Papa? Ang mahalaga lang naman ay matupad natin ang kasunduan, eh,” katwiran ni Mama.
“You still lied to me! At kailan niyo ipakikilala sa akin ang panganay niyo kapag nakahimlay na ako sa kabaong—”
“Papa!” saway na ni Mama. “Hindi naming sinabi sa inyo ang tungkol kay Shania dahil ayaw na naming mamroblema ang anak namin sa ibang bansa. Napakalaking responsibilidad na ang pinasan niya dahil sa amin at ayaw naming pati ito ay pasanin niya. Isa pa, nakita niyo naman na may nobyo siya at mahal na mahal nila ang isa’t-isa,” mahabang paliwanag ni Mama.
Doon ay tuluyan na siyang naglakad at bumaba na siya ng hagdan kaya napatingin sa kaniya ang lahat.
“Kahit naman makilala mo ako ay hindi mo pa rin ako mapipilit na magpakasal sa kung kaninong punsiyo-pilatong lalaking iyan!” galit at matapang niyang sabi na sa Lolo niya nakatutok ang tingin.
Hindi niya maiwasan makadama ng sama ng loob sa Lolo niya dahil sa tagal ng panahon ay ngayon lang ito nagpakita at ipagkakasundo pa siya o ang pangalawa niyang kapatid sa kung kaninong mang lalaki dahil hindi lang noon natuloy sa Mama niya.
Labag iyon sa karapatan pantao nila ni Shara na pagdedesisyunan ng Lolo nila na ipakasal sila sa taong hindi naman nila mahal at ni hindi man lang nila kakilala.
“Anak-”
“Ma!” sita niya sa Mama niya dahil alam niyang pipigilan lang siya nito sa gusto niyang sabihin.
Muli ay tumingin siya sa Lolo niya. “Hindi magpapakasal ang kapatid ko o kahit ako kung kanino man. Kung nakipagkasundo po kayo sa kaibigan niyo ay kayo iyon at hindi kami kasama sa kasunduan na iyon. May karapatan kaming tumanggi dahil buhay namin ito!” mahinahon na diin niya sa Lolo.
“Anak! Galangin mo naman ang Lolo mo!” sita sa kanya ng Papa niya.
“Gumalang? Paano ko gagaling ang taong bigla na lang dumating sa buhay natin na hindi rin naman kayang gumalang sa damdamin at desisyon natin sa buhay? Ma, Pa, ipinagkasundo niyang ipakasal si Shara sa isang lalaking hindi man kilala ng kapatid ko! Paano tayo makakasigurado na mabuting tao iyon at magiging masaya si Shara sa lalaking iyon? Isa pa, bata pa si Shara at nag-aaral,” puno ng sama ng loob na sabi niya.
“Apo, natitiyak ko naman na mapapabuti kayo-”
“Mapapabuti? Hindi po. Dahil sa ginagawa niyo ay maaari lang masira ang buhay ng kapatid ko,” putol niya sa sasabihin sana ng Lolo.
Hindi na nakapagsalita ang Lolo niya at nagulat na lang siya nang hawakan nito ang dibdib. Nataranta na ang mga bisitang kasama ng Lolo niya at ganoon na rin ang Mama at Papa niya.
“Kuya, tawagin mo ang driver. Inaatake si Lolo!” tarantang utos ng pinakabatang babae na bisita.
Tatakbo na sana ang inutusan pero pinigilan sila ng Lolo niya at inalalayan ito ng Papa at Mama niyang umupo sa sofa.
“No, don’t. I’m okay,” sabi ng Lolo niya.
Bigla ay nakadama siya ng takot dahil baka atakihin ngang talaga ang Lolo niya dahil sa katapangan ipinakita niya rito at tutulan ang kagustuhan nitong na ipagkasundong ipakasal ang kapatid niya.
“Ate,” narinig niyang tawag ni Shara na ngayon ay nasa likuran na pala niya.
“Kailan mong dalhin sa Ospital dahil baka atakihin ka na naman, Papa,” sabi ng Mama niya.
“Hindi. Ayos na ang pakiramdam ko, nanikip lang kanina pero saglit lang naman,” tugon ng Lolo niya.
“No, Tito, we need to go to the hospital to make sure that you’re okay,” sabi naman ng isang babae na tingin niya ay kaedad lang ng Mama niya at sumulyap sa kanya na may katalasan.
Mukhang nagalit ito sa ginawa niyang pagsagot-sagot sa Lolo niya.
“Oo nga, Lolo, umalis na muna tayo rito ngayon at dumiretso sa ospital para ipa-check up ka. To make sure that you’re fine,” ayon naman ng isang lalaki na sa tantiya niya ay kaedaran din ng Mama at Papa niya.
“Okay, fine,” napipilitang payag ng Lolo niya.
Tumingin ito sa kanya na ikinapigil ng paghinga niya saglit. Natatakot siyang baka may masabi na naman siyang maaring ikapahamak nito. Masama loob niya sa desisyon nito na ipagkasundo ang kapatid niya pero hindi naman ibig sabihin niyon ay gusto niyang mapahamak ito.
Matapang siya pero hindi siya ganoon kasama para ipahamak ang Lolo niya.
“Shania, apo,” malambing na tawag ng Lolo niya sa kanya.
Biglang parang may kung anong humaplos sa puso niya dahil sa malambing na tawag ng Lolo niya sa kanya at nakadama siya ng panghihina ng loob.
“Masaya akong nakilala kita, apo, hindi ko akalain na may apo akong napakabait at matapang para sa pamilya,” dagdag pa nito.
Hindi niya nagawang tugunan ang mga sinabi sa kanya ng Lolo. Inalalayan ito ng lalaki na sa tantiya niya ay kaedad ng mga magulang niya at lumabas na ang dalawa sa pinto.
“Hello, Shania, I’m Jasmine and this is my mother Jasmina, my older brother Alfred,” pakilala ng pinakabatang babae at inilahad ang kamay sa kanya.
Inilahad na rin niya ang kamay sa babae at nakipagkamay rito pati na rin sa Kuya nito na may ngiti mula sa kanya. Mukhang mabait ang dalawang magkapatid pero ang nanay ng dalawang ito ay tinignan lang siya saka inismiran kaya hindi na niya inabot pa ang kamay par asana makipagkamay din.
“Sa susunod huwag masyadong matapang. Paano kung natuluyan si Tito maatake sa puso?” tanong pa sa kanya ng Mama ni Jasmine.
Hindi niya nagawang makapagsalita.
“Mom,” mahinag saway ni Jasmine sa ina.
Umirap lang ito at iniwan na sila. Muli ay tumingin sa kanya si Jasmine at ngumiti.
“Pagpasensiyahan mo na si Mama, sobra lang nag-alala kay Lolo iyon,” paliwanag ni Jasmine.
“A-ayos lang. Kasalanan ko rin naman,” aniya.
“Ang tapang mo nga, eh, dapat ikaw pala dapat ipakasal kay Xander para mapatino mo iyon,” natatawa namang sabi sa kanya ni Alfredo.
“Kuya!’ sita naman ni Jasmine sa kapatid. “Hindi oras ngayon para magbiro!”
“Sorry. Sige na, Shania, alis na kami. Nice to meet you,” paalam ni Alfred sa kanya.
“Nice meeting you too,” tugon niya.
Ngumiti lang ulit sa kanya si Jasmine saka na ang mga itong lumabas ng bahay.
Narinig niya na bumuntonghininga ang Mama niya kaya napatingin siya rito at hindi napigilan na tumulo ang mga luha niya.
“Mama, Papa, bakit hindi niyo sinabi sa akin ito? Bakit kailangan niyo pang ilihim ito?” masama ang loob na tanong niya sa magulang, “alam niyo bang sumama ang loob ko nang tumawag ako sa inyo at sabihing nagpaplano akong umuwi pero ayaw niyo. Akala ko hindi niyo ako na-miss noon kaya ayaw niyo.Iyon pala may malaki na tayong problemang ganito.”
Nilapitan siya kaagad ng Mama at Papa niya saka niyakap.
“Hindi ka naming pinayagang umuwi muna dahil ayaw naming mamroblema ka pa. Marami ka ng ginawa sa amin at ayaw naming pati ito ay isipin mo pa,” paliwanag sa kanya ng ama.
“Anong hindi na-miss? Miss na miss ka nga naming pero gusto naming maayos na ang lahat sa pag-uwi mo rito,” dagdag ng Mama niya.
“Oo nga, Ate, saka ayos lang naman na ako na ang magpakasal. Iyon lang ang magagawa ko para sa pamilya natin saka noong una sina Mama at Papa ay umayaw talaga kaso nakita mo naman ang kalagayan ni Lolo, eh,” sabat ni Shara.
“Sa totoo lang gusto naming mapabuti kayong lahat magkakapatid. Gawin ang mga gusto niyo pero dumating si Papa, ang Lolo niyo at nakiusap. Hindi ko magawang tumutol dahil Papa ko iyon at nagkamali na ako sa kanya minsan,” mahabang paliwanag ng Mama niya.
Tumulo ang mga luha ng Mama niya kaya naawa siya kaagad dito. “Mama,” halos sabay na bulalas nila ni Shara.
“Ayoko sa totoo lang kasi mahal na mahal ko kayo at gusto kong gawin niyo ang magpapaligaya sa inyo. Kasalanan ko ito.”
“Mahal, hindi, wala kang kasalanan. Hindi naman masamang magmahal nagkamali lang tayo dahil imbes na itinama natin ay nagtanan tayo at iniwan natin ang Papa mo,” kaagad na alo ng Papa niya sa Mama niya.
Hindi tuloy niya maiwasang makonsensiya dahil sa pagsagot-sagot niya kanina sa Lolo niya. Alam niyang tinamaan din ang mga magulang niya sa mga sinabi niya dahil ito ang mga magulang nila pero walang magawa sa naging desisyon ng Lolo nila.