When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
MASAYANG-masaya ang Lolo ni Shania nang biglaan silang pumunta sa bahay nito at nagpasya sila ni Xander na doon na muna maglalagi ng ilang-araw. Nagpahanda kaagad ang abuelo ng pang-fiesta na meryenda, na hindi na nila natanggihan dahil iyon ang kagustuhan ng abuelo. “Hindi niyo ako sinabihan para maaga pa lang ay nagpahanda ako ng pagkain,” sabi ni Lolo sa kanila. “Kumain naman po kami ng tanghalian bago nagpunta rito, Lo, kaya ayos lang po,” tugon niya. “Pero masayang-masaya ako at naisipan niyong dalawin at maglagi kayo rito nang ilang-araw dahil hindi natuloy ang honeymoon niyo,” masayang bulalas ng abuelo. “Bakit ba kasi hindi kayo tumuloy?” usisa pa nito. “Ayaw po muna nitong misis kong umalis sa bansa at masiyadong malayo sa pamilya niya. Naiintindihan ko naman dahil bago lang s