When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAGKASUNDO naman ang pamilya ni Shania at ng nobyo niya na pauunahin na munang tapusin ang kasal ni Shara bago nilang dalawang mag-nobyo asikasuhin ang kasal nila. Maswerte siya dahil hindi iyon naging problema para kay Zanray at handa itong mag-antay maikasal lang sila saka kahit sa mga magulang niya ay napakabait ni Zanray ganoon na rin ang mga kapatid nito. Parehas ng namayapa ang mga magulang ni Zanray at tanging ang nakakatandang kapatid na lang nito na wala pang asawa ang tumaguyod sa kanila dahil ito pa lang noon ang nasa tamang edad para magtrabaho at buhayin sila Zanray. Mabait din ang Kuya ni Zanray at masasabi niyang mapalad pa rin ang nobyo dahil may nakakatanda itong kapatid na tulad ni Kuya Zandro. "Napansin mo ba kanina sina Zarem at Shara? Parang may kakaiba sa kanila