When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
UMUWI na muna sila Shania at Xander sa bahay nila at sinabihan si Shania ni Xander na magdala ng damit pangpalit nilang dalawa sa maleta na ilang-araw nilang isusuot dahil ganoon din katagal ang itatagal nila sa pinaplanong puntahan ni Xander. Hindi na nagtanong pa si Shania kung saan sila pupunta basta sinunod na lang niya ang asawang maglagay ng mga damit nila sa maleta at si Xander na ang nagbuhat niyon pababa sa hagdan saka inilagay sa compartment ng sasakyan. Pumasok ulit si Xander sa bahay at kinausap si Salve saka sila sabay sumakay ng kotse at pinaandar na iyon. Dahil nag-half day lang sila sa trabaho at umuwi muna sila ay alas-tres na ng tanghali sila nakabiyahe mag-asawa. Ginamot pa niya ang labi ni Xander dahil sa sugat na natamo nito mula sa pananampal ng abuelo. “Saan ba ta