Chapter 39

2138 Words

NANG makarating sila Shania sa resort na tinutukoy ni Alfred ay iniwan na muna sila nito sa isang restaurant ni Jasmine para kumain at nakipagkita na si Alfred sa ka-meeting nito. Sila na lang ni Jasmine ang sabay na kumain sa restaurant at doon na rin sila mag-aantay kay Alfred hanggang sa matapos ang meeting nito at balikan sila. “Kumusta naman kayo ni Xander, ngayong nagbukod na kayo?” tanong ni Jasmine kay Shania. “Okay naman. Magkasundo naman kami kahit paano pero minsan may mga pagtatalo,” nakangiti namang tugon niya. “That’s good to hear. At least, kahit paano ay nagkakasundo kayo,” anito. “Kahit paano nakukuha na namin ang ugali ng bawat isa at natututong mag-adjust para iwas away na rin,” aniya. Ngumiti si Jasmine pero may lungkot sa mga mata nito at iyon ang hindi niya maint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD