MAVERICK and Evelyn went to the supermarket. Ito ang unang beses na magkasama silang lumabas. Si Maverick ang nagtutulak ng cart habang si Evelyn naman ang tagakuha ng mga kailangan nila pero sa mga matataas na estante ay si Maverick ang kumukuha. “Ang liit mo kasi.” Pang-aasar ni Maverick sa asawa. Tinignan ni Evelyn si Maverick ng masama. “Sorry, ah. Kinulang kasi ako sa height. Nakakahiya naman sa 'yo.” Maverick smiled. Hindi na niya sinundan ang sinabi niya kanina dahil baka mainis sa kaniya si Evelyn. “Let’s buy these.” Kumuha si Maverick ng isang karton na apples. “It’s expensive. Saka isang karton. Mauubos mo ba ‘yan?” Tanong ni Evelyn. “Ayaw mo ba?” tanong naman ni Maverick. Evelyn sighed and shook her head. “Just 10 pieces. Kaya nating ubusin ‘yan hanggang sa susunod na ma