“Bitiwan mo na yung babae, kung ayaw mong sayo ko ito iturok." Ang matapang kong sinabi sa lalakeng may hawak sa babae. Mas lumapit pa ako sa kanila ng magawa kong hawiin ang ilang pinalibutan ang babae.
Pero bigla ko nalang narinig ang malakas niyang sigaw. Nais kong humagalpak ng tawa ng magawang tadyakan siya sa paa ng babae na kanyang hawak.
Sa taas at tulis ng kanyang takong sa sapatos na suot, ganon katindi ang pagdaing ng lalake sa sobrang sakit. Tila ba naiihi at hindi mapakali ang mukha nito at hindi rin maipinta. “Ouch" napakalakas nitong naisigaw. Napalingon ang lahat mula sa lalakeng namimilipit ngayon sa sakit ng paang tinadyakan. “Ang tigas ng mukha mong hipuan ako." Ang sigaw ng galit na babae. “Masakit ba? buti nga, nababagay lang yan sayo. Manyak!"
Pagkasabi ni Mikky, lumayo agad siya sa lalake. Subalit mabilis rin siyang hinarangan ng dalawang lalake na nakita naman ni David.
“Saan ka pupunta?" Ang tanong ng humarang kay Mikky. Sinamaan niya ito ng mga tingin at saka siya pilit na kumakalas ng biglang hawakan siya nito sa braso upang pigilan. Nasasaktan si Mikky at bakas sa mukha ang matinding sakit mula sa pagkakahawak ng lalake sa braso ni Mikky. “Bitiwan mo ako." Sabi ni Mikky, galit niyang bigkas sa lalakeng may hawak sa kanya.
“Tumabi kayo" inis na sinabi sa kanila ni David. Subalit nagulat siya ng ilan pa ang lumapit at pinalibutan siya.
Lumapit na rin sila Ethan at Kia na siyang humawi sa groupo na pumalibot kay David.
"Sorry, akin siya," sabi ni David, nakangiti sa Lead ng groupo. Habang yakap ang babae at nakasadig sa kanyang dibdib.
Napakalakas ng kabog ng dibdib ni David at natitiyak niyang naririnig ni Mikky iyon.
Maging si Mikky ay napakalakas ng kabog ng dibdib sa kaba sa mga lalakeng bumastos sa kanya. Naisip niya ang kanyang Kuya Liam na dahilan sa kanyang pagparito sa bar.
“Ngayon alam mo na?" Sinabi ni David, maangas na sinabi sa groupo na kanyang pinagkunan ng babae.
“Opp! Huwag mong tangkain na lumapit ng ihataw ko ito sayo." Banta na sabi ko sa mga ilang nagbabalak na lapitan ako at ang babaeng hawak ko.
“Siraulo ka ba?" Sagot nung isa.
“Ikaw yun di 'ba?" Sagot ko naman, balik sa sinabi niya.
“Gago pala ito, talaga atang humahanap ng gulo." Gilalas na sinabi ng isa.
“Kayo yung mga sira, binabastos niyo yung hindi naman sa inyo. Hindi tamang binabastos niyo ang girlfriend ko." Sabi ko, sa kanila muli at dahan-dahan na umaktras hila-hila ang babaeng aking yakap.
Sabay-sabay naman nagkatinginan lahat, nagulat, habang napalingon ako kila Ethan at Kia na mas nagulat pa sa sinabi ko.
Biro lang naman yon! Okay lang din if magkatotoo. Natatawa kong naibulong sa isip ko.
MIKKY POV’S
Habang nakikipag-talastasan ako sa lalakeng humarang sa akin at bigla nalang akong hablutin sa aking braso.
Sobrang kinainisan ko at pagdampi ng kamay nito sa braso ko. “Let go of me" Sabi ko, pilit na hinihila ang hawak niyang braso ko.,
Pero kahit anong pagpupumiglas ko sa kanya. Ganon rin ang pagpupumiglas niyang huwag akong mabitiwan. “Hindi mo ba naririnig, kung anong sinabi ko sayo? Bitiwan mo ako." Utos na sabi ko.
Pero hindi binitiwan ng lalake si Mikky, mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa kanya. Pero mas ikinabigla ni Mikky ng bigla siyang hablutin ng lalakeng misteryoso sa kanya.
Ang lalake na bigla nalang lumitaw at mangialam sa kanila.
Sa bilis ng pagkakahila sa kanya, kasing bilis rin ng pagsandig niya sa matigas nitong dibdib. Labis akong nagulat, napakalakas ng kanyang kaba. Kasing bilis ng t***k ng puso ng lalake na naririnig at nadadama niya ng bigla nalang siyang mapasandig sa dibdib ni David.
Pero mas ikinabigla ko ang pagsabi niya na girlfriend niya ako. “What???" mahina kong bulong.
“Anong pinagsasabi mo?" Sita ko sa kanya, habang nakabulong.
Habang si David ay niyakap pa si Mikky, upang mas umayos ang pagkakalapat ni Mikky sa kanyang malapad na dibdib. “Sakyan mo nalang, kung gusto mo pang makakaalis ng buhay rito." biro ni David, na kinagulat muli ni Mikky.
Biro ba yon? ang naibulalas na bulong ni Mikky.
Binibiro niya ba ako? wika niya muli, si Mikky “Bitiwan mo nga ako." Utos niya kay David, subalit nginitian lang siya nito.
“Huwag kang malikot" muli ay sinabi ni David, kay Mikky.
“Nang hindi nila mahalata at kung ayaw mong mas magkagulo rito, tumigil ka sa kakabulong at kakaarte mo." May pambabanta na sinabi ni David kay Mikky.
Tila natakot si Mikky sa una, pero muli siyang nagpumiglas ng magsalita muli si David. “Wait ka lang, aalis tayo sa lugar na toh!" Sinabi na naman muli ni David. Nagtinginan silang dalawa, maging ang dalawa nilang kasama sila Ethan at Kia.
“Hindi ba pwede, pakawalan mo nalang ako?" sabi muli ni Mikky ng magsalita muli ito.
Pero parang bingi si David at walang naririnig habang nakikipag argue sa mga grupo na nambastos kay Mikky.
“Sige na, aalis na kami ng girlfriend ko. Hindi rin namin nais magkagulo rito. Humanap nalang kayo ng ibang babastusin niyo huwag lang itong maganda kong girlfriend." May pagyayabang na sinabi ni David, bago pa nag-umpisa lumakad paatras sa groupo na nambabastos kay Mikky.
Kinindatan niya si Mikky, bago pa hilahin ito palayo at palabas ng bar para makalayo sa groupo na kanilang tinakasan.
DAVID POV’S
Malayo-layo na ang nalakad nila Mikky, David, Kia at Ethan ng biglang huminto ang dalawa at hindi na napigilang magreklamo sa kanilang kaibigan.
"Enough, Dude! Pagod na ako, hindi ka ba nakahahalatang napapagod na rin kaming mga kasama mo sa kahabaan ng nilakad natin mula sa bar, makalayo lang." Bulalas na sambit na may pagrereklamo ni Kia, matapos ang mahabang inilakad nilang apat ng makalayo sa groupo at makalabas sa bar kangina.
"Dude, tama rin si Kia, ako rin, pagod na at masakit ang mga binti at paa. Para ako rarayumahin sa sakit ng aking mga binti. Mas mabuting huminto ka na sa paglalakad." Ang may pagrereklamo rin at pagsang-ayon naman ni Ethan sa sinabi ni Kia.
Maging ako naman ay nakaramdam na rin ng pagod sa haba ng nilakad namin na may ilang kilometers na ang kalagayan sa bar kung saan kami galing kangina.
“Pre, yung kotse naiwanan rin sa parking lot." Sigaw ni Kia ng makalapit kay Ethan. Napahinto na rin kami ng babae na hawak ko sa paglalakad.
"Saan mo ba balak magpunta? Anlayo na ng nilakad natin, hindi ka pa ba napapagod? Kami, maging yang babae na hawak mo tiyak na pagod na rin sa haba ng nilakad natin." Muli ay sabi ng nagrereklamong si Kia.
Hinihingal na rin ito, natawa ako at naitanong “Ayos ka lang?" Natatawa kong naitanong habang pinagmamasdan ang paghahabol ng hininga.
"Sa tingin mo ayos lang ako?" Singhal ni Kia, pero pabiro at nakatawa.
“Siraulo ka talaga, Pre! Sinama mo pa kami diyan sa kalokohan mo. Sukat paglakarin mo kami ng ganung kalayo." Si Ethan ang sumagot.
“Baliw ka na." Naibulong ni Kia, nakatawa habang nakatingin sa babaeng hindi ko pa rin nabibitiwan sa aking pagkakahawak sa kamay.
“Paano ako magiging okay sa paglalakad natin ng hindi mo rin alam sa sarili mo kung saan tayo tutungo." Gilalas muli na sinabi, Pabiro at hindi inaalis ang tingin sa babaeng aking katabi.
Saka ko naman binalingan ng tanong ang babaeng kanilang tinitingnan. “Hi" nakangiti kong sinabi sa kanya.
“Okay ka lang ba?" Siya naman ang aking tinanong.
Nakasimangot ito ng siya ay sumagot. “Palagay mo okay rin ako? Kung ang dalawa mong kaibigan nagrereklamo na sa pagod, papaano pa ako magpahanggang ngayon ay hawak-hawak mo at walang ideya kung gaano katagal pa ba ang lalakarin mo habang ayaw mong bitiwan ang kamay ko." Maging si Mikky ay hindi na napigilang hindi magreklamo sa pagod at p*******t na rin ng kanyang binti sa haba ng kanilang nilakaran.
“Sorry ahh" Namutawi sa bibig ni David, habang siya ay nakangiti.
“Sorry, matapos mo kaming isama sa kabaliwan mo at paglakarin kaming tatlo. Sana ikaw nalang mag-isa ang lumakad sa ganito kalayong lakaran, kala mo samin, hindi marunong mapagod at magreklamo." May inis sa bawat salita ni Mikky, masungit niyang sinabi at inis niya pinilig ang kamay na hawak pa rin ni David. “Bitiwan mo na nga ako."
“Pakawalan muna ako at baka pwede mo ng alising ang kamay mo sa pagkakahawak sa kamay ko?" Naiinis muling sinabi ni Mikky habang kanyang hinahatak ang kamay, mula sa pagkakahawak ni David.
Parang nabigla si David at mabilis na binitiwan ang kamay ni Mikky saka sinabi. “Sorry"
Subalit hindi na siya pinansin ni Mikky, sa halip pumara ito ng taxi at mabilis na sumakay at lumulan sa loob ng taxi na mabilis rin umalis mula sa kanilang harapan.
Natigilan nalang si David ng hindi man lang niya nagawang naitanong ang pangalan ng babaeng kanyang iniligtas mula sa mga nambastos kay Mikky. Natatawa nalang siyang nakatanaw habang papalayo ang taxi na sinasakyan ni Mikky na hindi rin nagawang magpasalamat sa kanyang ginawang kabutihan rito.