Kabanata 47: Respect Before Love PUSPUSAN na ang paghahanda ni Denzel upang maging ganap na misis. Habang wala siyang misyon ay kanya munang ginugol ang sarili to learn something at home most especially sa mga gawaing bahay. Hindi sanay sa mga ganoon si Denzel ngunit gusto niyang matuto. She realized something when she bougth those vegetables mistakenly. At sobrang nakakatawa ang nangyari pero she took it seriously dahil knowing some ingredients of the food to be cooked at home is requisite. Nakakapanghinayang kung wala talaga siyang alam lalo na sa pg-aalaga ng bata. “Pagkatapos mo namang magluto ng kanin ay isusunod natin ang pagluluto ng ulam. Kailangan mong matutunan ang wastong pagluluto ng gulay, karne at isda.” “Sige po Tita, excited na po akong matutuhan ang mga ganyan. Kahit b