Kabanata 34: Isla MAAYOS na ang lahat in preparation sa summit. Sobrang agang pumasok ni Denzel dahil kailangan pa niyang mag-ayos. Hindi paman siya nakakapasok sa loob ng opisina ni Nicholas nang lumabas ang lalaki. Sobrang bigat ng mga mata nito at tila wala sa sarili. "Umuwi ka sainyo Pepper, pack your things na pwede mong dalhin sa isang beach. We will be staying there for one week," malamig ng boses ni Nicholas. Ngunit hindi roon naapektuhan si Denzel kung hindi sa sinasabi nitong beach. "Hindi po ba tayo dadalo sa summit, Sir?" nagtataka niyang tanong. "No, kaya kumilos ka na." "Teka, Sir." "What?" "Ano ang gagawin natin sa beach?" "Business. Bumalik ka rito dala ang iyong mga gamit." "Sir," hindi pwede ang gusto ni Nicholas. "Now... I need you to be there." Mabilis na tuma